Al - Ikhlas TV

Directions Website

Al - Ikhlas TV "Al-Ikhlas TV uploads Islamic videos and quotes to educate, inspire, and strengthen faith while promoting Islamic values."

05/05/2026

"ANG LAWAK NG PAGPAPATAWAD NG ALLAH"

Hadith:
عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْت رَسُولَ اللَّهِ ﷺ يَقُولُ: قَالَ اللَّهُ تَعَالَى: {يَا ابْنَ آدَمَ! إِنَّكَ مَا دَعَوْتنِي وَرَجَوْتنِي غَفَرْتُ لَك عَلَى مَا كَانَ مِنْك وَلَا أُبَالِي، يَا ابْنَ آدَمَ! لَوْ بَلَغَتْ ذُنُوبُك عَنَانَ السَّمَاءِ ثُمَّ اسْتَغْفَرْتنِي غَفَرْتُ لَك، يَا ابْنَ آدَمَ! إنَّك لَوْ أتَيْتنِي بِقُرَابِ الْأَرْضِ خَطَايَا ثُمَّ لَقِيتنِي لَا تُشْرِكُ بِي شَيْئًا لَأَتَيْتُك بِقُرَابِهَا مَغْفِرَةً} . رَوَاهُ التِّرْمِذِيُّ ، وَقَالَ: حَدِيثٌ حَسَنٌ صَحِيحٌ.

Pagsasatitik:
An Anas ibn Malik [radiyallahu anhu] Qála: sami’tu Rasulallah [sallallahu alayhi wasallam], yaqúl: Qalallahu ta’ala: “ Ya ibna Ádam! Innaka má da’aw-taní wa rajawtaní gafartu laka ma kána minka walá ubali, Ya ibna Ádam! Law balagat dhunúbuka anánassama’ thumma istagfartani gafartu laka, Ya ibna Ádam! Law ataytani biqurábil ardi khatáyah thumma lakítani La tushrik bi shay-an la ataytuka biqurábiha magfiratan.” Rawahu at-Tirmidhi, wa qala: hadithun hasan sahih.

Kahulugan ng Hadith:
Mula kay Anas Ibn Malik [kalugdan siya ni Allah] na nagsabi: narinig kong sinabi ng Sugo ng Allah [sallallahu ‘alayhi wasallam]: Sinabi ni Allah : O anak ni adan, hangga’t ikaw ay nanawagan sa akin at humihingi sa akin, ikaw ay aking patatawarin sa (anumang bagay na) iyong nagawang pagkakasala, kahit gaano pa ito karami, O anak ni Adan maging ang iyong kasalanan ay umabot sa kalangitan at hingin ang aking kapatawaran, ay patatawarin kita., O anak ni Adan, kung ikaw ay papunta sa akin na may pagkakasalang kasinlaki ng mundo at pagkatapos ikaw ay humarap sa akin na hindi mo ako ipinagtambal, ikaw ay aking pagkakalooban ng kapatawarang kasinlaki nito (kasing laki ng mundo).” Naiulat ni at-Tirmidhi na nagsabing ito ay mabuti at matatag na hadith.

13/08/2025

"ANG GAWA AY NABABATAY SA LAYUNIN"

Hadith:
عَنْ أَمِيرِ المُؤمِنينَ أَبي حَفْصٍ عُمَرَ بْنِ الخَطَّابِ -رضي الله عنه-{ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ ﷺ يَقُولُ: إِنَّمَا الأَعْمَالُ بِالنِّيَّاتِ، وَإِنَّمَا لِكُلِّ امْرِئٍ مَا نَوَى، فَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ إِلى اللهِ وَرَسُوله فَهِجْرَتُهُ إلى اللهِ وَرَسُوله، وَمَنْ كَانَتْ هِجْرَتُهُ لِدُنْيَا يُصِيْبُهَا، أَو امْرأَة يَنْكِحُهَا، فَهِجْرَتُهُ إِلى مَا هَاجَرَ إِلَيْهِ,} رواه البخاري و مسلم

Pagsasatitik:
‘An amiril mu’minin Abi Hafs ‘Umar bin al Khattaab [radiyallahu ‘anhu] Qāla: sami’tu Rasulallahi [sallallahu ‘alayhi wa sallam] yaqulu: “ innamal ā’málu bin niyyaat, wa innamā likulli imri’in mā nawá, fa man kánat hijratuhu ilallahi wa rasulihi fahijratuhu ilallahi wa rasulihi, wa man kánat hijratuhu lidunya yusibuha, aw imra’atin yankihuha, fahijratuhu ilá má hájara ilayhi.” Rawahul Bukhari wa Muslim

