Bangsamoro Narratives Update

Bangsamoro Narratives Update Boses ng katotohanan,maghahatid ng tunay na kaganapan sa buong Bangsamoro.

BASAHIN ANG MENSAHE NG LBO PRESIDENT HASHIM MANTICAYAN KAUGNAY NG PAGPOSTPON NG PARLIAMENT ELECTION SA OCTOBER 13,2025."...
01/10/2025

BASAHIN ANG MENSAHE NG LBO PRESIDENT HASHIM MANTICAYAN KAUGNAY NG PAGPOSTPON NG PARLIAMENT ELECTION SA OCTOBER 13,2025.

"LBO member-organizations, there is a potential postponement of the October 13, 2025, Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE), we have roles in shaping the Bangsamoro region’s future".

"We share your deep concern and disappointment over the uncertainty surrounding the scheduled Bangsamoro Parliamentary Elections on October 13, 2025".

"The elections—meant to be the first of their kind under the Bangsamoro Organic Law—represent more than just a political event. They are a promise of peace, a fulfillment of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), and a constitutional affirmation of your right to choose your leaders through democratic means".

"Unfortunately, due to the Temporary Restraining Order (TRO) issued by the Supreme Court against Bangsamoro Autonomy Act No. 77 (BAA 77), the Commission on Elections (COMELEC) has been compelled to suspend its preparations. This legal challenge has created a delay that may affect the conduct of the elections as scheduled".

"We understand the dismay this brings. Many of you have waited years for this moment—to cast your vote, to be heard, and to help shape the future of the Bangsamoro region through elected leadership rather than appointed governance. We assure you: your voice still matters, and your right to self-determination remains at the heart of our collective struggle".

"We call on all stakeholders—especially the Supreme Court and COMELEC—to act with urgency, clarity, and respect for the Bangsamoro people's mandate. We also urge our communities to remain vigilant, peaceful, and united. The path to lasting peace is not without obstacles, but together, we will overcome them".

"Let us continue to advocate, engage, and prepare. The Bangsamoro dream lives on—and it is powered by your resilience".
In solidarity,
LBO President Hashim Manticayan.

ISANG DATU NG MGA KATUTUBONG TIDURAY SA BAHAGI NG DATU HOFFER MAGUINDANAO ANG PINUGUTAN NG ULO.Walang awang pinag hahamp...
01/10/2025

ISANG DATU NG MGA KATUTUBONG TIDURAY SA BAHAGI NG DATU HOFFER MAGUINDANAO ANG PINUGUTAN NG ULO.

Walang awang pinag hahampas ng kahoy at pinugutan ng ulo ang isang teduray leader nito lamang martes September 30 sa Barangay Limpongo Datu Hoffer Maguindnao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Ramon Lupos, isang Leader ng mga Teduray.

Ayon sa pulisya, kinukuha ng biktima ang mga bungang saging mula sa kanyang sakahan ng bigla na lamang umanong mayroong armadong kalalakihan ang humarang dito at pinag hahampas ng kahoy saka pinugutan ng ulo na agad nitong ikinasawi.

Matapos ang karumal dumal na krimen ay agad naman na tumakas ang mga salarin.

Ayon sa PNP PROBAR at Maguindanao del Sur PPO, ito na sa ngayon ang ika limang Teduray Leader na pinaslang sa bayan ng Datu Hoffer, Maguindanao del Sur mula taong 2022.

Ctto photo Bai Nor Sinsuat

Hindi na matutuloy ang kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections na ...
01/10/2025

Hindi na matutuloy ang kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections na nakatakda sana sa Oktubre 13, 2025.

Ayon kay Atty. Camille Ting, tagapagsalita ng Supreme Court, inatasan ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na makapagpasa ng bagong batas hinggil sa distritong pambatasan bago o hanggang Oktubre 30, 2025.

Samantala, ang Commission on Elections (COMELEC) ay inatasan ng Korte Suprema na isagawa ang BARMM Parliamentary Elections hindi lalampas sa Marso 2026.

Ang nasabing desisyon ay nagdulot ng panibagong yugto sa Bangsamoro democratic transition, matapos ang serye ng kontrobersiya hinggil sa gerrymandering at legalidad ng mga nasabing batas.

