05/10/2026
Ako: tay ano sayo? Isang buong manok?
Tatay: oo sakto isang kilo lang
Ako: okay tay! Eto tay isang kilo! Anong chop naten?
Tatay: pang adobo maliliit lang
Ako: okay tay!
Tatay: tama yan habang malakas ka pa at bata ka pa magsipag ka
Ako: oo tay may pamilya narin kasi ako kaya kailangan magsipag na talaga
Tatay: alam mo ba nung araw? Nagsipag ako, nagkaron ng madaming pera kaso nawala lahat ng pinaghirapan ko
Ako: halaaa! bakit tay? Anong nangyare?
Tatay: Nagkaron ako ng mga bisyo. babae, droga, at sugal. Masyado akong nagpakakampante sa buhay. di ko na namamalayan onti onti nako nauubos hanggang pagising ko isang araw 0 nako tapos may utang pa
Ako: saklap naman nun tay! Kamusta ka naman na ngayon?
Tatay: eto okay na. Nakabangon na. Isang malaking trauma sakin na kahit kailan di ko malilimutan. Kaya ikaw totoy pag nagkaron ka na at nakapagipon ka na, gamitin mo sa tama yung pinaghirapan mo dahil pwedeng mawala agad yan sa isang maling desisyon lang. Wag ka magpadala sa mga bisyo na alam mong makakasagabal sa pag unlad mo.
Tandaan mo totoy! Ang pag unlad ay hindi laging nasa dami ng pera na pumapasok sayo! Kundi nasa disiplina sa sarili. Makontento sa kung anong meron at higit sa lahat wag lokohin ang asawa at pamilya. Dahil ang tapat na asawa ay pinagpapala ng nasa itaas.
Piliin mo palagi maging masaya! Lalo ang pamilya mo dahil mas magaan ang buhay pag masaya ang pamilya.
Ako: Ganda ng sinabi mo tay! Salamat po sa mga payo
Tatay: Osya mauna nako
Ako: salamat po tay! Ingat ka palagi