18/06/2025
๐ง๐ฅ๐๐ก๐ฆ๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐๐จ๐ฆ๐ง๐๐๐ ๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก, ๐๐ฆ๐๐ก๐๐๐๐ช๐ ๐ก๐ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฆ๐ง๐๐๐ ๐๐ข๐ ๐ ๐๐ง๐ง๐๐
Matagumpay ang isinagawang โTransitional Justice and Reconciliation (TJR) Orientationโ ng BTA Committee on Bangsamoro Justice System (CBJS) Technical Working Group (TWG) on TJR nitong Miyerkules, Hunyo 18, na may layuning palakasin ang diskusyon at pagtalakay sa isang pangunahing panukalang batas para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang aktibidad ay direktang sumusuporta sa patuloy na pagsusuri ng nasabing komite sa BTA Bill No. 353, o mas kilala bilang "An Act Establishing a Bangsamoro Transitional Justice and Reconciliation Program."
Ayon kay BTA Deputy Floor Leader at MP Atty. Raissa H. Jajurie, na siyang Chairperson ng TWG, ang oryentasyon ay naglalayong bigyan ng pangunahing kaalaman ang mga miyembro ng komite kaugnay sa mga prinsipyo ng TJR.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni CBJS Chairperson at BTA interim Parliament Member Atty Suharto Ambolodto ang kahalagahan ng aktibidad dahil kasalukuyan pa ring tinatalakay ng komite ang nasabing panukalang batas.
Samantala, ipinaliwanag naman ng resource person na si Maria Victoria "Magz" Z. Maglana ang โTransitional Justice and Reconciliation Frameworkโ, at binigyang-diin ang malaking importansya nito para sa Bangsamoro.
Idinetalye ni Maglana na ang transitional justice ay tugon sa malawakan at sistematikong paglabag sa karapatang-pantao. Aniya, hinahangad nito ang pagkilala sa mga biktima at pagtataguyod ng kapayapaan, rekonsilasyon, at demokrasya.
Kanya ring nilinaw na ang transitional justice ay hindi isang espesyal na uri ng hustisya, kundi isang hustisya na inangkop para sa mga lipunang nagbabago makaraaan ang matagal na panahon ng pang-abuso sa karapatang-pantao.
Tinalakay ni Maglana ang apat na pangunahing haligi ng TJR: ang karapatan sa katotohanan, ang karapatan sa hustisya, ang karapatan sa reparations, at ang karapatan sa garantiya ng hindi pag-ulit ng mga pangyayari.