
18/07/2025
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐; ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Nakipagpulong ang liderato ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa pangunguna ni Party President Al Haj Murad Ebrahim sa Commission on Elections (COMELEC) na pinamumunuan ni Chairman Atty. George Erwin Garcia.
Sa naturang pagpupulong, sinabi ni Chairman Garcia na handa na ang COMELEC para sa gaganaping parliamentary elections BARMM sa darating na Oktubre 13, 2025.
Aniya, napapanahon na upang magkaroon ng mga halal na opisyal ang rehiyon. Tiniyak din ni Garcia na hinihintay na lamang ng kanilang tanggapan ang pinal na batas kaugnay sa reallocation ng pitong (7) seats mula sa lalawigan ng Sulu. Kung hindi masasapinal ang batas bago ang eleksyon, magpapatuloy umano ang COMELEC base sa kasalukuyang 25 district seats lamang na nakasaad sa BARMM Electoral Code.
Ipinahayag naman ni President Ebrahim na handang-handa na rin ang partido ng UBJP na lumahok sa kauna-unahang eleksyon sa BARMM. Aniya, malakas ang suporta ng liderato ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) at ng kanilang partido upang maisakatuparan ang hinihintay na election ng Bangsamoro upang magkaroon na aniya ng malakas na mandato ang mga opisyal na hahawak sa pamahalaan.
Kasama ni Chairman Garcia sa pulong sina COMELEC Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda Jr., Executive Director Teopisto Elnas Jr., at Spokesperson John Rex Laudiangco.
Samantala, si President Ebrahim naman ay kasama sina UBJP Party Vice President Mohagher Iqbal at iba pang opisyal ng partido.
Matapos ang pagpupulong, nagbigay rin sila ng pahayag sa mga miyembro ng media hinggil sa naging talakayan.