Spotlight News

Spotlight News MGA BALITANG DAPAT MONG MALAMAN, MGA ISYUNG DAPAT BIGYAN NG PANSIN

๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—ž ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ, ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—š๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—” ๐—ก๐—œ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐’Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand โ€œB...
25/09/2026

๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—ž ๐—˜๐—Ÿ๐—˜๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—ฆ, ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—š๐——๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—” ๐—ก๐—œ ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—š๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐’

Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand โ€œBongbongโ€ Marcos Jr. ang panukalang naglalayong baguhin at itakda ang mas mahabang termino ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials.

Ito ang kinumpirma ng Palasyo ilang araw bago ang nakatakdang pagsisimula ng filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa Barangay at SK Elections.

Sa Presidential Communications Office (PCO) press briefing sa Batac City, Ilocos Norte, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na nilagdaan na ng Pangulo ang panukala.

Ayon sa Palasyo, kinilala ng mga mambabatas at ni Marcos ang mahalagang papel ng mga barangay officials sa pagpapatupad ng mga programa at pagtugon sa mga problema sa komunidad.

Kabilang dito ang pagtulong sa kampanya laban sa krimen, pagresponde sa pagbaha, at pagpapanatili ng maayos na waste management sa kanilang mga nasasakupan.

Iginiit din ng Palasyo na ang pagpapahaba ng termino ay hindi para โ€œmaging hayahayโ€ ang mga opisyal, kundi para mas matagal nilang magampanan ang kanilang mga responsibilidad sa barangay.

Matatandaang hindi na isinailalim sa bicameral conference committee ang Senate Bill No. 2387 matapos itong i-adopt ng House of Representatives.

Sa ilalim ng panukala, itatakda sa limang taon ang termino ng mga Barangay at SK officials. Dahil dito, nakatakda ring ma-adjust ang iskedyul ng susunod na Barangay at SK Elections.

Inaasahang magiging sentro ng usapin ang magiging epekto ng bagong termino sa kasalukuyang mga opisyal, sa iskedyul ng halalan, at sa proseso ng paghahanda ng mga kandidatong nais tumakbo sa susunod na BSKE.

Taos-puso ang saludo ko kay Mother Tamontaka Barangay Chairman Mohammad Zawawi โ€œDatu Wawiโ€ Sema, na nasugatan habang tum...
24/09/2026

Taos-puso ang saludo ko kay Mother Tamontaka Barangay Chairman Mohammad Zawawi โ€œDatu Wawiโ€ Sema, na nasugatan habang tumutulong sa ating kapulisan sa hot pursuit operation ngayong hapon. Sa gitna ng panganib, pinili niyang umalalay at tumindig para sa kaligtasan ng kanyang komunidad.

Bilang anak nina Former Congresswoman Bai Sandra Sema at former Mayor Muslimin G. Sema, makikita kay Kap Wawi ang mga pagpapahalagang kinalakihan niya: tapang, paglilingkod, at malasakit sa kapwa.

May isang hadith na nagsasabing, โ€œAllah is in the aid of His servant as long as the servant is in the aid of his brother.โ€ (Sahih Muslim 2699) Sa ginawa ni Kap Wawi ngayong araw, nakita natin ang diwa ng pagtulong sa kapwa sa panahon ng panganib.

Magsilbi sana itong halimbawa sa ating iba pang barangay chairpersons at local leaders. Ang lider ay present, alerto, responsable, at handang makipagtulungan sa mga awtoridad kapag kailangan siya ng kanyang komunidad.

Saludo rin ako sa ating mga police officers na araw-araw humaharap sa panganib para mapanatiling ligtas ang ating lungsod. Ang pagtutulungan ng ating kapulisan at mga barangay leader ay mahalagang bahagi ng ating sama-samang tungkulin na pangalagaan ang Cotabato City.

Kap Wawi, magpagaling ka. Patuloy kaming nagdarasal para sa iyong mabilis at ganap na paggaling. Nandito ang Lungsod ng Cotabato para sa iyo at sa iyong pamilya.

Allahumma ishfihi shifฤโ€™an kฤmilan. Ameen.

Bruce Dela Cruz Matabalao

๐๐Ÿ”.๐Ÿ”-๐๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐† ๐๐Ž๐๐ƒ๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐…๐”๐๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐†๐€๐๐’ ๐๐† ๐Ÿ–๐Ÿ ๐”๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐„๐’, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž๐๐‘๐Ž๐’๐„๐’๐ŽUmaabot sa P6.6 bilyon ang pondong naiproseso pa...
24/09/2026

๐๐Ÿ”.๐Ÿ”-๐๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐† ๐๐Ž๐๐ƒ๐Ž ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐…๐”๐๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐†๐€๐๐’ ๐๐† ๐Ÿ–๐Ÿ ๐”๐๐ˆ๐•๐„๐‘๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐„๐’, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž๐๐‘๐Ž๐’๐„๐’๐Ž

Umaabot sa P6.6 bilyon ang pondong naiproseso para matugunan ang validated funding deficiencies ng 81 state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa para sa Academic Years 2022โ€“2023, 2023โ€“2024, at 2024โ€“2025.

Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander โ€œSandroโ€ Marcos, bahagi ito ng kabuuang P9.75 bilyong inilaan para sa kakulangan sa pondo ng mga SUC sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Saklaw ng pondo ang pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na naglalaan ng libreng tuition para sa mga kwalipikadong estudyante sa mga state universities and colleges.

Binigyang-diin ni Marcos ang pangangailangang matiyak ang patas na pamamahagi ng pondo upang matugunan ang kakulangan sa financing ng mga SUC at maipagpatuloy ang access ng mga estudyante sa libreng tertiary education.

โ‚ฑ๐Ÿ•๐Ÿ“๐ŸŽ๐Š ๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐€๐ˆ๐ƒ, ๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€๐€๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐๐†๐€๐๐†๐€๐ˆ๐‹๐€๐๐†๐€๐๐† ๐๐€๐’๐˜๐„๐๐“๐„ ๐๐† ๐‚๐‘๐Œ๐‚May karagdagang suporta para sa mga pasyenteng nangan...
24/09/2026

โ‚ฑ๐Ÿ•๐Ÿ“๐ŸŽ๐Š ๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐€๐ˆ๐ƒ, ๐ˆ๐‹๐€๐‹๐€๐€๐ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐๐†๐€๐๐†๐€๐ˆ๐‹๐€๐๐†๐€๐๐† ๐๐€๐’๐˜๐„๐๐“๐„ ๐๐† ๐‚๐‘๐Œ๐‚

May karagdagang suporta para sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong-pinansyal sa pagpapagamot matapos makatanggap ang Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ng โ‚ฑ750,000 medical financial assistance sa ilalim ng Bangsamoro Health Outreach Program for Everyone (B-HOPE) ng Ministry of Healthโ€“BARMM.

Ipinagkaloob ang pondo mula sa tanggapan ni Member of Parliament Engr. Baintan Adil-Ampatuan noong Setyembre 22, 2026. Tatanggapin at pangangasiwaan ito ng CRMC para sa mga kwalipikadong indigent at financially challenged patients.

Ang assistance ay maaaring gamitin para sa hospitalization at iba pang karapat-dapat na gastusing medikal ng mga pasyenteng nangangailangan ng pinansyal na suporta.

Tinanggap nina Ms. Precious Love Esquillo-Navarro, Chief Administrative Officer for Finance, at Ms. Felisa R. Gecosala, Supervising Administrative Officer ng Cash Operations Department, ang nasabing pondo para sa CRMC.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang CRMC sa tanggapan ni MP Adil-Ampatuan at sa MOH-BARMM sa kanilang suporta, na nakatuon sa pagpapalawak ng access sa abot-kaya at patient-centered na serbisyong pangkalusugan.

BREAKING NEWS: Sugatan umano si Mother Tamontaka Barangay Chairman Datu Zawawi Sema matapos ang insidente ngayong gabi s...
24/09/2026

BREAKING NEWS: Sugatan umano si Mother Tamontaka Barangay Chairman Datu Zawawi Sema matapos ang insidente ngayong gabi sa Cotabato City.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang kapitan para sa agarang medical attention. Patuloy pang inaalam ang buong detalye ng insidente.

๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐’๐”๐๐ƒ๐€๐‹๐Ž ๐๐† ๐Ÿ•๐“๐‡ ๐ˆ๐ ๐๐€๐’๐€๐–๐ˆ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐’๐”๐‹๐“๐€๐ ๐Š๐”๐ƒ๐€๐‘๐€๐“  ๐Œ๐€๐†๐”๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž ๐ƒ๐„๐‹ ๐๐Ž๐‘๐“๐„Nasawi ang dalawang sundalo ng 7t...
24/09/2026

๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐’๐”๐๐ƒ๐€๐‹๐Ž ๐๐† ๐Ÿ•๐“๐‡ ๐ˆ๐ ๐๐€๐’๐€๐–๐ˆ ๐’๐€ ๐๐€๐Œ๐€๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐’๐”๐‹๐“๐€๐ ๐Š๐”๐ƒ๐€๐‘๐€๐“ ๐Œ๐€๐†๐”๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž ๐ƒ๐„๐‹ ๐๐Ž๐‘๐“๐„

Nasawi ang dalawang sundalo ng 7th Infantry Battalion matapos tambangan ng mga armadong sakay ng motorsiklo sa madilim na bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Ladia bandang takipsilim nitong Miyerkules, Setyembre 23.

