Firing Line

Firing Line A news column written by veteran editor/journalist Robert B. Roque Jr. and published by TEMPO, Heral

08/07/2025



By Robert B. Roque, Jr. If there’s one in the Cabinet retained after Marcos Junior’s bold call for his top alter-egos to resign en masse, it would probably be Finance Secretary Ralph Recto. And here’s why: the President trusts him to steer the country’s economy toward so-called inclusive gro...

08/07/2025



KUNG mayroon mang agad napanatili sa Gabinete matapos ang matapang na panawagan ni Marcos Junior ng malawakang resignation ng kanyang mga pangunahing alter-ego, iyon ay si Finance Secretary Ralph Recto. At ito ang dahilan: tiwala ang Presidente na kaya niyang igiya ang ekonomiya ng bansa patungo sa....

08/07/2025



FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG mayroon mang agad napanatili sa Gabinete matapos ang matapang na panawagan ni Marcos Junior ng malawakang resignation ng kanyang mga pangunahing alter-ego, iyon ay si Finance Secretary Ralph Recto. At ito ang dahilan: tiwala ang Presidente na kaya niyang igiya...

05/07/2025



ABALA ang nagbabalik na Mayor ng Maynila, si Isko Moreno, sa paglilinis sa siyudad — sa aspetong literal. Ilang oras pa lang matapos magbalik sa pwesto, umaksyon siya kaagad, ipinakuskos ang mga kalsada at pinaliguan ang Divisoria. Ang mga litrato ng napakalinis na Recto Avenue ay larawan ng isang...

03/07/2025



By Robert B. Roque Jr. Returning Mayor of Manila, Isko Moreno, is on to cleaning up the city—quite literally. Just hours into his first day back in office, he hit the ground running, scrubbing the city’s streets clean and giving Divisoria a proper bath. Photos of a flushed Recto Avenue showed wh...

03/07/2025

FIRING LINE FOR THURSDAY (JULY 3, 2025) ISSUE

Paglilinis sa Maynila

Abala ang nagbabalik na Mayor ng Maynila, si Isko Moreno, sa paglilinis sa siyudad — sa aspetong literal. Ilang oras pa lang matapos magbalik sa puwesto, umaksiyon siya kaagad, ipinakuskos ang mga kalsada at pinaliguan ang Divisoria. Ang mga litrato ng napakalinis na Recto Avenue ay larawan ng isang siyudad na nagbalik sa kaayusan. Walang duda ang eksena: Gising na muli ang Maynila — at sa pagkakataong ito, wala na ang mga umagang kabi-kabila ang nagkalat na basura.



Nagbalik sa alaala ang taong 2019, sa pagsisimula ng unang termino ni Moreno, nang may parehong sigla — noong sentro siya ng atensiyon bilang simbolo ng pag-asa, tinutugunan ang dugyot na Maynila bitbit ang walis at handang tutukan ang paglilinis.



At hindi lang ito simbolikong paglilinis. Sa Day 1 pa lamang, pinirmahan ni Moreno ang 20 executive orders — tinugunan ang tungkol sa kalinisan, pagnenegosyo sa lansangan, red tape, at kaligtasan. ‘Yan ang tinatawag na aksiyon agad. Na, sa totoo lang, ay hindi naging madali kung hindi nilimas umano ang mismong tanggapan ng alkalde. Ang sabi, wala raw iniwan na kahit ano ang huling nag-opisina roon — kahit na isang upuan o file cabinet. Sariling pera ba niya ang ginastos sa pagpapaayos ng lugar? Kung ganun, eh ‘di patas lang. Pero hindi lamang basta walang laman ang opisina — iniwan din niya ang siyudad sa kawalang kaayusan, higit sa aspetong pinansiyal kaysa pisikal.



Napaulat na baon ang Maynila sa aabot sa P950 milyon pagkakautang, kung saan P561 milyon ang kinakailangang bayaran sa Leonel Waste Management Corp. pa lamang. Nag-walk out daw ang contractor, ayon sa dating mayor. Anuman ang rason, nagkandautang-utang ang lungsod.



