KALADKARINGgala

KALADKARINGgala Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KALADKARINGgala, Digital creator, Daet.

this page contains a collection of our Adventures, Silly trips and my parenting style to my Son LK, who was diagnosed with Mild Autism and Global Developmental Delay.

26/04/2025

DAYUHANG BIKTIMA NG LOVE SCAM, NASTRANDED, TINULUNGAN NG MGA PULIS

Bilang tugon sa adbokasiya ng administrasyon ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. na itaguyod ang isang maka-tao at may malasakit na pamahalaan, muling ipinamalas ng Philippine National Police (PNP) ang tunay na diwa ng public service sa pagtulong sa isang banyagang turista na nabiktima ng love scam sa Davao International Airport.

Noong April 11, 2025, bandang 7:45 ng umaga, isang 62-anyos na Canadian citizen ang napansing paikot-ikot sa loob at labas ng Passenger Airport Terminal Building, halatang naguguluhan at balisa. Agad itong ini-report ng ilang empleyado ng paliparan kay Police Executive Master Sergeant (PEMS) Donalyn T. Doromal ng Davao International Airport Police Station (DIAPS), na walang atubiling nilapitan ang dayuhan.

Sa mabilisang pag-uusap, ibinahagi ng foreigner na bumiyahe siya pa-Davao para makipagkita sa kanyang "girlfriend." Subalit, ayon sa kanya, ito'y panlilinlang lamang—hinihingian siya ng pera ng babae at nang makuha ito ay hindi na muling nagpakita. Naubos na ang kanyang pera at wala nang pantiket pabalik.

Hindi nagdalawang-isip si PEMS Doromal. Sa pamamagitan ng tulong-tulong na inisyatibo ng lahat ng naka-duty na DIAPS personnel, nakalikom sila ng voluntary contribution. Ang nasabing halaga ay ginamit para makabili ng plane ticket para sa Canadian national, na kalauna’y nakasakay sa Philippine Airlines flight PR 1806 patungong Maynila.

Lubos ang pasasalamat ng banyaga sa kabaitan ng mga pulis.

Sa pahayag ni Chief PNP, PGen Rommel Francisco D. Marbil, kanyang pinuri ang kabayanihang ipinamalas ng DIAPS personnel:

“Ang ating mga pulis ay hindi lang tagapagpatupad ng batas, kundi mga tagapagtaguyod din ng malasakit. Ang ginawa ng ating DIAPS personnel ay sumasalamin sa tunay na puso ng PNP. Nandito tayo para maglingkod at magprotekta—may puso, may malasakit, at makatao.”

Muling pinagtitibay ng PNP ang kanilang panata sa taos-pusong serbisyo publiko—para sa lahat, mapa-Pilipino man o banyaga. Isa itong patunay na sa panahon ng pangangailangan, andiyan ang kapulisan na handang tumulong nang walang hinihintay na kapalit.


26/04/2025

PNP, NAKIKIISA SA PAGLULUKSA NG BANSA SA PAGPANAW NG SANTO PAPA

Ang Philippine National Police (PNP), sa pangunguna ni Police General Rommel Francisco D. Marbil, ay nakikiisa kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa buong sambayanang Pilipino sa pagdadalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis.

Bilang pagtalima sa Proclamation No. 871 na nagdedeklara ng national mourning hanggang sa araw ng libing ng yumaong Santo Papa, naglabas ang PNP ng direktiba sa lahat ng yunit sa buong bansa na ibaba sa kalahati ang watawat ng Pilipinas mula pagsikat hanggang paglubog ng araw, bilang simbolo ng pambansang pakikiramay at paggalang.

Ang Santo Papa na pumanaw noong April 21, 2025, ay minahal at hinangaan ng buong mundo dahil sa kanyang kababaang-loob, malasakit, at paninindigan para sa kapayapaan at katarungang panlipunan. Malapit siya sa puso ng mga Pilipino, lalo na nang siya ay bumisita sa Pilipinas noong 2015 upang personal na makiramay sa mga nasalanta ng Super Typhoon Yolanda, at bigyan sila ng pag-asa at lakas ng loob.

