DXMY 90.9 Cotabato

DXMY 90.9 Cotabato 90.9 iFM Cotabato Official page Broadcasting

28/07/2025
RH6 papatayuan ng multi-purpose building mula sa TDIF ni DS Omar Sema, implimentasyon pinabibilisan ng DEO MPW!Naglaan n...
28/07/2025

RH6 papatayuan ng multi-purpose building mula sa TDIF ni DS Omar Sema, implimentasyon pinabibilisan ng DEO MPW!

Naglaan ng ₱5.1M na pondo ang tanggapan ni Deputy Speaker MP Atty. Omar Yasser Sema para magpatayo ng bagong multi-purpose building na isinagawa kanina July 28, 2025 na matatagpuan sa Purok Pinnen, Barangay Rosary Heights 6, Cotabato City.

Sa tulong ng Ministry of Public Works o MPW BARMM, ipapatupad ng Cotabato City District Engeering Office ang proyekto na inaasahan matatapos sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay DS Sema, hinugot ang pagluluwal ng pondo mula sa Transitional Development Impact Fund o TDIF 2024 at napiling benepisyaryo ang RH6 dahil narin sa kahilingan ni Chairman Mohammad Nur Delos Reyes Oyod na magkaroon ng bagong pasilidad na magagamit sa alinmang aktibidad o programa.

Ito na rin ang panglimang infra project na naipagkaloob ni MP Omar Sema sa nagpapatuloy na programa ng kanyang tanggapan sa iba’t ibang barangay o lugar sa rehiyon.

Lubos ang pasasalamat ni Kapitan Oyod sa tanggapan ni MP Omar Sema at MPW DEO makaraang natugon at napili ang mga ito sa isa mga programang pang imprastraktura ng mambabatas.

Dahil sa mas pinalakas na Moral Governance, marami ng mga lugar sa rehiyon ang napatayuan na kahalintulad na proyekto sa tulong ng Bangsamoro Transition Authority at BARMM Government.

(Radyoman Ebs Abang)

PBBM SONA2025 : Mahiya naman kayo?kasabay ito ng State of the Nation Address o SONA2025 na ibinunyag ng pangulong Ferdin...
28/07/2025

PBBM SONA2025 : Mahiya naman kayo?

kasabay ito ng State of the Nation Address o SONA2025 na ibinunyag ng pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga palpak na proyekto kabilang na ang flood control at iba pa.

Ikaw ba Kasama anong masasabi mo?

28/07/2025

" MAPIYA BULDON "NI MAYOR PAHMIA MANALAO MASURONG, PATULOY NA IPINATUTUPAD PARA SA PAG UNLAD AT PROGRESIBONG BULDON

Bagong tourist attraction sa bayan ng Buldon Maguindanao del Norte malapit ng buksan sa publiko dahil sa inisyatiba ng lokal na pamahalaan na promote ang bayan sa ibang karatig munisipyo.

Ayon kay Mayor Pahmia Manalao Masurong sa panayam ng DXMY, nagpapatuloy ang concreating of roads ng dalawang waterfalls na nagdudugtong sa bayan ng Alamada North Cotabato.

Siyay nagpasalamat sa BARMM Government sa walang sa walang sawang pagbibigay ng tulong para mapaunlad ang kanilang bayan.

Narito si Mayor Pahmia Manalao Masurong.

Rescue and retrieval sa batang lalaki na tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog sa MB Tamontaka, nagpapatuloy!Napa...
28/07/2025

Rescue and retrieval sa batang lalaki na tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog sa MB Tamontaka, nagpapatuloy!

Napasugod ang mga unit ng City Disaster Risk Reduction Management Office, PCG Maguindanao BARMM, Police Station 3, BARMM READi at BLGU MB Tamontaka makaraang makatanggap ng ulat na may batang tinangay ng malakas na agos ng tubig na naganap kanina ala 1:30 ng hapon sa bahagi ng Tamontaka River, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City.

Sa ipanarating na impormasyon ng BLGU MB Tamontaka sa DXMY, kinilala ang biktima na si Jovel, 14 anyos, single, estudyante, residente ng PC Hill, RH1 nitong lungsod.

Sinasabing 10 mga kabataan na mag-aaral ng CCNHS Main Campus ang nagkayayaan na pumasyal malapit sa tabing ilog ng Tamontaka para umano kumain kasama ang biktima.

Kalaunan ay nagkayayaan ang tatlo sa mga ito na kinabibilangan ni Jovel na magtampisaw o maligo sa ilog.

Ilang minuto ang nakalipas nagawa pang umahon ng mga ito ngunit hindi pa umano nakontento ang biktima at bumalik pa sa tubig o ilog para lumangoy.

Sa hindi inaasahang pangyayari, kinapos ng hangin ang biktima makaraang mapalayo mula sa pangpang na pinaniniwalaang sampong talampakang lalim ng tubig na may kalakasang agos dahilan na natangay ito.

Ilang oras ding sinisid at hinanap sa paligid ang biktima subalit bigo ang mga rescuer na pinaniniwalaang napalayo narin kung saan ito natangay ng tubig habang nagpapatuloy parin ang paghahanap sa biktima.

(Radyoman Ebs Abang)

Decommissioning ng Nalalabing 14K Combatants ng M**F, Ititigil naAng desisyon ay napagkayarian ng Moro Islamic Liberatio...
28/07/2025

Decommissioning ng Nalalabing 14K Combatants ng M**F, Ititigil na

Ang desisyon ay napagkayarian ng Moro Islamic Liberation Front (M**F) Central Committee sa regular na pagpupulong nito noong July 19, 2025, sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.

Ang kopya ng resolusyon, na nilagdaan ni M**F chair Al Haj Murad Ebrahim at M**F secretary Muhammad Ameen, ay isinapubliko nitong Sabado, July 26.

Wala pang komento ang Office of the Presidential Adviser on the Peace, Unity and Reconciliation, na pinamumunuan ni Sec. Carlito Galvez Jr., sa desisyon ng M**F na huwag ituloy ang pag-deactivate ng mga natitirang mandirigma nito.

Ito ay hangga't hindi lubusang naipatutupad ang mga probisyon ng Annex on Normalization.

Ang annex on normalization ay mahalagang bahagi ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na tinintahan ng Gobyerno ng Pilipinas at M**F noong March 27, 2014, makalipas ang 17 taon ng peace negotiations.

26, 145 M**F combatants na ang na-decommission, 65% ng 40,000 ng pwersa nito.( DAISY MANGOD)

Panawagan | Pamilya ng batang babae na nagkaka-edad 8 anyos, estudyante ng Rojas Elementary School, patuloy na pinaghaha...
28/07/2025

Panawagan | Pamilya ng batang babae na nagkaka-edad 8 anyos, estudyante ng Rojas Elementary School, patuloy na pinaghahanap matapos umanong hindi parin makauwi sa kanilang tahanan hanggang sa kasalukuyan.

Kinilala itong si Bainor, residente ng Bagua 2 sa Cotabato City kung saan humihingi ng tulong ang pamilya nito sa publiko na matulongan silang matunton o maibalik ang bata dahil alalang-alala na ang kanyang mga magulang.

Maari silang tawagan sa numerong 09666651040 o di kaya'y ipagbigay alam agad sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa mga kinauukulan.

Address

Cotabato City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DXMY 90.9 Cotabato posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share