03/08/2025
☘️✨️📖( Juan 12 : 47 - 48 ) At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw.
Sabi Ng Makapangyarihang Diyos
“Ang mga taong nakakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay lahat nakawala na sa impluwensya ni Satanas at natamo na ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo na ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o makapapasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamakatuwiran, at tanging ang Kanyang gawain ng pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga masuwaying bagay sa sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na dako ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, hindi na papayagang manatiling buhay sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng mga tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng kaparusahan at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap. …Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa masama at paggantimpala sa mabuti ay ganap na natatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinakamaselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pinababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting dako. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamuhay ang Diyos sa kapahingahan.”