Kinilala ang mga biktima na sina Pfc. Jobert Labuson, 44, at Pfc. John Mark Dumaguing, kapwa miyembro ng 7th IB, isang yunit ng 6th Infantry Division.

Ayon sa mga opisyal ng 6th Infantry Division at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, magkaangkas sa isang motorsiklo ang dalawang sundalo at pauwi na sa kanilang detachment matapos bumili ng food supplies nang sundan at pagbabarilin ng mga armadong motorista.

Tinamaan ng mga bala sina Labuson at Dumaguing at mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Isinugod ang dalawang sundalo sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City, ngunit kapwa sila binawian ng buhay habang ginagamot.

Nasa Barangay Pigkalagan sa Sultan Kudarat ang battalion command post ng 7th IB, na hindi kalayuan sa lugar ng insidente.

Kinondena ng mga lokal na opisyal ng Sultan Kudarat ang pananambang at nangakong makikipagtulungan, kasama ang mga traditional Moro leaders, sa pagkilala at pag-aresto sa mga responsable upang mapanagot sa batas.

๐๐Ÿ๐ŸŽ.๐Ÿ-๐Œ ๐ƒ๐‘๐Ž๐†๐€ ๐๐€๐’๐€๐Œ๐’๐€๐Œ ๐’๐€ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐‘๐Ž-๐Ÿ— Kabuuang P10.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng...
24/09/2026

๐๐Ÿ๐ŸŽ.๐Ÿ-๐Œ ๐ƒ๐‘๐Ž๐†๐€ ๐๐€๐’๐€๐Œ๐’๐€๐Œ ๐’๐€ ๐ƒ๐€๐‹๐€๐–๐€๐๐† ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐๐‘๐Ž-๐Ÿ—

Kabuuang P10.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 sa magkahiwalay na entrapment operations sa Zamboanga City at Sulu.

Sa unang operasyon noong Setyembre 20, dalawang hinihinalang drug dealerโ€”isang 37-anyos na babae at 34-anyos na lalakiโ€”ang naaresto sa Barangay Kajatian, Indanan, Sulu. Narekober mula sa kanila ang humigit-kumulang 500 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Kinabukasan, Setyembre 21, isa pang 49-anyos na lalaki ang naaresto sa isang operasyon sa Purok 1, Barangay Sinunuc, Zamboanga City.

Ayon kay Police Brig. Gen. Elmer Ragay, direktor ng Police Regional Office 9, nakumpiska sa suspek ang isang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Sinabi ni Ragay na isinagawa ang pagpaplano ng dalawang operasyon sa koordinasyon sa mga lokal na opisyal ng Indanan at Zamboanga City, na aniya ay patuloy na nakikipagtulungan sa PRO-9 sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Nakaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso kaugnay ng ilegal na droga.

๐๐๐ ๐ƒ๐€๐“๐” ๐๐ˆ๐€๐๐†, ๐…๐”๐‹๐‹ ๐€๐‹๐„๐‘๐“ ๐Œ๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐๐€๐ˆ๐”๐‹๐€๐“ ๐๐€ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐“๐‡๐‘๐„๐€๐“ ๐’๐€ ๐†๐€๐๐ˆ ๐‹. ๐€๐๐๐ˆ ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐†๐„Naka-full alert ngayon ang Datu P...
24/09/2026

๐๐๐ ๐ƒ๐€๐“๐” ๐๐ˆ๐€๐๐†, ๐…๐”๐‹๐‹ ๐€๐‹๐„๐‘๐“ ๐Œ๐€๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐๐€๐ˆ๐”๐‹๐€๐“ ๐๐€ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐“๐‡๐‘๐„๐€๐“ ๐’๐€ ๐†๐€๐๐ˆ ๐‹. ๐€๐๐๐ˆ ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐†๐„

Naka-full alert ngayon ang Datu Piang Municipal Police Station sa pagpapanatili ng seguridad sa publiko, partikular sa mga mag-aaral ng Gani L. Abpi College Inc. sa Barangay Buayan, Datu Piang, Maguindanao del Sur.

Ito ay kasunod ng naiulat na school threat o pagbabanta na ipinost ng hindi pa nakikilalang personalidad sa Facebook ngayong araw.

