Camarines Norte News

Camarines Norte News The first News Portal in Camarines Norte to cater news & information to Camnorteños across the world.
(8)

BANTAYOG EAGLES SOARINGMembers of the Bicol Camarines Norte Bantayog Region held a score of activities on Saturday, July...
26/07/2025

BANTAYOG EAGLES SOARING

Members of the Bicol Camarines Norte Bantayog Region held a score of activities on Saturday, July 26, ahead of its formal installation on the same date.

Led by its National President Jason Masa, Regional Gov. Elmer Zaleta and the presidents of the eight clubs comprising the region, the day kicked off with a community pantry for 30 individuals in collaboration with Brigada News FM Daet.

It was followed by the turnover of a solar streetlight strategically located in Talisay town; a feeding program cm basic medicine distribution for children was also held in Brgy.San Jose of the same municipality; and subsequently in the same area, was the groundbreaking of the Eagles landmark in a parcel of beachfront land donated by acting-Governor Joseph Ascutia, an active Eagle himself.

The last stop was the food packs and hygiene kits provided to the residents of Halfway Home, a care facility for abused women and children in Daet town, to wrap up the half-day of activities.

Norj Abarca

Daeteños, get ready for a DIY invasion! 🎉 MR DIY is opening soon at SM City Daet!🛒 From home essentials to fun finds, we...
25/07/2025

Daeteños, get ready for a DIY invasion! 🎉

MR DIY is opening soon at SM City Daet!
🛒 From home essentials to fun finds, we’ve
got everything for your Familyhan needs.

Excited na kaming makita kayo! 🤩




RANK NO. 3 SA LISTAHAN NG MGA MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, NAARESTO NG MGA KAPULISANJose Panganiban, ...
25/07/2025

RANK NO. 3 SA LISTAHAN NG MGA MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG JOSE PANGANIBAN, NAARESTO NG MGA KAPULISAN

Jose Panganiban, Camarines Norte — Sa patuloy na kampanya laban sa kriminalidad, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Jose Panganiban MPS ang Rank No. 3 sa listahan ng Municipal Most Wanted Persons (MMWP) ng nasabing bayan dakong alas-12:20 ng tanghali nitong Hulyo 24, 2025 sa Purok 4, Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Dan”, 20 taong gulang, may asawa, isang magsasaka, at residente ng nasabing lugar. Ang kanyang pagkakaaresto ay naisakatuparan sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay sa mga kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at R.A. 10591 (Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act), Section 28, sa ilalim ng Criminal Case Nos. 34184 at 34185 na may petsang July 23, 2025.

Ang operasyon ay isinagawa ng Tracker Team ng Jose Panganiban MPS sa ilalim ng direktang superbisyon ni PMAJ NORWEN ABELIDA, Hepe ng nasabing himpilan. Ito ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng pulisya kontra wanted persons.

Itinakda ng korte ang halagang ₱200,000.00 bilang piyansa para sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga at ₱120,000.00 para sa kasong may kinalaman sa iligal na pag-iingat ng baril.

Kaagad na ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang nakasaad sa Saligang Batas sa wika at paraang kanyang nauunawaan. Siya ay isinailalim sa medical examination sa Rural Health Unit at kasalukuyang nasa kustodiya ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.


TATLONG SUGATAN SA SALPUKAN NG UTILITY WING VAN AT MINI DUMP TRUCK SA BARANGAY DAGUIT, LABO, CAMARINES NORTELabo, Camari...
25/07/2025

TATLONG SUGATAN SA SALPUKAN NG UTILITY WING VAN AT MINI DUMP TRUCK SA BARANGAY DAGUIT, LABO, CAMARINES NORTE

Labo, Camarines Norte — Tatlong katao ang nagtamo ng mga sugat matapos magbanggaan ang isang Utility Wing Van at isang Mini Dump Truck sa kahabaan ng Purok-2, Barangay Daguit, Labo, Camarines Norte dakong alas-11:30 ng umaga nitong Hulyo 24, 2025.

Batay sa imbestigasyong isinagawa ng mga ng Labo PNP, ang insidente ay kinasangkutan ng isang Utility Wing Van na minamaneho ni alyas “Ben”, 30 taong gulang, may kinakasama, at residente ng Barangay Binanuaan, Talisay, Camarines Norte. Kasama niya sa sasakyan sina Alyas “Gary”, 24 taong gulang, binata, residente ng Barangay Guinacutan, Vinzons, Camarines Norte at si alyas “Carl”, 30 taong gulang, may asawa, residente ng Barangay Awitan, Daet, Camarines Norte na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na isinugod ng mga tauhan ng MDRRMO-Labo sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa karampatang lunas.