Kahulugan ng Hadith:
Ayon sa pinuno ng mga mananampalatayang si Abu Hafs Umar ibnul Khattab [kalugdan siya ni Allah] na nagsabing, “Narinig ko ang Sugo ni Allah na nagsabi: “Tunay na ang bawat gawain ay nakabatay sa layunin, at gagantimpalaan ang tao ayon sa kanyang nilayon. Kaya’t sinuman ang mangibang-bayan para kay Allah at sa Kanyang Sugo, ang kanyang pangingibang-bayan (o paglipat) ay para kay Allah at sa Kanyang Sugo. At sinuman na mangibang-bayan para sa makamundong pakinabang, o kaya ay para sa babaeng mapapangasawa, magkagayun ang kanyang pangingibang-bayan ay para sa kanyang nilayon.’” [Iniulat ni Bukhari at Muslim]

Mapupulot na Aral:
1. Ang hadith na ito ay isa sa mga hadith na kung saan napakahalagang paksa na bumubuo sa Islam, kaya naman ang sabi ng mga ‘Ulama: nakasalig ang Islam sa dalawang hadith, ang isa rito ay ang hadith na ito, at ang pangalawa ay ang hadith na naiulat mula kay ‘Aisha [kalugdan siya ni Allah]:
“ من عمل عملا ليس عليه أمرنا فهو رد “
“Ang sinumang gumawa ng gawaing hindi tugma (sa aming gawain) ay hindi ito matatanggap.”
Ang hadith na ito (unang hadith) ay haligi ng mga gawaing may kinalaman ang puso (gawaing puso), na kung kaya ito ay timbangan ng mga gawaing nakakubli o hindi hayag. samantalang ang hadith na naiulat mula kay ‘Aisha [radiyallahu ‘anha] ay haligi naman ng mga gawaing panlabas.
Halimbawa:
- Isang tapat o mukhlis na lalaki na walang kapantay ang kanyang pagiging mukhlis, ang tanging hinahangad ay gantimpala mula kay Allah sa Kabilang Buhay at ito ang Paraiso ni Allah, ngunit sa kanyang pagsasagawa ng isang mabuting gawa o pagsamba kay Allah ay punong puno naman ng bid’āh (mga gawaing bago na idinagdag sa Islam). Dito, pagdating sa ‘niyyah’ o layunin ay walang alinlangan na ito’y isang dalisay na layunin, ngunit makikita naman sa kanyang pamamaraan ng pagsasagawa ng ibadah na hindi ito naaayon sa napagtibay na pamamaraan ng Islam na siyang ginawa ng Mahal na Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam].

2. Ang Hadith ay nagpapahayag na ang gawaing pagsamba ay hindi katanggap-tangap kapag ito’y hindi ginawa alang-alang kay Allah lamang (Ikhlas).

3. Paghihimok na taglayin ang ‘Ikhlás’ o katapatan sa puso para kay Allah [Subhanallahu Wa Ta’āla] Dahil hinati ni Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam] ang mga tao sa dalawang uri:

Unang uri: Mga taong gumagawa ng mga gawain na ang layunin ay para kay Allah at hinahangad ang Kanyang Habag at ang Kabilang Buhay.

Pangalawang uri: Kabaliktaran ng nauna, at dito ay nararapat na himukin sila sa pagkakaraoon ng ‘Ikhlás’ para kay Allah.

At kinakailangan na pangalagaan ng isang tao ang ikhlás at paghimok dito, dahil sa ito ang mahalaga at pangunahing haligi sa pagkakalikha sa sangkatauhan. Kaya sinabi ni Allah:

﴿ وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ ﴾

{At hindi Ko nilikha ang mga Engkanto at mga tao kundi para sambahin nila Ako .}[Suurah addháriyat: 56].

4. Kahusayan sa pagtuturo ni Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam] at ito ay ang magkakaibang paraan ng paglalahad at ang pagbabahagi-bahagi nito.