Buti na lamang at ang alkalde ngayon ng Maynila ay kilala sa kahusayang solusyunan ang anumang problema. At para sa isang isinilang at lumaki sa lungsod, gusto ko — gaya ng maraming iba pa — ng tunay na pagbabago. Hindi tipong pang-That's Entertainment. Hindi pampelikula lang. Kundi totohanan.



At ngayong may panibagong simula sa Maynila, dapat din na sumabay ang mga namumuno rito.



Si Mayor Isko, sa kanyang tapang at hindi-matatawarang determinasyon, ay hindi kailanman nagkulang sa pagmamalaki na ang mga unang aral na natutunan niya tungkol sa serbisyo publiko ay nagmula sa taong pinagkakautangan niya sa kinalalagyan niya sa ngayon — ang yumaong si Vice Mayor Danny Lacuna. Sa napakaraming paraan, ang nakatatandang Lacuna ay nagsilbing mentor at father figure sa isang dating seaman na naging alkalde. Kaya naman nang manalong alkalde si Isko noong 2019, bitbit niya sa kanyang tabi si Honey Lacuna bilang kanyang bise alkalde.



Inendorso niya ang kandidatura sa pagkaalkalde nito noong 2022, nang kumandidato siya sa pagkapresidente. Pero naging mitsa ang pulitika — gaya ng naging tradisyon na — para magkaalitan ang dalawang dating magkaalyado. Sinira sila ng nakaraang eleksiyon. Sa kabila nito, hanggang ngayon ay tinatawag pa rin siya ni Isko bilang kanyang “Ate Honey.”



Umaasa ang kolum na ito na sa paglipas ng panahon ay mapapawi na ang naging palitan ng hindi magagandang pahayag sa pagitan nila noong panahon ng kampanya. Napakaraming bagay ang kailangang tugunan sa Maynila — maruruming kalsada, santambak na utang, mga palyadong sistema — para problemahin pa ng mga dating magkaalyado ang anumang isyu sa kanilang pagitan. Panahon nang simulan ng dalawa ang paghilom, piliin ang pagpapatawad, at alalahanin na iisa ang tibok ng kanilang mga puso pagdating sa serbisyo publiko.



* * *



SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa sa X app.

01/07/2025



By Robert B. Roque Jr. What zarzuela is this? At a Wednesday press con, Speaker Martin Romualdez was playing out a role—that of championing transparency in the bicameral budget conference. And like a cheerleader left out in the bleachers, House Minority Leader Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan tr...

01/07/2025



ANONG zarzuela ito? Sa isang press con nitong Miyerkules, may paandar si Speaker Martin Romualdez — isinusulong niya ang transparency sa bicameral budget conference. At tulad ng isang cheerleader na naiwan sa bleachers, tinangka ni House Minority Leader Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan na ibida ...

01/07/2025



FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANONG zarzuela ito? Sa isang press con nitong Miyerkoles, may paandar si Speaker Martin Romualdez — isinusulong niya ang transparency sa bicameral budget conference. At tulad ng isang cheerleader na naiwan sa bleachers, tinangka ni House Minority Leader Rep. Marc...

28/06/2025



NAGING bahagi ang aking kolum nitong Martes ng mainstream media sa malawakang pagbubulgar kung paanong ang pagkaadik sa pagsusugal ay pinapalala ng ‘downloadable apps’. Ang smartphones, naging instrumento sa paglalaho ng kitang para sa pamilya. Mistulang nakikinig naman ang ilang miyembro ng Kon...

26/06/2025



By Robert B. Roque, Jr. My column last Tuesday just had to join mainstream media in blowing things open about how widespread gambling addiction has worsened through these downloadable apps. Smartphones have become portals for losing household incomes. Well, it seems that some members of Congress wer...

26/06/2025

FIRING LINE FOR THURSDAY (JUNE 26, 2025) ISSUE


Puksain agad ‘yang online gambling!

Naging bahagi ang aking kolum nitong Martes ng mainstream media sa malawakang pagbubulgar kung paanong ang pagkaadik sa pagsusugal ay pinapalala ng mga downloadable apps. Ang smartphones, naging instrumento sa paglalaho ng kitang para sa pamilya.