Samantala ang nakabanggaan naman nito ay isang Mini Dump Truck na kulay puti at itim na minamaneho ni alyas “Rico”, 30 taong gulang, residente ng Barangay Bulhao, Labo, Camarines Norte. Hindi naman nasugatan ang naturang driver sa aksidente.

Ayon sa inisyal na ulat, binabaybay ng Utility Wing Van ang kalsadang patungong Barangay Bagong Silang, Labo, habang ang Mini Dump Truck naman ay nagmumula sa kasalungat na direksyon. Sa pagdating sa lugar ng insidente, sinubukang mag-overtake ng Truck sa isang motorsiklo na naging dahilan upang bumangga ito sa paparating na Van.

Ang magkabilang sasakyan ay nagtamo ng hindi pa matukoy na halaga ng pinsala. Patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon ng IOC habang ang Mini Dump Truck driver ay nasa kustodiya na ng Labo MPS para sa kaukulang disposisyon. Samantala, ang mga sasakyan ay nasa lugar pa rin ng insidente habang isinasagawa ang imbestigasyon.


9 KATAO TIMBOG SA ILEGAL NA PAGMIMINA SA BAYAN NG PARACALEParacale, Camarines Norte – Siyam na katao ang naaresto sa iki...
25/07/2025

9 KATAO TIMBOG SA ILEGAL NA PAGMIMINA SA BAYAN NG PARACALE

Paracale, Camarines Norte – Siyam na katao ang naaresto sa ikinasang operasyon ng awtoridad laban sa iligal na pagmimina dakong alas-12:35 ng tanghali niong July 24, 2025, sa nasabing lugar.

Pinagsanib-puwersa ng mga operatiba mula sa CIDG-RFU5 RSOT (lead unit), Paracale MPS, Camarines Norte 2nd PMFC, at 16IB, 201st Brigade, 2nd ID, Philippine Army ang implementasyon ng Search Warrant No. 2025-020 na inilabas ng RTC Branch 5, Daet, Camarines Norte, laban sa paglabag sa Sections 102 at 103 ng Republic Act 7942 (Philippine Mining Act of 1995).

Kinilala ang mga naaresto na sina:
1. Alyas Wil, 67 anyos, caretaker;
2. Alyas Neng, 53 anyos, financier;
3. Alyas Boy, 70 anyos, financier;
4. Lyas Mo , 30 anyos, small-scale miner;
5. Alyas Gino, 61 anyos, small-scale miner;
6. Alyas Martin, 37 anyos, small-scale miner;
7. Alyas Ben, 33 anyos, small-scale miner;
8. Alyas Roy, 27 anyos, caretaker; at
9. Alyas Mike, 35 anyos, small-scale miner.

Nasamsam sa operasyon ang mga sumusunod na ebidensiya:
• 35 sako ng mineral ores
• 3 water pumps (2 may trademark na SHOUFOU PUMP)
• 1 unit chainsaw
• 1 jackhammer
• 1 air blower
• 2 leg apparatus
Ang mga naaresto at nakumpiskang ebidensiya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG-CNPFU para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


₱1.1M HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BUY-BUST OPERATION SA CAPALONGA; TATLONG SUSPEK ARESTADOCAPALONGA, Camarines Norte — T...
25/07/2025

₱1.1M HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BUY-BUST OPERATION SA CAPALONGA; TATLONG SUSPEK ARESTADO

CAPALONGA, Camarines Norte — Tatlong katao ang naaresto sa isang matagumpay na intelligence-driven buy-bust operation na isinagawa ng Capalonga Municipal Police Station katuwang ang CNPDEU at sa pakikipag-ugnayan ng PDEA Regional Office V, dakong alas-4:58 ng hapon nitong Hulyo 24, 2024 sa Purok-1B, Barangay Catioan, Capalonga, Camarines Norte.

Kinilala ang mga suspek na sina:

1. Alyas Jake, 55 anyos, lineman, residente ng Brgy. IV, Daet, Camarines Norte;

2. Alyas Sonny, 33 anyos, driver, residente ng Pandi, Bulacan; at

3. Si Alyas Ana, 32 anyos, scanner sa Shopee Bulacan Branch, residente rin ng Brgy. IV, Daet, Camarines Norte.

Sa operasyon, nasamsam mula sa mga suspek ang mga sumusunod na ebidensya:

• Isang (1) medium-size heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu (buy-bust item);

• Tatlumpu’t isang (31) medium-size heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu;

• Isang (1) genuine ₱500 bill bilang buy-bust money;

• Dalawang (2) karagdagang sachet ng hinihinalang shabu;
• Isang (1) puting Mitsubishi FB utility vehicle na ginamit ng mga suspek sa iligal na aktibidad.

