Kutangbato News

Kutangbato News Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kutangbato News, Broadcasting & media production company, Cotabato, Cotabato City.

4 NA KAPITAN SA COTABATO CITY, SINAMPAHAN SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG REKLAMONG ADMINISTRATIBONanedorso na kahapon sa S...
08/07/2025

4 NA KAPITAN SA COTABATO CITY, SINAMPAHAN SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG REKLAMONG ADMINISTRATIBO

Nanedorso na kahapon sa Sangguniang Panlungsod-Blue Ribbon Committee ang mga reklamong inihain sa apat na barangay kapitan sa tanggapan ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.

Reklamong Abuse of Authority ang isinampa kay Mother Kalanganan Chairman Datu Bimbo Ayunan base sa natanggap na letter of endorsement ng Sanggunian mula sa tanggapan ng alkalde.

Dereliction of Duty at Gross Negligence of Duty naman ang reklamo laban kay RH 5 Chairman Fidel Dino Maglalang - Espino at ilang barangay kagawad nito habang reklamong Dishonesty at Misconduct naman ang inihain laban kay Kagawad Adjaru Mantawil.

Misconduct in Office at Abuse of Authority naman ang inihain laban kay Chairman Pahima Pusaka ag Treasure Abinor Bansil ng Poblacion 5.

Habang Unprofessional Behavior in violation of the code of conduct and ethical standards for public officials naman ang inihain laban kay RH 12 Chairwoman Melisa Pasawiran.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang mga Barangay Officials na hinainan ng reklamo at hinihintay pa nila ang kopya ng reklamo.

08/07/2025

𝑭𝑷𝑹𝑹𝑫, 𝑵𝑨𝑮𝑯𝑨𝑩𝑰𝑳𝑰𝑵 𝑵𝑨! || 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗜 𝗩𝗣 𝗜𝗡𝗗𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗠𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗜 𝗗𝗜𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗖𝗖, 𝗡𝗘𝗧𝗛𝗘𝗥𝗟𝗔𝗡𝗗𝗦, 𝗠𝗜𝗦𝗧𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗡 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗢!

Video Courtesy: Alvin & Tourism

08/07/2025

𝗕𝗔𝗞𝗕𝗔𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗨𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗚𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗜𝗡𝗗𝗔𝗡𝗔𝗢 𝗗𝗘𝗟 𝗦𝗨𝗥

Video Courtesy: Kad Sipat

𝟯 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗧𝗨 𝗣𝗜𝗔𝗡𝗚, 𝗠𝗗𝗦Tatlong matataas na kalibre ng baril ang isinuko ni...
08/07/2025

𝟯 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗧𝗨 𝗣𝗜𝗔𝗡𝗚, 𝗠𝗗𝗦

Tatlong matataas na kalibre ng baril ang isinuko nitong linggo sa himpilan ng 6th Infantry Battalion matapos ang matagumpay na operasyon ng mga ito sa Barangay Duaminanga, Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong linggo.

Ayon sa 6IB, nagsagawa ang mga ito ng clearing operastion sa lugar matapos makatanggap ng ulat kaugnay sa panaka-nakang putukan na dulot ng tensyon sa pagitan ng dalawang naglalabang grupo.

Matagumpay naman na napigilan ng militar ang paglaki pa ng gulo na naging daan din sa pagsuko ng mga armadong grupo ng tatlong M14 Rifles.

Mas pinaigting naman ng militar katuwang ang PNP at mga lider ng barangay ang pakikipagdayalogo bilang bahagi ng kampanya kontra loose fi****ms.

𝗔𝗠𝗕𝗔𝗦𝗦𝗔𝗗𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗨𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗟𝗔𝗨𝗥𝗘 𝗕𝗘𝗔𝗨𝗙𝗜𝗟𝗦, 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗡𝗨𝗡𝗚𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗔𝗬 ...
08/07/2025

𝗔𝗠𝗕𝗔𝗦𝗦𝗔𝗗𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗨𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗟𝗔𝗨𝗥𝗘 𝗕𝗘𝗔𝗨𝗙𝗜𝗟𝗦, 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗡𝗨𝗡𝗚𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢 𝟴-𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟱. 𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗛𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗢 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬-𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗦𝗔𝗠𝗢𝗥𝗢, 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗦𝗜𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗜𝗕𝗜𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜́𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗥𝗜𝗧𝗢.

