27/07/2025
Bangsamoro Organic Law: Bunga ng Kasunduan, Simbolo ng Sariling Pamamahala
Pitong taon na ang nakalipas ngayong araw, ika-27 ng Hulyo 2018, nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Bangsamoro Organic Law (BOL), isang makasaysayang batas na naglatag ng pundasyon para sa pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Pitong taon na ang nakalipas ngayong araw, ika-27 ng Hulyo 2018, nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang BOL, isang makasaysayang batas na naglatag ng pundasyon para sa pagtatatag ng BARMM.
Ang Bangsamoro Organic Law, na nakaugat sa 2014 Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front (M**F), ay nagsasabuhay sa matagal nang mithiin ng Bangsamoro para sa pagkilala, sariling pamamahala, at tunay na awtonomiya sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Ang pagpirma sa BOL ay naging mahalagang hakbang tungo sa matagal nang inaasam na kapayapaan sa Mindanao, at nagbunsod sa paglikha ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) na siyang namuno sa rehiyon sa panahon ng transisyon, at bumuo ng mga institusyon at batas para sa pamahalaang Bangsamoro.
Mula nang maisabatas, ang BOL ay nagsilbing sagisag ito sa Moral Governance, inklusibong pag-unlad, at ang matagal nang pagkilala sa karapatan ng Bangsamoro sa sariling pagpapasya, isang haligi ng proseso ng kapayapaan sa Pilipinas, at tanglaw ng pag-asa para sa katarungan, kaunlaran, at pagkakaisa.
Sa paggunita natin sa makasaysayang araw na ito, muli nating pinagtitibay ang ating pangako na itaguyod ang mga naipong tagumpay ng kapayapaan, palakasin ang mga komunidad, at patatagin pa ang Bangsamoro para sa kasalukuyan, at susunod pa na mga henerasyon.
©️2025M**FchairmanOfficial
Source/Photo from M**F Chairman Official/Facebook