21/08/2026
πππππ πππ, ππππππ ππ πππππππππ πππ ππππ‘ π
πππππππππ πππππππππππ ππ πππ‘ πππππππ π
πππππππ
Pormal nang sinimulan ngayong Agosto 21, 2026, sa pangunguna ni Municipal Mayor Hon. Hellen Padua, ang pagdiriwang ng 50th Foundation Anniversary ng Municipality of South Upi at 8th Sulagad Festival sa Municipal Gymnasium.
Tampok sa pagdiriwang ang temang βSINAG South Upi: Gintong Yugto ng Nagkakaisang Pamayanan, Pagbubuklod ng Kultura at Inklusibong Pag-unlad,β na nagbibigay-diin sa pagkakaisa ng mga mamamayan, pagpapahalaga sa kultura at patuloy na pagsusulong ng inklusibong kaunlaran ng bayan.
Layunin ng selebrasyon na ipakita at bigyang-halaga ang mayamang kultura, tradisyon at pagkakakilanlan ng mga mamamayan ng South Upi, kasabay ng pagkilala sa mga naging ambag ng bawat sektor sa limampung taong paglalakbay ng munisipalidad.