Ito rin ang unang pagkakataon na tuwirang pinatigil ng Korte Suprema ang isang nakatakdang halalan sa BARMM dahil sa isyu ng legalidad ng mga parliamentary districts.

Congratulation Maguindanao Sur Vice Governor Sheikh Hisham S. Nando,siya ngayon ay itinalaga bilang bagong opisyal ng Le...
30/09/2025

Congratulation Maguindanao Sur Vice Governor Sheikh Hisham S. Nando,siya ngayon ay itinalaga bilang bagong opisyal ng League of the Vice Governors of the Philippines.

UBJP

LINDOL Magnitude 6.9  tumama sa Cebu nitong September 30,2025 ng gabi. AYON SA ULAT HINDI BABABA SA 17 KATAO ANG NASAWI ...
30/09/2025

LINDOL Magnitude 6.9 tumama sa Cebu nitong September 30,2025 ng gabi.

AYON SA ULAT HINDI BABABA SA 17 KATAO ANG NASAWI DULOT NITO.

SEPTEMBER 30,2025 -ARAW NG MARTES,LBO-LEAGUE OF BANGSAMORO KASAMA ANG HANAY NG KABABAIHAN,MULING HUMARAP SA KORTE SUPREM...
30/09/2025

SEPTEMBER 30,2025 -ARAW NG MARTES,LBO-LEAGUE OF BANGSAMORO KASAMA ANG HANAY NG KABABAIHAN,MULING HUMARAP SA KORTE SUPREMA UPANG IPANAWAGAN NA ITULOY ANG OCTOBER 13,2025 IST BARMM PARLIAMENT ELECTION

Ating ding hiniling sa mga mahal nating Justices ng Korte Suprema na sana ay magpalabas na po sila ng sagot at kalinawan sa mga isinampang Motion for Clarification dahil ginagawa ang TRO ng iilan to Weaponize their plan to postpone the BARMM Election atbp.

Ito ay simula lamang ng mahabang pakikibaka para sa kapayapaan. Hanggat Hindi natin nakakamit ang ating layunin, tayo a patuloy na babalik sa COMELEC at Supreme Court.

NO to postponement ELECTION

Ctto @ Photo Dats Magon
BNU-04 NG ABUBACAR

Inna lillahi wa inna ilayhi rajiun to the Former Congressman of 1st District of Maguindanao and Cotabato City.ATTY. DATU...
29/09/2025

Inna lillahi wa inna ilayhi rajiun to the Former Congressman of 1st District of Maguindanao and Cotabato City.
ATTY. DATU DIDAGEN “DIGS” PIANG DILANGALEN.

Photo Credit to the Owner

Assalamualaikum, ten e maka ilay sa nyaba Wata babae na Zabuta bo sa maagan ka Sangat a Galido e ginawa na mga Luk's nin...
29/09/2025

Assalamualaikum, ten e maka ilay sa nyaba Wata babae na Zabuta bo sa maagan ka Sangat a Galido e ginawa na mga Luk's nin Taman sa kanu Balay nin ka magan den geee kapeg Kawing lon

DEAD ON THE SPOT ANG ISANG 10 anyos na arabic student matapos mabangga ng Pick up Navara sa Barangay West Patadon,Matala...
28/09/2025

DEAD ON THE SPOT ANG ISANG 10 anyos na arabic student matapos mabangga ng Pick up Navara sa Barangay West Patadon,Matalam, North Cotabato pasado alas 9:00 ng umaga nitong araw ng Sabado.

Kinilala ang nabangga na si Alyas Sads 10 Anyos arabic Student nag iisang anak at residente ng nasabing lugar.

Habang nakilala naman ang driver ng naturang pick up Nissan Navara red na si alyas JO binata at nag iisang anak din ng isang MEDIA TEAM.

Ayon kay BIAF Commander Alimudin Cabuyao Hadji Omar, 4rth Brigade Commander sa ilalim ng 108th Base Command around 9:00 ng umaga,habang reses time ng mga studyante tatlo silang naghahabulan patawid subalit sa kasamaang palad si Saudi ang aksidenteng naapbutan ng sasakayan.

