14/07/2025
OPISINA PARA SA MGA ULAMA AT USTADS SA BARMM O ANG BANGSAMORO ENDOWMENT, CALL AND GUIDANCE CENTER, INILUNSAD NI BARMM CHIEF MINISTER ABDULRAOF MACACUA
Magkakaroon na ng malaking tanggapan o opisina ang mga Islamic Preachers o ang mga Ulama at Ustadzes sa BARMM region kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng Bangsamoro Endowment, Call and Guidance Center na matatagpuan sa Kalanganan 2, Cotabato City.
Ang proyekto na ito ay isang malawak na lugar o istruktura na laan para sa mga ustadz at ulama sa inisyatiba ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua.
Ito ay mayroong 2 conference rooms, 1 executive office, 1 kitchen, 2 guest room, 1 VIP room for Chief Minister, 2 Comfort Rooms, 1 dining room, Library, IT room, parking space at prayer room.
Ang pagpapatayo ng nasabing proyekto ay layunin na mapalakas ang pagpapalaganap ng mga aral at turo ng relihiyong Islam sa loob at labas ng BARMM.
Binigyang diin ni Chief Minister Macacua sa kanyang mensahe ang pangunahing isyu o bagay na dapat maituro sa mga Muslim sa pamamagitan ng nasabing proyektoโito ay ang kakulangan sa kanilang kaalaman at pagsasakatuparan ng nga turo ng Islam.
Kaya naman ayon kay Macacua, sa pamamagitan ng proyektong itoโ inaasahan na mas mapapalaganap na ang kahalagaan,katuruan at mga kaalaman sa Islamic Religion.
Ang proyekto na ito ay naka-angkla sa Moral Governance na isinusulong ni dating Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim na ipinapatuloy ni Chief Minister Macacua.
Ito ay pinodohan ng โฑ18.5 Million pesos ng Bangsamoro Government at inaasahan na matatapos sa lalong madaling panahon. || via Yanie Abdulrasid, Bandera News TV-Cotabato/ Radyo Bandera Cotabato