DXDM 99.5 Layag News FM Cotabato

DXDM 99.5 Layag News FM Cotabato Making waves

05/07/2025

Deliberasyon para sa re-distribution ng pitong district seats mula sa Sulu inumpisahan na

SINIMULAN na ng Committee on Local Government (CLG) at ng Amendments, Revision, and Codification of Laws (CARCL) ang deliberasyon sa dalawang panukalang batas na layong e-distribute ang pitong district seats mula sa defunct Sulu Province.

Isinagawa ito sa Pasig City ngayong araw July 05, 2025.

Matapos ang magkasunod na public consultations, pinag-aaralan na ng mga lawmakers ang mga position papers at mga feedback na ipinasa ng iba't-ibang stakeholders sa rehiyon.

Nakasaad sa BTA Bill No. 351 na iniakda ng government of the day, mula sa 32 districts, siyam ang para sa Lanao del Sur, lima para sa Maguindanao del Norte, lima rin sa Maguindanao del Sur, kapwa apat sa Basilan at Tawi-tawi, tatlo sa Cotabato City at dalawa sa Special Geographic Area.

Sa bersyon naman ng ng Parliament Bill No. 347 na iniakda ng siyam na mga law makers, sampu ang district seats sa Lanao del Sur habang isa lang sa Special Geographic Area, kapwa lima sa MDS at MDN, kapwa apat sa Basilan at Tawi-tawi at tatlo sa Cotabato City.

Minamadali ngayon ng mga mambabatas ang pagpasa ng dalawang panukalang batas dahil sa nalalapit na kauna-unahang regional parliamentary election sa October 13, 2025.

Ang 32 district seats ay bahagi ng 80-member Bangsamoro Parliament kabilang na dito ang 40 party representatives at walong sectoral representatives na binubuo ng Non-Moro Indigenous Peoples (NMIP)(2 seats), Settler Communities (2 seats), Women (1 seat)
Youth (1 seat), Traditional Leaders (1 seat) at Ulama (Islamic scholars) (1 seat).

Nauna ng sinabi ni BARMM Chief Minister Abdulrauf Macacua na dapat magkaroon ng patas na representasyon ang bawat lugar sa rehiyon.

05/07/2025
05/07/2025
05/07/2025

Truck bumulusok sa gilid ng highway sa Alamada

Isang closed van-type na ten-wheeler truck, dahil sa mechanical trouble, ang lumihis mula sa highway at lumagpak sa malalim na gilid nito sa Sitio Guo sa Barangay Guiling sa Alamada, Cotabato nitong hapon ng Martes, July 1, 2025.

Sa ulat ng Alamada Municipal Police Station, biglang pumalya ang makina ng truck habang paakyat sa mataas na bahagi ng highway kaya umatras at lumihis patungo sa malalim na gilid nito.

Parehong nakaligtas sa aksidente ang driver ng truck at kanyang helper.

Agad namang naka-responde sa insidente ang mga pulis sa Alamada at mga kawani ng Alamada Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at kanilang nahatak ang truck pabalik sa highway gamit ang isang kable na nakakabit sa ang isang malaking payloader. (July 4, 2025, handout photo, Alamada local government unit)

05/07/2025
05/07/2025
05/07/2025

P8-M smuggled sigarilyo, samsam sa Davao

Nasamsam ng mga pulis ang abot sa P8 milyon na halaga ng sigarilyong gawa sa Indonesia sa isang anti-smuggling operation sa Barangay Ilang sa Davao City nitong gabi ng Huwebes.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Biyernes, July 4, 2025, ng Davao City Police Office at ng Police Regional Office-11, natagpuan ang naturang mga imported na sigarilyo sa isang liblib na pook sa Barangay Ilang, nakatakda na sanang ihahatid sa mga buyers sa iba’t-ibang mga lugar.

Ayon sa mga barangay officials, mabilis na tumakas ang mga lalaking nagbabantay ng naturang kontrabando ng mapunang may mga pulis na lumalapit sa kanilang kinaroroonan.


Agad na kinumpiska ng mga pulis at barangay officials ang 431 cases ng mga imported na sigarilyo, nagkakahalaga ng P8 million, na kanilang natagpuan sa tulong ng mga impormanteng mga residente din ng naturang lugar na napuna ang pagdating ng naturang kontrabando sa kanilang lugar.


Naka-takda ng ipa-kustodiya ng Davao City police force ang nakumpiskang mga sigarilyo sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon. (July 4, 2025)

05/07/2025

Mga gamot para sa barangay handog ng SMI

Nagalak ang mga barangay health workers sa Sta. Cruz sa Tampakan, South Cotabato sa ayudang gamot at mga multivitamins na ipinagkaloob sa kanilang barangay government ng isang pribadong kumpanya kaugnay ng pagtutulungan nito, ng mga local leaders at iba't-ibang public service entities na mapabuti ang kalusugan ng mga residente ng naturang bayan.

Mismong si Wilfredo Epe, chairman ng Barangay Sta. Cruz, at ang namamahala ng pangkat ng kanilang barangay health workers, si Jeselle Fernandez, ang hiwalay na nagpahayag sa mga reporters nitong Sabado, July 5, ng kanilang pasasalamat sa Sagittarius Mines Incorporated, mas kilala bilang SMI, sa donasyon nitong mga gamot para sa ibat-ibang mga karamdaman at mga multivitamins na ihinatid nito lang nakalipas na linggo ng mga kawani ng kumpanya sa kanilang barangay office.

Ayon kay Barangay Chairman Epe, malaking bagay para sa kanilang public health projects ang mga gamot at multivitamins na ibinigay ng SMI na may malawak na public service programs sa Tampakan, sa Columbio Sultan Kudarat, sa Malungon sa Sarangani at sa Kiblawan sa Davao del Sur.

Ayon kay Domingo Collado, Blaan tribal representative sa Tampakan municipal council, malaki ang pakinabang ng kanilang tribo at ng mga settler communities sa Tampakan sa mga proyektong kaugnay ng Social Development and Management Program ng SMI.

Ayon kay Collado, kabilang sa naging serbisyo publiko ng SMI ang pagtapos sa kolehiyo, nitong nakalipas na pitong taon, ng iba't-ibang mga college courses ng mahigit 800 na mga scholars mula sa iba't-ibang bayan sa South Cotabato, Sultan Kudarat, Davao del Sur at Sarangani na naka benepisyo sa scholarship program ng kumpanya. (July 5, 2025)

(John Unson)

Address

Maguindanao

Telephone

+639264095022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXDM 99.5 Layag News FM Cotabato posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share