Tinatayang may kabuuang timbang na 174.1 gramo ang lahat ng nakumpiskang iligal na droga na may tinatayang halaga mula sa Dangerous Drugs Board (DDB) na ₱1,183,880.00.

Isinagawa ang marking, inventory, at documentation ng mga nakumpiskang ebidensya sa presensya ng mga kagawad ng barangay sa nasabing barangay at media representative mula sa DWLP FM 90.5 Sibol Radio Capalonga.

Ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Capalonga MPS para sa kaukulang disposisyon. Inihahanda na rin ng Investigator-On-Case ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga nasabing indibidwal.


RANK 8 PROVINCIAL MOST WANTED SA KASONG PANGGAGAHASA, ARESTADO SA PROBINSTA NG CAMARINES NORTECAPALONGA, CAMARINES NORTE...
24/07/2025

RANK 8 PROVINCIAL MOST WANTED SA KASONG PANGGAGAHASA, ARESTADO SA PROBINSTA NG CAMARINES NORTE

CAPALONGA, CAMARINES NORTE – Sa bisa ng isang intelligence-driven operation, naaresto ng mga operatiba ang isang lalaki na nahaharap sa kasong panggagahasa nitong Hulyo 24, 2025, dakong alas-11:45 ng umaga sa Barangay Bagong Silang II, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek sa alyas na "Totoy", residente ng Capalonga, Camarines Norte, na nakatala bilang Rank No. 8 sa Provincial Most Wanted Persons at kabilang sa listahan ng E-Warrant System.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Capalonga Municipal Police Station sa pamumuno ni PCPT JOSELITO R JUEVES, ACOP, katuwang ang mga operatiba ng CIDG-CNPPO at CNPIT-RIO V. Ang pagkakaaresto ay base sa inilabas na Warrant of Arrest para sa kasong R**e (Criminal Case No. 2025-5098) noong Hulyo 15, 2025. Walang namang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Agad na ipinaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkakaaresto pati na rin ang kanyang mga karapatan. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting team para sa kaukulang dokumentasyon at nararapat na disposisyon.


4 SUGATAN SA AKSIDENTE SA KALSADA SA BAYAN NG LABOIsang aksidente sa kalsada ang naiulat sa kahabaan ng Maharlika Highwa...
24/07/2025

4 SUGATAN SA AKSIDENTE SA KALSADA SA BAYAN NG LABO

Isang aksidente sa kalsada ang naiulat sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok 6, Barangay Daguit, Labo, Camarines Norte bandang alas-10:30 ng umaga nitong Hulyo 23, 2025. Ang insidente ay kinasangkutan ng isang Forward Isuzu truck, na nagresulta sa pagkapinsala ng dalawang motorsiklo, dalawang kabahayan, at pagkakasugat ng apat na indibidwal kabilang ang tatlong menor-de-edad.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing truck na may plakang CXN606 ay minamaneho ni alyas "Al", 43 taong gulang, residente ng Barangay Magsaysay, Dinalupihan, Bataan. Ayon sa paunang impormasyon na nakalap, habang tinatahak ng naturang truck ang bahagi ng Maharlika Highway patungong kabayanan ng Labo, at pagdating sa isang kurbadang bahagi ng kalsada sa Brgy. Daguit, ay nawalan umano ng kontrol ang drayber matapos itong makaidlip habang nagmamaneho.

Bunsod nito, tuluy-tuloy na sumalpok ang truck sa dalawang bahay na nakatayo sa gilid ng kalsada. Sa lakas ng salpok, nasira ang bahagi ng kabahayan ni alyas "Yojen", 36 taong gulang, at residente ng nasabing lugar, at tinamaan din ang nakaparadang Rusi tricycle na kanyang pag-aari. Si alyas "Yojen" ay nagtamo ng mga sugat sa katawan.

Nadamay rin sa aksidente ang isa pang Rusi hauler na kulay galvanized na pagmamay-ari naman ni alyas "Jade", residente rin ng Purok 6. Ang naturang hauler ay nakaparada nang ito’y matamaan ng nabanggit na truck.

Bukod pa rito, napinsala rin ang isang bahay na pagmamay-ari ni alyas "Mercy", 58 taong gulang, residente rin ng Purok 6. Sa loob ng kanyang tahanan ay naroroon ang tatlong menor-de-edad na magkakapatid na pawang nasugatan sa insidente.