5. Ang tao ay mapagkakalooban ng gantimpala o parusa batay sa kanyang nilayon sa kanyang ginawa. Kagaya ng sinabi ng Mahal na propeta [sallallahu ‘alayhi wa sallam]: “..ang bawat gawain ay nakabatay sa layunin, at gagantimpalaan ang tao ayon sa kanyang nilayon.

6. Ang Hijrah (Pangingibang-bayan) ay mula sa mabuting gawain kung ang layunin ng kanyang paglikas ay para kay Allah at sa Kanyang Propeta [sallallahu ‘alayhi wa sallam]. At lahat ng gawain na ang layunin ay para kay Allah at sa Kanyang Propeta, tunay na ito ay mapapabilang sa mga gawaing mabuti, dahil ang hangarin dito ay mapalapit kay Allah, at ang pagpapalapit sa Kanya ay isang gawaing ‘ibádah.

Pangkalahatang Paliwanag:
Ang Hadith ay kabilang sa mga Hadith na naghihimok sa bawat Muslim na taglayin ang katangiang Ikhlas sa lahat ng gawaing pagsamba.

Sahabah:
Umar ibn Al-Khattab – tinawag siyang Amirul Muminin na ang ibig-sabihin ay pinuno ng mga mananampalataya sapagkat siya ay naging pinuno ng mga Muslim.

Siya ang ikalawang khalifah o pinuno pagkatapos ni Abu Bakr (radiyallahu ‘anhu) pagkatapos mamatay ni Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam).

Tinawag naman siyang Abu Hafs na ang ibig-sabihin ay ama ni Hafs kung saan ang tinutukoy dito na Hafs ay si Hafsah (radiyallahu anha) na isa sa mga naging asawa ni Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam).

Si Umar ibn Al-Khattab ay kabilang sa mga nabanggit ng Rasulullah (sallallahu alayhi wa sallam) na makakapasok ng Jannah.

Siya rin ay binansagang Al-Faruq na ang ibig-sabihin ay ang siyang naghihiwalay sa mabuti at masama

Mufradats Key:
1. ikhlas/إخلاص: taos-puso at sinsero na para lamang kay Allah

2. Amirul Muminin/أمير المؤمنين: pinuno ng mga mananampalataya.

3. radiyallahu anhu/رضي الله عنه: kalugdan siya nawa ni Allah. Ginagamit na panalangin sa mga Sahabah ng Rasulullah (sallallahu alayhi wa sallam).

4. Rasulullah/رسول الله: sugo ni Allah; kung saan ang tinutukoy rito ay si Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam).

5. sallallahu ‘alayhi wa sallam/صلى الله عليه وسلم: nawa’y mapasakanya ang pagpapapala at kapayapaan mula kay Allah. Tandaan na obligado sa bawat Muslim na ipanalangin si Propeta Muhammad(sallallahu alayhi wa sallam) sa tuwing ito ay kanlang maririnig o mababanggit sa kanila.

6. hijrah/هجرة: paglikas; paglikas mula sa Makkah patungong Madinah.

7. muhaddith/محدث: mga pantas sa Islam na nag-iipon ng mga hadith ni Propeta Muhammad (sallallahu ‘alayhi wa sallam).

8. sahih/صحيح: ang tinutukoy dito ay ang mga aklat na Sahih Al-Bukhari at Sahih Muslim na siyang pinakamainam na aklat na koleksyon ng mga hadith.

9. sunnah/سنة: pamamaraan ni Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam).

10. sahabi/صحابي: sinumang nakakita at naniwala kay Propeta Muhammad (sallallahu alayhi wa sallam) at namatay sa pananampalatayang Islam. Ang pangmaramihan ng sahabi ay sahabah.

11. jannah/جنة: paraiso; paraisong nilikha ni Allah para sa mga mananampalataya para sa Araw ng Paghuhukom.

13/03/2025

Assalamualaykum, pls support my page, shukran🤍

12/03/2025

Assalamualaykum, kamusta po kayong lahat?☺️

07/03/2025
05/03/2025

Assalamualaykum, pls follow our page. Shukran☺️

04/03/2025

"Allah choosed you because you have the skills"

-Ustadz Nouman Ali Khan

04/03/2025

"The sins that Destroys your Heart, Personality, and Mental Health"

-Ustdz Belal Assaad

04/03/2025

Assalamualaykum Brothers and Sisters fil Islām🤍

Address

Cotabato City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Al - Ikhlas TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category