93.7 Star FM Cotabato

93.7 Star FM Cotabato The Music Station of Bombo Radyo Philippines in Cotabato City! You can reach us at this number any time 0939 931 4326
(4)

93.7 Star FM Cotabato – The official music station of Bombo Radyo Philippines in Cotabato City! Bringing you the best Music, Entertainment, and Information, while delivering fresh news First, Fast Right & Accurate—guided by the Bombo Credo. Stay tuned to the #1 Radio Network in the country! ��

17/07/2025

"ALWAYS PO KAMI ON CALL" - Engr. Visitacion

Tiniyak ni Engr. Primitiva Joy Visitacion, Public Services Officer I, na naka-standby ang kanilang mga tauhan para sa anumang insidenteng dulot ng kalikasan.

“Handa ang CENRO sa mga insidente ng pagbuwal ng puno at iba pang natural na kalamidad,” ayon kay Visitacion sa panayam ng Star FM Cotabato.

17/07/2025

Pinaalalahanan ni Ginoong Rashman Nazer Lim, head ng CDRRMO ang publiko, lalo na ang mga motorista, na huwag nang piliting tawirin ang baha. Aniya, “Kung mataas ang tubig, makabubuting maghintay ng ilang minuto. Agad din naman itong humuhupa.”

TINGNAN: DeMazenod Avenue, Cotabato City, lubog sa baha matapos ang malakas na ulan‎‎Lubog sa baha ang DeMazenod Avenue ...
17/07/2025

TINGNAN: DeMazenod Avenue, Cotabato City, lubog sa baha matapos ang malakas na ulan

‎Lubog sa baha ang DeMazenod Avenue sa Cotabato City ngayong Hulyo 17, 2025, matapos ang malakas na pag-ulan na bumuhos sa lungsod.

‎Makikita sa kuha mula sa lugar na hirap makadaan ang mga motorista dahil sa taas ng tubig na bumalot sa kalsada.

‎Patuloy na pinaaalalahanan ang mga residente na mag-ingat sa pagbyahe at iwasan muna ang mga lugar na may pagbaha habang hindi pa humuhupa ang ulan.

TINGNAN: Nabuwal na mga puno sa Rosary Heights 4, Cotabato City, agad nirespondehan ng CDRRMO at CENRO‎‎Agad na nirespon...
17/07/2025

TINGNAN: Nabuwal na mga puno sa Rosary Heights 4, Cotabato City, agad nirespondehan ng CDRRMO at CENRO

‎Agad na nirespondehan ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ang insidente ng mga nabuwal na punong kahoy sa Rosary Heights 4, Cotabato City ngayong Hulyo 17, 2025.

‎Makikita sa larawan na magkatuwang ang dalawang ahensya sa pag-aalis ng mga punong kahoy na bumagsak sa gitna ng kalsada, na itinuturing na mga ‘hazardous’ o delikado sa mga motorista at residente.

‎Ang insidente ay dulot ng malakas na pag-ulan at hangin na patuloy na nararanasan sa lungsod.

‎TINGNAN: Kanto sa Rosary Heights 6, Cotabato City, kinordon matapos harangan ng nabuwal na puno‎‎Kinordon ang isang kan...
17/07/2025

‎TINGNAN: Kanto sa Rosary Heights 6, Cotabato City, kinordon matapos harangan ng nabuwal na puno

‎Kinordon ang isang kanto sa Rosary Heights 6, Cotabato City ngayong araw, Hulyo 17, 2025, matapos na bumagsak ang isang punong kahoy sa gitna ng kalsada dulot ng malakas na ulan at hangin.

‎Dahil dito, pansamantalang hindi madaanan ang naturang kalsada ng mga motorista.

‎Ang nasabing daan ay kilalang alternative route ng mga motorista sa lungsod, kaya inaasahang magkakaroon ng abala sa daloy ng trapiko habang hindi pa natatanggal ang hadlang.

17/07/2025

BOMBO NETWORK NEWS EVENING EDITION | A 60-minute news broadcast aired all over the Philippines via satellite and all over the world thru the world wide web. Hosted by BOMBO GENESIS RACHO AND BOMBO EVERLY RICO




TINGNAN: Malalim na baha, namataan sa Kimpo Street, RH13, Cotabato CityBinaha ang bahagi ng Kimpo Street sa Rosary Heigh...
17/07/2025

TINGNAN: Malalim na baha, namataan sa Kimpo Street, RH13, Cotabato City

Binaha ang bahagi ng Kimpo Street sa Rosary Heights 13, Cotabato City ngayong araw, Hulyo 17, 2025, dulot ng patuloy na pag-ulan.

Makikita sa kuha ng residente na malalim na ang tubig baha sa nasabing lugar, dahilan upang halos walang makadaan na mga motorista.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko na umiwas sa mga binahang kalsada at manatiling alerto sa abiso ng mga awtoridad.

TINGNAN: Nasira ang ilang mga kabahayan sa coastal area ng Ayuda Badjao sa Caragasan, Zamboanga City ngayong Huwebes, Hu...
17/07/2025

TINGNAN: Nasira ang ilang mga kabahayan sa coastal area ng Ayuda Badjao sa Caragasan, Zamboanga City ngayong Huwebes, Hulyo 17, matapos hampasin ng malalakas na alon at hangin na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, na lalo pang pinalakas ng Bagyong

Ayon sa ulat, tatlong bahay ang tuluyang nasira, habang tatlo pa ang bahagyang naapektuhan.

Nakataas na rin ang Yellow Rainfall Warning sa lungsod bunsod ng patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Habang pinayuhan ang mga residente, lalo na sa mabababang lugar at baybayin, na maging alerto at sundin ang abiso ng mga lokal na awtoridad. | via Bombo John Flores

📸: Juvy Ann Mendoza Aribe-Inclan

Puno, nabuwal sa Student Center ng Rosary Heights 4 sa gitna ng malakas na ulan at HanginNabuwal ang isang malaking puno...
17/07/2025

Puno, nabuwal sa Student Center ng Rosary Heights 4 sa gitna ng malakas na ulan at Hangin

Nabuwal ang isang malaking puno sa tapat ng Student Center sa Rosary Heights 4, Cotabato City ngayong araw, Hulyo 17, 2025, dulot ng malakas na ulan na may kasamang hangin.

Ang naturang punongkahoy ay bumagsak sa mismong daanan, dahilan upang pansamantalang maharang ang daanan sa naturang lugar.

Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan sa lungsod bunsod ng sama ng panahon na nararanasan sa maraming bahagi ng BARMM at Mindanao dahil sa Bagong Crising.

Photos: Bydderglen Sanchez

17/07/2025

₱50 Dagdag-Sahod sa BARMM, Epektibo na Ngayon₱50 DAGDAG-SAHOD SA BARMM, EPEKTIBO NA NGAYON

17/07/2025

BARMM, NAKAALERTO SA BANTA NG PAGBAHA DULOT NG BAGYONG CRISING

17/07/2025

SENATOR-ELECT KIKO PANGILINAN, NAGPASALAMAT SA M**F AT UBJP; NANAWAGAN NG MAS PINALAKAS NA SUPORTA PARA SA AGRIKULTURA AT PANGISDAAN SA BANGSAMORO

Address

Maguindanao

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 93.7 Star FM Cotabato posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 93.7 Star FM Cotabato:

Share

Category