𝟮𝟴𝟱 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗧. 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗡𝗢𝗚Agad na nag...
08/07/2025

𝟮𝟴𝟱 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗟𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗗𝗨𝗟𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗧. 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗨𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗟𝗜𝗘𝗙 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗦 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗡𝗢𝗚

Agad na nagpaabot ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Matanog, matapos magsilikas ang abot sa 285 pamilya na naapektuhan sa ikinasang operasyon ng 103rd Infantry Brigade laban sa umano'y mga NPA sa boundary ng Kapatagan, Lanao del Sur at Matanog, Maguindanao del Norte.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga ito ngayon sa Jamiat Iranun sa Bayanga Norte ng bayan habang sinisiguro ng lokal na pamahalaan na ligtas na ang lugar at maaari ng bumalik ang mga ito.

Kahapon inactivate na ng bayan ang kanilang Incident Command System upang mabigyan ng karampatang tulong at mamonitor ang kalagayan ng mga bakwit.

Photos: MDRRMO Matanog

08/07/2025

𝗔𝗠𝗕𝗔𝗦𝗦𝗔𝗗𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗨𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 𝗟𝗔𝗨𝗥𝗘 𝗕𝗘𝗔𝗨𝗙𝗜𝗟𝗦, 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗡𝗨𝗡𝗚𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦, 𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗧𝗔𝗕𝗔𝗧𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢 𝟴-𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟱. 𝗡𝗔𝗜𝗦 𝗡𝗜𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗧𝗔𝗟𝗔𝗛𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗢 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬-𝗣𝗨𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗦𝗔𝗠𝗢𝗥𝗢, 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗥𝗢𝗢𝗡 𝗦𝗜𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗜𝗕𝗜𝗟𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜́𝗧 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗥𝗜𝗧𝗢.

𝗠𝗜𝗟𝗚-𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠Pinangunahan ng Mini...
08/07/2025

𝗠𝗜𝗟𝗚-𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧𝗔𝗚 𝗡𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗢𝗣𝗜𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗠𝗠

Pinangunahan ng Ministry if Interior and Local Government ang omboqrding activities para sa mga bagong halal na opisyales ng BARMM. Kinabibilangan ang mga ito ng 5 Bise Gubernador, 105 Municipal Vice Mayors at 3 City Vice Mayors.

Tema ng nasabing aktibidad ang "Bangsamoro Local Leaders at the Helm: Embodying Moral Governance, Transforming Communities".

Layon ng aktibidad na mapalakas pa ang mga public servants upang mamuno ng may kakayahan at integridad, at hubugin sila para epektibong magampanan ang tungkulin sa kanilang lokal na sanggunian.

Photos: Bangsamoro Government

𝑽𝑰𝑵𝑻𝑨𝑮𝑬 𝑩𝑶𝑴𝑩? || 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗡𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗛𝗢𝗠𝗕, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗖𝗞𝗛𝗢𝗘 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗗𝗔𝗢, 𝗗𝗔𝗩𝗔𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬Isang pinaniniwalaang vintag...
08/07/2025

𝑽𝑰𝑵𝑻𝑨𝑮𝑬 𝑩𝑶𝑴𝑩? || 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗪𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗡𝗧𝗔𝗚𝗘 𝗛𝗢𝗠𝗕, 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗖𝗞𝗛𝗢𝗘 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗗𝗔𝗢, 𝗗𝗔𝗩𝗔𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isang pinaniniwalaang vintage bomb ang nahukay ng isang backhoe sa isang construction site sa R. Castillo, Barangay Lapu-Lapu, Agdao, Davao City alas onse ng umaga kahapon.

Agad naman na rumesponde ang mga kasapi ng Explosive Ordnance Dispossal (EOD) team at narekober ang nasabing Unidentified Explosive Ordnance. Nasa kustodiya na ng City Explosive and Canine Unit (CECU) ang nasabing bomba para sa tamamng disposisyon.

Photos: DCPO

TINGNAN|| MGA NAGAWA NI MP ATTY. NAGUIB SINARIMBO SA KANYANG FIRST 100 DAYS BILANG KASAPI NG PARLIYAMENTONarito ang ibin...
08/07/2025

TINGNAN|| MGA NAGAWA NI MP ATTY. NAGUIB SINARIMBO SA KANYANG FIRST 100 DAYS BILANG KASAPI NG PARLIYAMENTO

Narito ang ibinahaging accomplishment ni Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo sa kanyang unang isandaang araw bilang kasapi ng BTA.

