
13/08/2025
DFA: U.S. Navy Ships’ Freedom of Navigation Near Bajo de Masinloc Aligned with UNCLOS
Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na batid nito ang isinagawang freedom of navigation operations (FONOPS) ng dalawang barko ng U.S. Navy malapit sa Bajo de Masinloc nitong Miyerkules, Agosto 13.
Ayon kay DFA spokesperson Angelica Escalona, malinaw sa UNCLOS na mayroong mga karapatan at kalayaang magdaos ng transit gaya ng innocent passage, freedom of navigation, at archipelagic sea lanes passage sa loob ng arkipelagikong tubig, territorial sea, at exclusive economic zone ng Pilipinas.
Dagdag pa niya, hindi kailangan ng abiso mula sa mga banyagang sasakyang-pandagat upang maisagawa ang mga kalayaang ito sa karagatang sakop ng Pilipinas, alinsunod sa pandaigdigang batas, partikular na sa 1982 UNCLOS.