KRis a Beautiful Day

KRis a Beautiful Day semper ad meliora

23/12/2024

Hindi ka nag-iisa, marami tayo.
Hindi rin mabilang ang mga nangangapa sa walang kasiguraduhang mundo,
Kung may patutunguhan ba ang mga pangarap na binubuo—
Lahat naman tayo ay nakararamdam ng pagsuko.

Katulad mo, karamihan ay lumalaban lang nang tahimik.
Mag-isang naglalayag sa binabagyong puso at isip.
Nagkukunwaring masaya at malakas—
Ngunit ang totoo, binabalot na nang lungkot at hindi na alam kung paano haharapin ang bukas.

Hindi lang ikaw ang lumuluha nang patago.
Hindi lang ikaw ang paulit-ulit na binibigo at nabibigo.
Hindi lang ikaw ang gusto nang maglaho—
Pero kahit ganito, nandito at nagpapatuloy pa rin tayo (;)

Lahat naman tayo lumalaban,
Nang may kanya-kanyang dahilan at paraan.
Marami tayo—
Magkakaiba lang ang ating kuwento.

Ika-24 ng Abril 2023

YT: https://youtube.com/channel/UCvSaJ07Cbzl2-rpub3wjDEw
IG: https://instagram.com/_tintalata_?utm_medium=copy_link

20/12/2024
06/10/2024

I'M DONE EXPLAINING MYSELF.

It took me too long to understand that no matter how much I explain my side, some people will twist it to fit their narrative. I used to pour my heart out, desperately hoping they'd see the truth, but l've learned the hard way-if someone truly wanted to understand, they wouldn't make me beg for it.

If you've already decided I'm the villain in your story, fine. I'm not going to keep bending over backwards trying to prove I'm good enough, worthy enough, or innocent enough. The truth is, the more I explain, the more power I give to someone who doesn't want to hear it.

Let them believe what they want.
Let them say it was all my fault.
Let them stay stuck in their version of events.

LET. THEM.

I won't defend myself anymore. Because l've realized something crucial-explaining myself over and over doesn't bring peace. It only exhausts me. It only reinforces their narrative, because if they really cared to understand, they would've listened the first time.

I'm reclaiming my energy.
I'm walking away from the endless loop of justification and debate.
I deserve connections where I don't have to fight for my truth to be seen.
If my silence makes you uncomfortable, then be uncomfortable.
If my choice not to explain feels like defeat to you, that's on you.
I'm no longer concerned with trying to win a battle I never agreed to fight.

I'm done begging to be understood.
I'm done begging for kindness, respect, and empathy that should've been given freely.
I'm done putting myself on trial in a court that was never fair to begin with.

I'M DONE.

The only explanation I owe is to myself: that I choose peace over their noise.
I choose to move on without the weight of constantly trying to be heard by people who are committed to misunderstanding me.
Let them think what they want.

LET THEM GO.

I will not explain myself again.
Because, honestly, I don't need to.





Ctto

05/10/2024

Hahantong ka na lang talaga sa puntong mapapagod ka sa lahat.
Sa mga bagay na nakasanayan mo nang gawin.
Sa mga hangarin na binubuo mo't kailangan mong tuparin—
At ang masaklap, pati sa'yong sarili.

Malilito ka kung may patutunguhan pa ba ang landas na iyong tinatahak,
Dahil kahit ilang pawis at luha na ang pumatak,
Hindi pa rin dumarating ang matagal mo nang hinahangad—
Mauubos ka sa labis na pag-iisip sa mga posibilidad.

Darating ka na lang talaga sa puntong mawawalan ka ng gana.
May mga pagkakataon ding pagdudahan mo na ang iyong halaga,
Kung sapat ka ba o kulang pa—
Sapagkat hanggang ngayon, ang dami mo pang bitbit na sana.

Makakaramdam ka ng pagsuko.
Maiisip mo ang huminto.
Lulunurin ka ng mga pagkabigo—
Hindi palaging sasang-ayon ang mundo.

Mapapagod ka sa lahat dahil ito na ang reyalidad,
Subalit paulit-ulit ka ring uusad—
Dahil may mga pangarap kang nais matupad.

Ika-25 ng Mayo 2023

YT: https://youtube.com/channel/UCvSaJ07Cbzl2-rpub3wjDEw
IG: https://instagram.com/_tintalata_?utm_medium=copy_link

05/10/2024

Tama ang mga magulang natin noong sinabi nilang “hindi napupulot ang pera”,
At huwag mag-aksaya dahil hindi ganoon kadaling kumita.
Mas naunawaan lang natin—
Nang tayo naman ang nagtatrabaho para sa salapi.

Ramdam na natin na kulang na kulang ang minimum na sahod para sa mga nagtatrabaho maghapon.
Ang taas ng hinihinging kwalipikasyon para sa napakababang sahod at posisyon.
Pero para sa mga tatakbo sa eleksyon at nasa posisyon—
Mamamayan ng Pilipinas na marunong bumasa at sumulat, sapat na iyon.

Tama ang mga magulang natin noong sinabi nilang “paano na lang kung wala ako?”
Hindi natin ito maintindihan noon dahil nariyan pa sila,
Pero noong tayo na lang ang gumagawa ng mga bagay-bagay para sa ating sarili—
Doon tayo sinampal ng katotohanang “mahirap at malungkot nga kapag wala sila”.

Tama nga sila noong sinabi nilang mag-aral nang mabuti para sa kinabukasan,
Dahil madalas ang respeto ng lipunan ito ang basehan.
Pero walang nakapagsabi na mas angat ang mga negosyante at mayayaman—
Ngayon lang din natin napagtanto, kaya pala marami ang gustong pumasok sa politika.

Tama nga ang mga magulang natin,
Malalaman mo lang ang kahulugan ng bigat—
Kapag ikaw na mismo ang nagbubuhat.

YT: https://youtube.com/channel/UCvSaJ07Cbzl2-rpub3wjDEw
IG: https://instagram.com/_tintalata_?utm_medium=copy_link

15/09/2024
15/09/2024

May kilala kabang ganito par

Address

Daet

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KRis a Beautiful Day posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share