Assalamu alaykum!

100 araw na po simula nang ma-appoint tayo bilang miyembro ng Bangsamoro Parliament. Ano na ang mga nagawa natin bilang lingkod-bayan? Narito po ang aking report:

1. Nakapag-file po tayo ng dalawang principally authored bills at isang principally authored resolution. Mayroon din po tayong apat na co-authored bills at pitong co-authored resolutions;
2. Kasalukuyan tayong Chairman ng Committee on Local Government na inaatasang mangasiwa sa pagpapatupad ng mga batas kaugnay ng mga local government units, vice chairman din tayo sa Committee on Finance, Budget, and Management at Committee on Public Works, at miyembro ng pitong iba pang komite;
3. Nakapagsagawa rin tayo ng tatlong Kumustahan sa Barangay kung saan kumonsulta tayo sa mga residente at iba't ibang sektor ng Cotabato City at Pahamuddin, SGA sa kanilang pangangailangan upang maging batayan ng ating mga isusulat na batas;
4. Mayroon din po tayong walong pakikipagkonsultasyon sa iba't ibang ahensya ng gobyerno kaugnay ng mga batas na ating isinusulat;
5. Mayroon tayong 11 civic engagements kasama na ang mga Brigada Eskwela, tree planting, at clean up drive initiatives;
6. Nakapagbigay tayo ng tatlong talumpati sa Parliament patungkol sa mga lokal, nasyunal at international na isyu na ating kinakaharap;
7. Nakapaghatid tayo ng higit sa 1,600 bags ng bigas bilang tulong sa mga volunteers sa ating civic engagement activities;
8. Pagdating sa ating medical emergency support mula sa ating allotment galing sa Ministry of Social Services and Development, mayroon tayong nai-endorse na 116 patients at 7 burial assistance.

Layunin natin na sa pagitan ng paggawa ng batas at pag-alay ng ating kapasidad sa mga ahensya ng gobyerno ay makakapagserbisyo pa rin tayo sa taumbayan sa paraang kaya natin. Marami pa ho tayong magagawa kapag tulong-tulong tayo sa pagkilos para sa Bangsamoro.

Via: MP Atty. Naguib Sinarimbo page

KAPYANAN HOUSING PROJECT SA BARANGAY BAYANGA NORTE, MATANOG, MDN, INIWANG NAKATIWANG-WANG NG CONTRACTOR?Kinuwestyon ngay...
08/07/2025

KAPYANAN HOUSING PROJECT SA BARANGAY BAYANGA NORTE, MATANOG, MDN, INIWANG NAKATIWANG-WANG NG CONTRACTOR?

Kinuwestyon ngayon ni Matanog Mayor Zohria Bansil G**o kung ano ang naging problema ng contractor ng KAPYANAN Housing Project sa Bayanga Norte, Matanog, Maguindanao del Norte.

Ang siste kasi taong 2021 pa sinimulan ang konstruksyon ng nasa 50 housing units sa lugar subalit iniwan na lamang ito na nakatiwang-wang at tinubuan na lamang ng damo.

Panawagan ng alkalde maaksyunan ito upang magamit at mapakinabangan na ng mga intended beneficiaries.

08/07/2025

𝟭𝟬 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢'𝗬 𝗞𝗜𝗡𝗢𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚-𝗣𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚, 𝗗𝗢𝗦. 𝗠𝗗𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗘𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡

Personal na kinumpirma nina Datu Odin Sinsuat, MDN Councilors Datu Rahib Maton Diocolano at Sorab Ambolodto ang umano'y pangingikil sa mga payong-payong drivers sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Napag-alaman ng mga ito na dati ay kinokolektahan aniya ng tig sampung piso ang bawat payong-payong driver sa lugar at natigil lamang ito nang maupo ang bagong administrasyon ng bayan.

Ayon pa sa mga konsehak mismong opisyal pa aniya ng barangay ang nangongolekta sa mga maliliit na mamamayan ng bayan.

Hinikayat naman ng mga ito ang mga residente na magsumbong sa kanila kung sakaling makaranas ng anumang uri ng pandarambong o panglalamang.

Video Courtesy: Councilor Rahib Maton Diocolano

Address

Cotabato
Cotabato City
9600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kutangbato News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share