02/09/2026
IKAMAMATAY KO ATA NG MAAGA ANG PAGIGING MASINOP KO SA PERA
Hi admin, may confession ako na medyo nakakahiya sabihin kasi for years akala ng mga tao around me sobrang financially disciplined ko. Luma pa rin phone ko kahit kaya ko namang bumili ng bago, madalas ayoko kumain sa labas, and bago ako gumastos kahit maliit lang, kinukuwenta ko muna kung kailangan ba talaga. Kapag may gusto akong bilhin, kaya kong pag-isipan yun nang ilang linggo kahit afford ko naman. Sabi ng friends ko, “Ang sipag mong mag-ipon,” pero hindi nila alam na minsan hindi na siya pagiging masinop, takot na talaga.
Lumaki kasi akong nakikita kung paano nawawala yung pera sa bahay namin. Kapag may dumating na pera, may kailangang bayaran, may kailangang tulungan, may biglang kailangan. Hindi ko nakasanayan yung feeling na may pera kang hawak and safe kang gastusin yun for yourself. Sa isip ko, kapag naubos yung pera ko, baka may mangyari at wala akong masasandalan. Kaya kahit may savings na ako, may part sa akin na laging naghihintay ng emergency. Kahit wala namang emergency, I still feel guilty kapag may binibili akong para sa sarili ko.
One time, after years of being this way, bumili ako ng something expensive na matagal ko talagang gusto. Hindi naman siya luho na ikakasira ng finances ko, and kaya ko naman talaga siyang bayaran. Pero nung hawak ko na siya, imbes na matuwa ako, umiyak ako. Grabe yung guilt ko kasi paulit-ulit sa utak ko, “Kailangan mo ba talaga ‘to?” Feeling ko bigla akong naging materialistic just because I finally allowed myself to have something nice.
Pinilit ko pa rin gamitin for a while, pero hindi ko talaga ma-enjoy. Every time nakikita ko yun, naiisip ko yung perang ginastos ko and kung ilang bagay sana ang pwede kong gawin with that money. Hindi naman ako nanghihinayang dahil hindi ko afford, actually afford ko siya, pero yung guilt mismo ang hindi ko matanggal. Eventually, pinamigay ko rin siya. Mas naging okay pa yung feeling ko nung wala na sa akin kaysa nung aki