Ayon kay Datu Piang PNP spokesperson Pat. Asraf Bitu sa panayam ng Radyo Bida, agad na nagpatupad ng mahigpit na security measures ang pulisya sa paligid ng paaralan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang nasa lugar.

Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nasa likod ng naturang pagbabanta.

Nakipag-ugnayan na rin ang Datu Piang PNP sa ilang g**o ng paaralan at itinungo ang insidente sa Cybercrime Unit ng PNP para sa masusing pagtukoy sa pinagmulan ng naturang Facebook post.

Samantala, sinabi ni MDRRMO Officer Suhara Sapalon na bago pa man naiulat ang school threat ay nagsagawa na ang Datu Piang LGU, katuwang ang PNP at iba pang security forces, ng preventive security measures bilang bahagi ng paghahanda sa anumang posibleng insidente.

Kabilang dito ang simultaneous school safety drill upang mapalakas ang kahandaan at kaligtasan ng mga mag-aaral at personnel ng paaralan.

๐๐‡๐‘๐‚-๐๐€๐‘๐Œ๐Œ, ๐Œ๐ข๐ง๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ˆ๐ƒ๐ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐งMinonitor ng Bangsamoro Human Rights Commissi...
23/09/2026

๐๐‡๐‘๐‚-๐๐€๐‘๐Œ๐Œ, ๐Œ๐ข๐ง๐จ๐ง๐ข๐ญ๐จ๐ซ ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ˆ๐ƒ๐ ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐ง๐  ๐“๐ฎ๐ ๐ฎ๐ง๐š๐ง

Minonitor ng Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC-BARMM) ngayong Setyembre 23 ang kalagayan ng mga internally displaced persons (IDPs) sa ilang barangay ng Tugunan, SGA-BARMM.

Isinagawa ng komisyon ang monitoring upang alamin ang kasalukuyang sitwasyon, pangangailangan, at mga hamon na kinakaharap ng mga pamilyang napilitang lumikas dahil sa tensyon at kaguluhan sa kanilang mga lugar.

Kabilang sa mga lugar na pinuntahan ng BHRC-BARMM ang Barangay Manaulanan, Balong, at Macabual, kung saan tinukoy ang kalagayan ng mga evacuee at ang mga pangunahing pangangailangan na dapat agad na matugunan.

Layunin ng monitoring na matiyak na naipararating sa mga kinauukulang ahensya ang kalagayan at pangangailangan ng mga IDP, gayundin ang pagprotekta at pagtataguyod sa kanilang mga karapatang pantao habang sila ay nananatiling lumikas.

Patuloy namang nakatuon ang BHRC-BARMM sa pagmomonitor sa kalagayan ng mga apektadong komunidad upang makatulong na matiyak na naibibigay ang kinakailangang proteksyon at suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng paglikas.

๐Š๐”๐“๐’๐ˆ๐‹๐˜๐Ž, ๐๐€๐‘๐„๐Š๐Ž๐๐„๐‘ ๐’๐€ ๐๐€๐† ๐๐† ๐„๐’๐“๐”๐ƒ๐˜๐€๐๐“๐„ ๐’๐€ ๐Š๐Ž๐‘๐Ž๐๐€๐ƒ๐€๐‹ ๐‚๐ˆ๐“๐˜Narekober ang isang kutsilyo mula sa bag ng isang estudyante n...
23/09/2026

๐Š๐”๐“๐’๐ˆ๐‹๐˜๐Ž, ๐๐€๐‘๐„๐Š๐Ž๐๐„๐‘ ๐’๐€ ๐๐€๐† ๐๐† ๐„๐’๐“๐”๐ƒ๐˜๐€๐๐“๐„ ๐’๐€ ๐Š๐Ž๐‘๐Ž๐๐€๐ƒ๐€๐‹ ๐‚๐ˆ๐“๐˜

Narekober ang isang kutsilyo mula sa bag ng isang estudyante ng Marbel National High School sa Koronadal City, South Cotabato, kasunod ng isinagawang random inspection noong Martes, Setyembre 22, 2026.

Agad namang dinala sa guidance office ang estudyante kasama ang kanyang mga magulang upang sumailalim sa kaukulang proseso at aksyon ng paaralan.

Ayon kay Barangay Captain Terrence Ehimplar, magpapatuloy ang mahigpit na pagbabantay at mga hakbang pangseguridad sa paligid ng paaralan upang mapanatili ang kaligtasan ng mga estudyante, g**o, at iba pang personnel.

Patuloy rin umanong hinihikayat ang mga magulang at mag-aaral na makipagtulungan sa mga awtoridad at pamunuan ng paaralan para sa pagpapanatili ng ligtas na learning environment.

Address

Cotabato City
Cotabato City
9500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spotlight News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share