Sa lakas ng impact nito ay nakaladkad ang bata sanhi ng agaran nitong kamatayan at pagka wasak ng harapang bahagi ng naturang sasakyan.

Agad naman tumungo sa lugar ang Matalam PNP Traffic Investigator at kabilang sa nakapag responde ay si Commander Alimudin.

Agad naman sumuko sa PNP si JO habang ang biktima ay agad din inilibing ng kanyang mga mahal sa buhay ayon sa Islamic Belief.

Kinahapunan ay Pinangunahan ni BIAF Commander Alimudin Hadji Omar ang pag uusap upang maresolba ang naturang aksidente.

Dahil aksidente at walang may gusto sa naturang road accident ay nagkasundo ang ang magkabilang panig ng amicable settlement ng win win solution ayon kay Commander Alimudin.

Nagkaroon ng blood money bilang pang hugas sa puso ng mga nagluluksa at tinuldukan na ni Commander Alimudin.

Courtesy//Rahib Bansao

MAGKATUWANG ANG BIAF AT PNP NA NAGSAGAWA  NG SECURITY & TRAFIC ASSISTMENT PARA SA MAHIGPIT NA SEGURIDAD NG MGA PARTICIPA...
28/09/2025

MAGKATUWANG ANG BIAF AT PNP NA NAGSAGAWA NG SECURITY & TRAFIC ASSISTMENT PARA SA MAHIGPIT NA SEGURIDAD NG MGA PARTICIPANTE NG ANNUAL GEN. ASSEMBLY NG COMMITTEE ON DA'WA(M**F) NGAYON SEPTEMBER 28,2025 AT DARAPANAN ,SULTAN KUDARAT , MDN

Mahigit kumulang 20,000 katao ang inaasahan participante mula sa ibat ibang Probinsya ng Politcal Committee ng Moro Islamic Liberation Front.

Ctto@ Photo
BNU-04 NG ABUBACAR

P9 BILLION BUDGET  PARA SA M**F DECOMMISSIONING ,WALANG LINAW KUNG SAAN NAIPUNTA NG OPAPRU BASI SA "GHOST ACCOMPLISHMENT...
27/09/2025

P9 BILLION BUDGET PARA SA M**F DECOMMISSIONING ,WALANG LINAW KUNG SAAN NAIPUNTA NG OPAPRU BASI SA "GHOST ACCOMPLISHMENTS" NG PEACE PROCESS NA BINISTAY NI REP. SAN FERNANDO.

Umalingawngaw ang plenaryo matapos tirahin ni Kamanggagawa Partylist Rep. Elijah “Eli” San Fernando ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) kaugnay ng umano’y “ghost accomplishments” at hindi malinaw na paggasta ng bilyun-bilyong pisong budget para sa mga peace agreements.

Sa plenary debates ng 2026 budget, pinatutsadahan ni San Fernando ang OPAPRU matapos nitong iulat sa mga dokumento ng gobyerno na “completed” na ang lahat ng peace agreements, kahit may apat pang aktibong peace tables: M**F, MNLF, CPP-NPA-NDF, at RPMP-RPA-ABB.

“Ano po ang laman ng budget na ‘to per item para sa M**F at RPMP peace tables? Hindi puwedeng taon-taon kayong humihingi ng bilyun-bilyon tapos wala tayong malinaw na datos,” giit ng kongresista.

₱9B SA M**F, ₱1.7B SA RPMP — NASAN NA?

Base sa pahayag ng budget sponsor na si Rep. Mercedes Alvarez-Lansang, mula 2019 ay ₱9 bilyon na ang inilaan sa M**F normalization program at ₱1.7 bilyon para sa RPMP-RPA-ABB. Ngunit hindi matukoy ng ahensya kung paano ito aktwal na ginastos.

Kinuwestiyon din ni San Fernando ang Philippine Development Plan (PDP) midterm update na may markang “completed” ang lahat ng peace agreements. Ngunit sa sariling datos ng OPAPRU, 17.5% lang ang accomplishment ng normalization components noong 2024 at 20% target sa 2026.

“Paano naging complete kung flatline ang targets? How can you jump from 20% to 100% before 2028? These are ghost accomplishments,” ani San Fernando.