Ayon kay PGen Marbil: “Ang pagpanaw ni Pope Francis ay isang malaking kawalan hindi lamang sa Simbahang Katolika kundi sa buong mundo. Isa siyang pinunò na namuno nang may kababaang-loob at naging inspirasyon sa milyon-milyon, kabilang na kami sa hanay ng pulisya. Ipinaalala niya sa atin ang kahalagahan ng malasakit, serbisyo, at dangal.”

Si Pope Francis, na ipinanganak bilang Jorge Mario Bergoglio, ay nagsilbi bilang pinuno ng Simbahang Katolika sa loob ng 12 taon. Siya ang kauna-unahang Jesuit, Latin American, at non-European na Santo Papa sa loob ng mahigit 1,200 taon. Minahal siya ng milyon-milyong Pilipino at ng buong mundo hindi lamang dahil sa kanyang mga aral, kundi dahil sa walang sawa niyang paglingap sa mga mahihirap at inaapi.

Habang naghahanda ang mundo para sa kanyang huling pamamaalam ngayong Sabado sa Vatican City, ang PNP ay nakikiisa sa buong sambayanan sa paggunita at pagbibigay-pugay sa isang dakilang pinuno ng kapayapaan na ang alaala at aral ay mananatili sa mga susunod na henerasyon.


26/04/2025
26/04/2025

PNP, TAOS-PUSONG NAGPAPASALAMAT SA PAGLAGDA NG BATAS PARA SA LIBRENG LEGAL AID SA MGA PULIS

Lubos ang pasasalamat ng Philippine National Police (PNP) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagpirma sa Republic Act No. 12177—isang makasaysayang batas na nagbibigay ng libreng legal assistance sa lahat ng military at uniformed personnel (MUPs) na nahaharap sa kaso dahil sa kanilang legal na pagtupad sa tungkulin.

Ang bagong batas na ito, bahagi ng Common Legislative Agenda, ay matagal nang inaasam at malaking tulong para sa mga nasa uniformed personnel na araw-araw nagsasakripisyo para sa kaligtasan ng ating mga komunidad.

Sa ilalim ng RA 12177, sasagutin ng gobyerno ang lahat ng legal na gastusin—mula sa court representation, legal advice, paggawa ng legal documents, hanggang sa filing fees—para sa mga uniformed personnel na nasasangkot sa kaso habang ginagampanan ang kanilang trabaho. Kasama rito ang active, retired, o honorably separated na miyembro ng Armed Forces of the Philippines, PNP, Bureau of Fire Protection, BJMP, Philippine Coast Guard, Bureau of Corrections, at NAMRIA – Hydrography Branch.

“Hindi lang ito simpleng batas—ito ay moral na paninindigan ng gobyerno para protektahan ang mga naglilingkod sa bayan,” ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil. “Hindi nag-iisa ang ating mga pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Kasama nila ang buong estado.”

Ang legal aid ay para lamang sa mga kasong malinaw na may kaugnayan sa kanilang pagtupad sa tungkulin. Responsibilidad ng legal office ng bawat ahensya na magsuri at magdesisyon kung karapat-dapat sa tulong.

Dagdag pa rito, inaatasan ng batas ang mga pinuno ng ahensya na tumugon sa loob ng 24 oras sa anumang abiso ng kaso para hindi maantala ang legal assistance.

Ang pinaka-importante: may pondo nang naka-allocate para sa implementasyon ng batas, kaya wala nang alalahanin sa gastusin ang ating mga pulis.

“Malaking panalo ito para sa bawat pulis na matapat na naglilingkod kahit may panganib,” dagdag ni PGen Marbil. “Maraming salamat sa ating Pangulo, sa mga mambabatas, at sa lahat ng tumulong para maisabatas ito. Binigyan ninyo ng proteksyong legal at kapanatagan ng loob ang ating mga tauhan.”

Muling pinagtitibay ng PNP ang pananagutan nitong ipatupad ang batas, habang buong suporta nitong tinutulungan ang mga personnel sa kanilang tungkulin na maglingkod at magprotekta sa bawat mamamayang Pilipino.


