02/02/2021
"๐๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐จ ๐ฃ๐ค๐ฉ ๐ ๐๐ค๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ฉ๐ค ๐ฅ๐ง๐ค๐ซ๐ ๐ฉ๐๐๐ฉ ๐ค๐ฃ๐ ๐๐จ ๐๐๐ฉ๐ฉ๐๐ง ๐ฉ๐๐๐ฃ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฉ๐๐๐ง โ ๐๐ฉ ๐๐จ ๐ข๐ค๐ง๐ ๐ค๐ ๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ง๐ฃ๐๐ก ๐จ๐ฉ๐ง๐ช๐๐๐ก๐ ๐ฌ๐๐ฉ๐ ๐ค๐ฃ๐๐จ๐๐ก๐ โ ๐ฉ๐ค ๐๐ค ๐๐๐ฉ๐ฉ๐๐ง, ๐ฉ๐ค ๐๐ข๐ฅ๐ง๐ค๐ซ๐ โ ๐๐ค๐ง ๐ฉ๐๐๐ง๐ ๐๐จ ๐ข๐ค๐ง๐ ๐จ๐๐ฉ๐๐จ๐๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ค๐ข ๐ฅ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ค๐ฉ ๐ฌ๐๐๐ฉ ๐ค๐ฉ๐๐๐ง๐จ ๐ง๐๐๐ก๐ก๐ฎ ๐จ๐๐ฎ ๐ค๐ง ๐ฉ๐๐๐ฃ๐ โฆ"
Iyan ang sinambit ng isang prolipikong pintor at eskultor na si Federico Aguilar Alcuaz. Ang tanging Pilipinong artistang nagkamit ng pinakamaraming gantimpala't parangal pang-internasyonal sa larangan ng pintura. Dahil sa kanyang angking husay, kinilala rin siya ng Pambansang Komisyon Para sa Kultura at mga Sining bilang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal noong 2009.
Bantog siya bilang maestro ng abstraksiyon. Kung ang karamihan ng mga artista sa kaniyang panahon ay naging alagad ng modernismo at abstraksiyon dahil sa ito ang napapanahon, si Alcuaz ay nagsimula at nagpakahusay muna sa klasikong estilo bago tuluyang naging bihasa at nakilala rito. Nakilala siya sa kanyang mga mala-kuwadradong estilo. Kadalasan niyang isinasalarawan ang mga hubad na kababaihan, interiors, still-life at mga tanawin.
Dahil dito, siya ang unang Pilipinong nagwagi ng Prix Francisco Goya (1958). Sa Espaรฑa, natamo rin niya ang prestihiyosong Premio Moncada (1957), nagkamit ng unang gantimpala sa Pintura Sant Pol del Mar (1961), at ikalawang gantimpala sa Premio Vancell sa Fourth Biennial ng Tarrasa, Barcelona (1964). Sa gulang na 24, itinanghal si Alcuaz na pinakabatang nagkaroon ng eksibit sa prestihiyosong Sala Direccion General, Museum of Contemporary Art sa Madrid. Sa France ay pinarangalan siya ng Diploma of Honor sa International Exhibition of Art Libre (1961), Decoration of Arts, Letters and Awards na may ranggong Chevalier mula sa pamahalaang French (1964) at Order of French Genius (1964).
Bagaman mahabang panahon naglagi siya sa Europa, di niya nalimot bumalik sa Pilipinas. Nakamit niyรก dito ang maraming karangalan, kabรญlang ang Republic Cultural Heritage award, 1965; Araw ng Maynila Award, 1966; at Presidential Medal of Merit, 2006.
At ngayong Pebrero 2, bilang pag-alala sa kanyang pagpanaw, kinikilala rin ng Abot-Tanaw ang kanyang kakayahang ipinamalas sa larang ng 'visual arts' bilang bahagi ng Ani ng Sining 2021.