Punto de Vista 7

Punto de Vista 7 Ang opisyal na page ng Ang Tanglaw mula sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School.

Sinimulan kahapon ang Grade 8 Teachers Training para sa Revised K to 10 Matatag Curriculum sa RMCHS. Tatagal ito mula Hu...
02/07/2025

Sinimulan kahapon ang Grade 8 Teachers Training para sa Revised K to 10 Matatag Curriculum sa RMCHS. Tatagal ito mula Hulyo 2-4, 2025 bilang paghahanda sa implementasyon ng bagong kurikulum.

DepEd, Magde-deploy ng 20,000 Teaching Personnel at 10,000 Non-Teaching Staff sa Buong BansaIsinagawa ang panayam hinggi...
27/06/2025

DepEd, Magde-deploy ng 20,000 Teaching Personnel at 10,000 Non-Teaching Staff sa Buong Bansa

Isinagawa ang panayam hinggil sa pagde-deploy ng karagdagang teaching at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School (RMCHS). Ayon sa DepEd, nasa 20,000 bagong g**o at 10,000 non-teaching staff ang ipadadala sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa upang tugunan ang kakulangan at mapabuti ang kalidad ng edukasyon.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang team ng PTV - Ulat Bayan, kung saan nagsagawa ng panayam kay Gng. Anabel Mejia, Pangunahing G**o ng Science Department at G. Reden Juego, English Teacher, ukol sa nasabing inisyatibo. Layon nitong matugonan hindi lamang ang pangangailangan sa kalidad ng pagtuturo, kundi maging ang maayos na operasyon at serbisyo sa loob ng mga paaralan. Bahagi ito ng mas malawak na inisyatibo ng DepEd upang masig**o ang mas maayos, ligtas, at epektibong pagtuturo.

Club Day 2025: Tinig, Talino, TalentoIdinaos ang Club Day ng mga mag-aaral sa Ramon Magsaysay Cubao High School (RMCHS) ...
25/06/2025

Club Day 2025: Tinig, Talino, Talento

Idinaos ang Club Day ng mga mag-aaral sa Ramon Magsaysay Cubao High School (RMCHS) ganap na alas dos ng hapon upang bigyan ng pagkakataong makilahok ang mga mag-aaral sa iba't ibang organisasyong naaayon sa kanilang interes at hilig.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mag-aaral na mas maging aktibo sa mga gawaing pampaaralan at mahasa hindi lamang sa akademiko kundi pati sa mga kakayahang sosyal at pampamayanan. Ilan sa mga club na maaaring salihan ay ang Diwa’t Panitik Club na nakatuon sa pagpapayabong ng kaalaman sa panitikan at malikhaing pagsulat, ang Mathematics Club para sa mga nagnanais mahasa sa larangan ng Matematika, ang TLE Club sa mga nais matuto ng mga praktikal na kasanayan gaya ng drafting, computer information, pagluluto at pagpapaganda, at ang Girls Scout at Boys Scout na humuhubog sa mga kabataan upang maging responsable, disiplinado, at handang tumulong sa kapwa. Maliban dito, may iba’t ibang club pa na bukas para sa lahat ng mag-aaral na nais tuklasin at linangin ang kanilang mga talento, kakayahan, at mga natatanging interes.

Isa ring paraan ang Club Day upang mapalawak ng kabataan ang kakilalang kaibigan, mapaunlad ang tiwala sa sarili, at maging aktibong bahagi ng komunidad ng paaralan.

📸: Pitik ng Tanglaw

19/06/2025
Ikalawang NSED, Tagumpay na Nairaos sa RMCHS Isinagawa ngayong Hunyo 19, 2025 ang ikalawang National Simultaneous Earthq...
19/06/2025

Ikalawang NSED, Tagumpay na Nairaos sa RMCHS

Isinagawa ngayong Hunyo 19, 2025 ang ikalawang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong panuruan 2025–2026 sa pangunguna nina Gng. Anabel Mejia at G. Brian De Vera, mga punong tagapangasiwa ng School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM).

Kalahok ang mga mag-aaral mula sa Baitang 7 at kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection na sina FO3 Aniceto R. Cantos at FO1 Melvin B. Reyes, na nagbigay ng mga paalala. Nagbahagi rin ng mahahalagang mensahe si Gng. Mariel Isiderio, MAPEH OIC. Layunin ng aktibidad na maihanda ang buong komunidad ng paaralan sa tamang pagtugon sa oras ng lindol o anumang kalamidad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon at maayos na pagsunod sa mga itinakdang hakbang, naging matagumpay at organisado ang buong paghahanda—isang patunay na sa bawat hamon, basta Monsay, mahusay!

📷: Pitik ng Tanglaw

PGen. Nicolas Torre III, Personal na Bumisita sa Monsay para sa Pagbubukas ng KlasePersonal na bumisita ngayong araw si ...
17/06/2025

PGen. Nicolas Torre III, Personal na Bumisita sa Monsay para sa Pagbubukas ng Klase

Personal na bumisita ngayong araw si PGen. Nicolas Torre III, ang kasalukuyang hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) sa Monsay upang tiyakin ang maayos at ligtas na pagbubukas ng klase sa lugar.

Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Jean Fajardo, sinadya ni PGen. Torre ang deployment ng mga kapulisan upang matiyak ang kanilang kahandaan at presensya sa mga paaralan. Layunin din ng pagbisita na makausap at mapaalalahanan ang mga mag-aaral at magulang na naroroon ang kapulisan hindi lamang bilang tagapagbantay, kundi bilang katuwang sa seguridad at kaligtasan.