26/04/2025
26/04/2025

Gospel: Mark 16:9-15
Reflection: Jesus Commissioning the Disciples
April 25, 2025

26/04/2025

PNP CHIEF PGEN MARBIL BUMISITA SA RIZAL, CAGAYAN, INUTOS ANG MASUSING IMBESTIGASYON SA PAGPASLANG KAY MAYOR RUMA

Alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr, personal na bumisita si Philippine National Police (PNP) Chief PGen Rommel Francisco Marbil sa Rizal, Cagayan ngayong Abril 25, 2025, upang suriin ang progreso ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Rizal Mayor Joel A. Ruma.

Sinimulan ni PGen Marbil ang kanyang pagbisita sa Barangay Gagabutan, Rizal sa pagdalaw sa burol ng yumaong Mayor Ruma upang ipaabot ang kanyang pakikiramay sa pamilya nito.

Matapos magbigay ng respeto, nagtungo si PGen Marbil sa lugar ng krimen sa Barangay Illuru Sur upang personal na makita ang mga detalye ng insidente at tiyakin ang masusing pagsuri ng bawat aspeto ng imbestigasyon.

Pagkatapos ng pagbisita sa lugar ng krimen, nakipagpulong si PGen Marbil sa mga tauhan ng Rizal Police Station at mga kasamang yunit. Sa pulong na ito, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng masusing imbestigasyon, at hinikayat ang koponan na maging masigasig sa paghahanap ng hustisya. “Ang kaligtasan ng ating mga mamamayan ay responsibilidad natin, at mas panatag ang kanilang loob kapag nakikita nila tayo sa lansangan, lalo na sa mga lugar na may mataas na tensyon tuwing panahon ng halalan. Kaya’t pinapalakas natin ang presensya ng pulisya upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan,” ani PGen Marbil.

Kinalaunan, dumalo si PGen Marbil sa pulong ng Special Investigation Task Group (SITG), kung saan ibinahagi ang mga update sa imbestigasyon. Ang SITG, na binuo ng Police Regional Office 2, ay walang tigil na nagtatrabaho upang matuklasan ang mga detalye ng pagpaslang. Maingat na sinusuri ng task group ang mga ebidensya, kabilang ang CCTV footages mula sa lugar ng krimen, at tinutukoy ang mga posibleng saksi, upang masiguro na ang lahat ng ebidensya ay maayos na magagamit sa korte.

Bilang patunay ng dedikasyon ng PNP sa paghahanap ng hustisya, tiniyak ni PGen Marbil ang buong suporta para sa Police Regional Office 2 at SITG. “Kami ay nakatuon sa pagbibigay ng hustisya para kay Mayor Ruma, sa dalawa pang biktima, at sa mga residente ng Rizal, Cagayan,” kanyang idineklara.

Kasama ni PGen Marbil sa kanyang pagbisita sina PLtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., Deputy Chief PNP for Administration, at PMGen Nicolas Salvador, The Director for Operations.

Ang pagbisita ni PGen Marbil ay nagbigay-diin sa papel ng PNP sa pagpapatupad ng mga prinsipyo ng Bagong Pilipinas na pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naglalayong lumikha ng mas ligtas at mas nagkakaisang bansa. “Ang Bagong Pilipinas initiative ay nagbibigay-diin sa transparency, hustisya, at kapayapaan, at ang PNP ay matatag sa kanilang dedikasyon sa mga layuning ito,” ani PGen Marbil.


 ゚viralシ
12/09/2024

゚viralシ

12/09/2024
12/09/2024

Nanay: Kapag kumati ang palad mo, ilagay mo sa bulsa, pera yan!

Me: Nangangati na PAA ko,. kulang sa Gala to!! 🤪

29/04/2023

Sabi mo mag-enjoy tayo this Summer. . . kakahintay ko, umuulan na na man. 😪😞

Address

Daet

Telephone

+639656006860

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KALADKARINGgala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to KALADKARINGgala:

Share