Mistulang nakikinig naman ang ilang miyembro ng Kongreso at ilan sa kanila ang kumikilos na ngayon upang patigilin ang ilang e-wallet platforms sa pagiging kasangkapan sa nakakaadik na pagsusugal.

Ngunit bago pa man magkaroon ng aktuwal na batas, dapat na tanungin muna ng industriya ng digital banking ang kanilang sarili: hanggang kailan sila magpapanggap na inosente habang ang kani-kanilang platform ang mismong nagpapadali sa panghuhuthot at pagsimot sa pera ng mahihirap?

Totoo ang sinabi ni Rep. Jonathan Keith Flores nang banggitin niya kung paanong dahil sa e-wallets ay pinadadali — sobrang walang kahirap-hirap pa nga — para sa mga Pilipino ang itaya ang lahat ng kanilang kinita at makipagsapalaran sa walang katiyakan.

Ganyan ang kalakaran sa online sugalan: dahil may direktang access sa mga betting app na matatagpuan sa mga e-wallet platform, ang pagiging todo-bigay sa kinaaadikan ay hindi lamang madali, kundi delikado sa pagiging ‘matik. Ang malala pa, may ilang e-wallet apps ang hindi lang maaaring tayaan; pupuwede pa ngang utangan — na nagpapalala naman sa mapanganib na kumbinasyon ng pangungutang at pagsusugal.

Hindi na nakapagtatakang mabilis na nabiktima nito ang mga manggagawa na itinataya ang kanilang take-home pay. Kaya, bagamat mareresolba ang problema sa tulong ng financial regulation, nakasentro rin ito sa krisis sa moralidad ng parehong tumataya at nagpapataya.

Kumikita sa taya at transaksiyon ang mga fintech company tuwing tina-tap ng user ang “load” o “top up” sa gambling app. Alam nila iyon. Pero hinahayaan lang nilang bukas ang link — nang walang pag-aalinlangan. Bagamat walang batas na istriktong nagbabawal sa mga ganitong linkages, ang responsableng corporate citizenship — at simpleng pagpapakadisente — ay dapat na matagal nang kumonsensiya sa kanila kahit na wala pa ang banta ng paggawa ng batas para rito. Dapat sila na mismo ang nanguna sa kampanya para iiwas ang publiko sa pagsusugal, at hindi iyong hinihintay lang nila na puwersahin sila para umaksiyon.

At saan na nga ba ang moral recovery program ng gobyerno pagdating dito? Nasaan ang konsensiya ng mga institusyong dapat na pumipigil sa milyun-milyong Pilipino na masaid ang ipon o mabaon sa utang na maaaring mauwi sa pagkasira ng pamilya? Obligasyon ng pamahalaan na i-regulate ang mga transaksiyong pinansiyal. Tungkulin nitong sagipin ang mamamayan nito mula sa lagim ng pagkaadik sa sugal.

Kung ang mga digital platform na ito ang nagsisilbing front door, sino ngayon ang nangangasiwa sa mga sekretong pintuan sa loob? Dapat nating pangalanan ang mga nangangasiwa sa mga illegal gambling networks na ito — sino ang nagpopondo sa kanila, sila ang nagpoprotekta? Hindi sila mga invisible na operators.

Ang mga sindikato ay binubuo ng mga taong nag-o-operate, mga recruitment network, mga nangangasiwa sa pagpapasok ng pera at, sa kasamaang palad, kadalasang may proteksiyon ng mga tiwaling tagapagpatupad ng batas. Dito na mapapakinabangan ang intelligence networks ng ating pulisya at mga ahensiya ng gobyerno na nakatutok sa seguridad. Kung nagagawa ng mga awtoridad na matunton ang mga terorista, siguradong kaya rin nilang matukoy ang mga big boss ng mga pasugalang ito, na nagsisitabaan sa pagsasamantala sa desperasyon ng mamamayan.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa sa X app (dating Twitter).

Address

Cubao

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Firing Line posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Firing Line:

Share