25/06/2026
MY POV: Sana darating ang point na magkaisa na ang Bangsamoro. Paano natin makakamit ang habangbuhay na kapayapaan at paano natin mapaunlad ang lupang tinubuan kung watak-watak ang Bangsamoro?
Honestly speaking, may kamag-anak ako na nakasama sa rally last Monday at may mga kamag-anak din akong nasama sa rally ngayon. Ibig sabihin, hati ang Bangsamoro, hindi nagkakaisa.
Binigyan tayo ng kalayaan upang magkaroon ng gobyerno, ngunit ito ba ang hinahangad natin, ang pagkakaiba-iba ng ipinaglalaban? Dati-rati, nagkaisa ang Bangsamoro na hingin sa gobyerno ang autonomy sa lugar natin. Pero bakit ngayon, bakit nahahati na sa dalawa o tatlo ang dati ay iisa?
In Shaa Allah, bigyan ng Nur ang ating mga lider na magkaisa, upang ang ating ipinaglalaban ay magbunga ng kaunlaran, kahinahunan, at habangbuhay na kapayapaan. Nawaβy maging daan ang pagkakaisa upang ang saloobin naming nasa ibaba ay maramdaman ang tunay na pagbabago. Kung matagumpay ang nasa itaas, nagiging payapa ang aming mga puso at komunidad.
At higit sa lahat, wag ninyong ipagwalang bahala ang aming mga benepisyo at sahod, ito ay tanda na kami ay may karapatan at karapat-dapat na mabigyan ng makatarungan at disenteng serbisyo.
Magsama-sama tayo sa panalangin at pagkilos, upang ang ating adhikain ay magtagumpay at magdulot ng liwanag, pag-asa, at tunay na pagbabago. Shukran. Mabuhay ang Bangsamoro!