M**F DECOMMISSIONING VS. PRIVATE ARMED GROUPS

Partikular na binatikos ng mambabatas ang pagkakatuon ng OPAPRU sa M**F decommissioning habang napapabayaan naman ang mga private armed groups.

“Bakit may pressure sa M**F, pero walang ginagawa laban sa private armed groups? Ang reports sa ground malinaw: hindi tinutupad ng gobyerno ang socio-economic commitments kaya huminto ang M**F sa decommissioning,” dagdag niya.

Lumabas pa sa mga ulat na mismong M**F combatants ang nagpatigil ng proseso dahil “hindi tinutupad ng gobyerno ang kasunduan.”

“SABOTEUR OF PEACE”

Binanggit ni San Fernando ang mga ulat na nagsasabing “Secretary Galvez is a saboteur of peace”, at nagbabala na nasa bingit ng pagbagsak ang buong peace process sa BARMM.

“Kung ganito ang sistema, naglolokohan na lang tayo. We want genuine and lasting peace, pero kung puro ghost reports lang, wala tayong patutunguhan,” aniya.

PEACE TABLES NA “DORMANT” PERO MAY BUDGET

Sa RPMP-RPA-ABB peace table, iginiit ni San Fernando na kahit hindi na aktibong nakikilahok ang ilang grupo gaya ng NDCG, patuloy pa rin itong may budget at mataas na completion rate sa ulat.

“Bakit tayo nagbabayad ng peace tables na matagal nang dormant? Kailan huling nag-convene ang Joint Enforcement and Monitoring Committee?” matinding tanong pa ng kongresista.

“HINDI PUWEDENG ENDLESS PROCESS”

Sa pagtatapos ng kanyang interpellation, pinaalalahanan ni San Fernando ang OPAPRU na ang kapayapaan ay hindi dapat maging “permanent line item” na walang hangganang proseso.

“Gusto ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino ng tunay na kapayapaan. Hindi puwedeng maging endless process lang ‘to. We owe it to the Filipino people to deliver results.”

Kasabay nito, ipinasa niya ang House Resolution No. 126 upang imbestigahan ang gaps sa normalization process ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Samantala, matapos ang mainit na interpellation, nag-down ang official website ng OPAPRU, at nanatiling inaccessible hanggang sa inilabas ang press statement. Nawalan ng access ang publiko sa mahahalagang dokumento hinggil sa peace tables.

Ctto | OPAPRU
BNU-04 NG ABUBACAR

BUY-BUST SA RAJAH BUAYAN:Matagumpay na nahuli ng mga tauhan ng Rajah Buayan MPS ang isang babaeng suspek sa isinagawang ...
27/09/2025

BUY-BUST SA RAJAH BUAYAN:
Matagumpay na nahuli ng mga tauhan ng Rajah Buayan MPS ang isang babaeng suspek sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation bandang 6:50 PM noong Setyembre 25, 2025 sa Barangay Bakat, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur.

Ang operasyon, sa pangunguna ni PCPT JOEL S LEBRILLA, OIC, Rajah Buayan MPS, kasama ang mga tauhan ng MDEU, ay nagresulta sa pagkakarekober ng hinihinalang shabu, marked buy-bust money, ilang live ammunition, at mga magazine ng baril.

Ang suspek ay pinaalam sa kanya ang mga karapatan sa konstitusyon sa ilalim ng Miranda Doctrine at ang mga nasamsam na ebidensya ay wastong minarkahan, inimbentaryo, at nakuhanan ng larawan sa presensya ng mga opisyal ng barangay, isang kinatawan ng DOJ, at ng media.

Ang mga nakumpiskang bagay ay isusumite sa Regional Forensic Unit para sa pagsusuri, habang inihahanda na ang kaukulang kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.

Muling pinagtibay ni PCPT JOEL S LEBRILLA, OIC ng Rajah Buayan MPS, ang matibay na pangako ng istasyon sa pagpapaigting ng mga operasyon laban sa iligal na droga at pagtiyak ng isang mas ligtas, walang droga na komunidad sa Rajah Buayan.

Via BNU 01

Courtesy// Rajahbuayan MPS

Address

Darapanan, Sultan Kudarat MDN
Cotabato City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bangsamoro Narratives Update posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share