Sa kabuuan, apat (4) ang naiulat na sugatan sa naturang aksidente: Agad namang isinugod sa Camarines Norte Provincial Hospital ang mga biktima sa tulong ng Barangay Daguit Rescue Team upang mabigyan ng agarang medikal na atensyon.

Samantala, ligtas at walang natamong pinsala ang drayber ng truck na si alyas "Al". Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Labo MPS upang tukuyin ang buong detalye ng insidente . Isinailalim na rin sa dokumentasyon ang mga sasakyang sangkot, gayundin ang nasirang mga kabahayan.

Bilang bahagi ng mandato ng Philippine National Police na tiyakin ang kaligtasan sa lansangan, muling pinaalalahanan ng Labo MPS ang lahat ng mga motorista na maging maingat, alerto, at siguraduhing sapat ang pahinga bago bumiyahe, upang maiwasan ang ganitong uri ng insidente na maaaring magbunga ng pinsala sa buhay at ari-arian.


JUST IN | Isinama na ang Camarines Norte sa listahan ng mga lugar na WALANG PASOK bukas, Hulyo 25,  sa lahat ng antas ng...
24/07/2025

JUST IN | Isinama na ang Camarines Norte sa listahan ng mga lugar na WALANG PASOK bukas, Hulyo 25, sa lahat ng antas ng paaralan at sa mga tanggapan ng pamahalaan, ayon sa inilabas na anunsyo ng DILG. Tanging ang mga frontline workers ng pamahalaan ang hindi sakop ng suspensyon.

PNP CAMARINES NORTE, NAGSAGAWA NG MAAGANG PAGHAHANDA PARA SA BAGYONG "DANTE"Bilang bahagi ng mga hakbang para sa kaligta...
24/07/2025

PNP CAMARINES NORTE, NAGSAGAWA NG MAAGANG PAGHAHANDA PARA SA BAGYONG "DANTE"

Bilang bahagi ng mga hakbang para sa kaligtasan sa harap ng inaasahang epekto ng Tropical Depression “Dante,” agad na ipinag-utos ni PCOL Lito L. Andaya, Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), ang activation ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) noong alas-8:00 ng umaga ng Hulyo 23, 2025.

Layunin ng nasabing activation ang mas lalo pang paghandain ang mga pulisya sa posibilidad ng mga emerhensiyang maaaring idulot ng masamang panahon. Ang hakbang na ito ay bahagi ng proaktibong estratehiya upang matiyak ang mabilis at organisadong pagtugon sa anumang uri ng sakuna sa lalawigan.

Kasabay nito, isinagawa rin ng CNPPO ang serye ng pagpupulong at pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang kabilang sa disaster response tulad ng mga Local Government Units (LGUs), Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices (MDRRMOs), at iba pang kinauukulang tanggapan. Layunin ng mga pagpupulong na matiyak ang koordinadong plano, tamang alokasyon ng resources, at epektibong pagtugon sa epekto ng bagyo.

Bilang bahagi rin ng kanilang paghahanda, isinagawa ng CNPPO ang maingat na inventory at accounting ng Search and Rescue (SAR) Blue Box at ng mga kagamitan sa mobilisasyon. Siniguro na ang lahat ng rescue tools, suplay, at sasakyan ay nasa maayos na kondisyon at handang gamitin kung kinakailangan.

Patuloy ang pagtutok ng Camarines Norte Police Provincial Office sa pagbibigay ng serbisyo at proteksyon sa publiko, lalo na sa panahon ng kalamidad. Ang kanilang kahandaan ay isang patunay ng kanilang paninindigan sa ligtas, maayos, at matatag na komunidad.

TINGNAN: Gumuho ang gilid ng bahagi ng Maharlika Highway na nasa Brgy. Lag-On sa bayan ng Daet ngayong tanghali.(photo c...
24/07/2025

TINGNAN: Gumuho ang gilid ng bahagi ng Maharlika Highway na nasa Brgy. Lag-On sa bayan ng Daet ngayong tanghali.

(photo credits: JP De Leon)

JUST IN | The Local Government Unit of San Lorenzo Ruiz has announced the suspension of classes at all levels effective ...
24/07/2025

JUST IN | The Local Government Unit of San Lorenzo Ruiz has announced the suspension of classes at all levels effective 1:00 PM today, today, July 24, 2025, due to ongoing heavy rainfall.

Address

Daet

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camarines Norte News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Camarines Norte News:

Share

Category