
05/07/2025
Deliberasyon para sa re-distribution ng pitong district seats mula sa Sulu inumpisahan na
SINIMULAN na ng Committee on Local Government (CLG) at ng Amendments, Revision, and Codification of Laws (CARCL) ang deliberasyon sa dalawang panukalang batas na layong e-distribute ang pitong district seats mula sa defunct Sulu Province.
Isinagawa ito sa Pasig City ngayong araw July 05, 2025.
Matapos ang magkasunod na public consultations, pinag-aaralan na ng mga lawmakers ang mga position papers at mga feedback na ipinasa ng iba't-ibang stakeholders sa rehiyon.
Nakasaad sa BTA Bill No. 351 na iniakda ng government of the day, mula sa 32 districts, siyam ang para sa Lanao del Sur, lima para sa Maguindanao del Norte, lima rin sa Maguindanao del Sur, kapwa apat sa Basilan at Tawi-tawi, tatlo sa Cotabato City at dalawa sa Special Geographic Area.
Sa bersyon naman ng ng Parliament Bill No. 347 na iniakda ng siyam na mga law makers, sampu ang district seats sa Lanao del Sur habang isa lang sa Special Geographic Area, kapwa lima sa MDS at MDN, kapwa apat sa Basilan at Tawi-tawi at tatlo sa Cotabato City.
Minamadali ngayon ng mga mambabatas ang pagpasa ng dalawang panukalang batas dahil sa nalalapit na kauna-unahang regional parliamentary election sa October 13, 2025.
Ang 32 district seats ay bahagi ng 80-member Bangsamoro Parliament kabilang na dito ang 40 party representatives at walong sectoral representatives na binubuo ng Non-Moro Indigenous Peoples (NMIP)(2 seats), Settler Communities (2 seats), Women (1 seat)
Youth (1 seat), Traditional Leaders (1 seat) at Ulama (Islamic scholars) (1 seat).
Nauna ng sinabi ni BARMM Chief Minister Abdulrauf Macacua na dapat magkaroon ng patas na representasyon ang bawat lugar sa rehiyon.