17/12/2025
๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ ๐๐ก๐ ๐จ๐๐๐ฌ-๐จ๐๐๐ง ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ ๐๐ง๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ก๐๐๐ฆ๐๐๐๐ช๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐ข, ๐ ๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ฆ๐ ๐จ๐ก๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐ฅ๐๐ง๐ข ๐ก๐๐๐-๐๐ฆ๐๐๐๐ฌ๐จ๐ ๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช
DWCN-FM, Radyo Pilipinas, Camarines Norte | Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pangunguna ni Acting Governor Joseph Ascutia katuwang ang DILG at PNP ang isang aktibidad na may titulong "ULAY - ULAT SA BARANGAY", isang programa para sa lahat ng mga opisyal ng barangay, na kinabibilangan ng mga Punong Barangay, mga miyembro ng Sangguniang Barangay, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer ng lahat ng mga Barangay sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sinimulan ang aktibidad kahapon ika-16 ng Disyembre 2025 sa Municipal Covered Court ng Daet, New Sports Complex sa Basud, Astrodome ng San Lorenzo Ruiz, Municipal Covered Court ng San Vicente, JPL Complex sa Mercedes, TVM Sports Complex sa Talisay at Municipal Kiosk sa Vinzons.
Samantalang nakatakdang isagawa naman ngayong araw ika-17 ng Disyembre 2025 ang ULAY-ULAT SA BARANGAY sa Municipal Covered Court ng Capalonga, Municipal Gymnasium ng Santa Elena, Municipal Auditorium ng Jose Panganiban, Ginintuang Bulwagan sa Paracale at sa Labo Sports Complex.
Layunin ng aktibidad na masuri ang kasalukuyang sitwasyon ng kaligtasan ng publiko sa mga barangay, itaguyod ang transparency at accountability sa lokal na pamamahala, magbigay ng mga update sa mga bagong patakaran at ordinansa, at ipakita ang patuloy at bagong mga programa at inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan. | Ulat ni RF