“Gusto niyang ipaalam sa publiko na anumang concern—security man o public safety—ay maaari nilang i-report sa ating mga pulis. Nandiyan po sila para tumulong,” ani Fajardo.

Dagdag pa niya, hindi na kinakailangang personal na pumunta sa presinto kung may emergency. “Sa pamamagitan ng 911, maipararating agad ang tulong. Sa loob ng limang minuto, darating ang ating mga kapulisan,” ani niya.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng pinaigting na seguridad ng PNP ngayong pagbabalik-eskwela upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, g**o, at mga magulang sa buong bansa.

📸: Pitik ng Tanglaw

16/06/2025
Panibagong Simula RamoniansMuling nagbukas ang silid-aralan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School para sa lahat ng mag-...
16/06/2025

Panibagong Simula Ramonians

Muling nagbukas ang silid-aralan ng Ramon Magsaysay (Cubao) High School para sa lahat ng mag-aaral na sabik matuto, makasama ang mga kaibigan, at harapin ang mga bagong hamon at oportunidad. Maligayang pagbabalik Ramonians! Halina't patunayan ang katagang 'Basta Monsay, Mahusay' sa bawat isa sa atin. Sama-sama nating gawing makabuluha ang taong panuruan, kasama ang mga g**ong handang tumulong sa ikauunlad ng ating edukasyon at sarili.

📷: Angelica Sibug, Ley-Ann Jayme, Andrea Supranes
🎨: Kimberly De Guzman

Isinagawa ang pampinid na seremonya ng Brigada Eskwela sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School. Tampok ang paggawad ng mg...
14/06/2025

Isinagawa ang pampinid na seremonya ng Brigada Eskwela sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School. Tampok ang paggawad ng mga sertipiko ng pagkilala sa iba’t ibang organisasyon, mula sa loob at labas ng paaralan, bilang pagpapahalaga sa kanilang aktibong partisipasyon at suporta sa paghahanda para sa pasukan.

Pagkatapos nito, ipinagpatuloy ng mga mag-aaral mula sa Senior High School ang kanilang pagtutulungan sa paglilinis ng mga silid-aralan, kagamitan, at iba pang pasilidad ng paaralan. Hindi alintana ang pagod, patuloy pa rin ang pagkilos ng bawat isa. Sa huling araw ng Brigada Eskwela, mas lumilinaw ang layunin nito, madama ang diwa ng pagtutulungan at makalikha ng malinis at ligtas na kapaligiran para sa lahat.

📷: Angelica Sibug, Lauryn Gustilo, Tricia Camaso, Ley-Ann Jayme, Princess Poquiz
🎨: Kimberly De Guzman

Patuloy ang masiglang pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mag-aaral at alumni sa ikatlong araw ng Brigada Eskuwela sa R...
11/06/2025

Patuloy ang masiglang pagtutulungan ng mga g**o, magulang, mag-aaral at alumni sa ikatlong araw ng Brigada Eskuwela sa Ramon Magsaysay (Cubao) High School. Tulad ng nakaraang araw, aktibong nakibahagi ang mga g**o, magulang at mag-aaral sa Baitang 9 sa gawaing paglilinis at paghahanda para sa nalalapit na pasukan sa Lunes.

Kaalinsabay nitonang pagkuha ng larawan para sa kanilang ID sa darating na pasukan. Sa bawat pinturang inilalagay, bawat kalat na nililigpit at bawat sirang gamit na inaayos, unti-unting nabubuo ang isang ligtas at maayos na espasyo para sa nalalapit na pagbabalik paaralan ng mga mag-aaral. Mas marami na rin ang nakikilahok araw-araw kasama ang ating komunidad. Sa gitna ng init at pagod ng lahat, tanging layunin ay matiyak na ang bawat isa ay matuto para sa sarili at kinabukasan.

📷: Princess Rhian S. Poquiz, Lauryn Hannah, at ESG
🎨: Kimberly De Guzman

Monsay, Wagi sa RSTF 2024 Pagbati sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan sa ginanap na Regional Science and Technolo...
09/11/2024

Monsay, Wagi sa RSTF 2024

Pagbati sa mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan sa ginanap na Regional Science and Technology Fair (RSTF) sa Quezon City Science High School nitong ika-8 ng Nobyembre.

𝗟𝗶𝗳𝗲 𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗜𝗻𝗱𝗶𝘃𝗶𝗱𝘂𝗮𝗹 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆
Margalo Amos V. Cerro Gr.11 - STEM - Archimedes Tagapayo: ma'am Guemo
🥇Unang Puwesto (National Qualifier)
🏅Best Presenter
G**ong Tagapatnubay: Bb. Jeanne Gabriel C. Tenchavez

𝗦𝗰𝗶𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗜𝗻𝗻𝗼𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗘𝘅𝗽𝗼 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗖𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝘆
Yohan Andrei Keisser N. Umbao, Janzen Fiel Tan kapwa Gr. 12 - STEM - Democritus Tagapayo: Ma'am Evangelista at Joangelie S. Nuñez
Gr.12 - STEM - Euclid
Tagapayo: ma'am Cabrera
🥉Pangatlong Puwesto
G**ong Tagapatnubay: G. Abelardo Cruz Jr.

Maraming salamat sa suporta mula kina Gng. Anabel B. Mejia, Head Science Department, G. Ferdinand P. Noble, Assistant School Principal II at Josehpine M. Maningas, Phd. Punongg**o IV.

📷 Anabel Mejia

UNDAS 2024
02/11/2024

UNDAS 2024

Address

Cubao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Punto de Vista 7 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category