26/08/2026
FINAL COMMAND CONFERENCE ISINAGAWA BILANG PAGHAHANDA SA KAUNA-UNAHANG BARMM PARLIAMENTARY ELECTIONS
Isinagawa ang Final Command Conference para sa 2026 BARMM Parliamentary Elections, bilang bahagi ng pinaigting na paghahanda ng mga election, security, at peace and order institutions para sa kauna-unahang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Layunin ng kumperensya na pagtibayin ang koordinasyon at kahandaan ng mga pangunahing institusyon na may tungkulin sa pagpapanatili ng mapayapa, maayos, ligtas, at kredibleng halalan sa buong Bangsamoro region.
Binigyang-diin sa pagtitipon ang kahalagahan ng pagkakaisa at maayos na koordinasyon ng mga ahensiya upang matiyak na magiging maayos ang proseso ng pagboto at maipatutupad ang mga kinakailangang security at peace and order measures bago, habang, at pagkatapos ng halalan.
Samantala, binigyang-diin din ang kahalagahan ng boto bilang isang amanah o tiwala na ipinagkakaloob sa bawat botante.
“The vote is sacred. It is an amanah, a trust entrusted to every voter.”
Hinikayat ang mga Bangsamoro na gamitin ang kanilang karapatang bumoto nang may konsensya, pananagutan, at malalim na pagsasaalang-alang sa kinabukasan ng rehiyon.
Ang 2026 BARMM Parliamentary Elections ay itinuturing na isang makasaysayang yugto sa pagpapatuloy ng political transition at peace process sa Bangsamoro.
Umaasa ang mga election, security, at peace and order institutions na ang halalan ay magiging malinaw na pagpapakita ng malayang kagustuhan ng mamamayang Bangsamoro, habang pinatitibay ang mga nakamit na bunga ng mahabang proseso ng kapayapaan.
Sa gitna ng paghahanda para sa halalan, nananatiling mahalaga ang panawagan para sa pagkakaisa, paggalang sa demokratikong proseso, at pagpapanatili ng kapayapaan upang maging matagumpay ang makasaysayang unang BARMM Parliamentary Elections.
PHOTO: handout