20/10/2025
⚠️ PABATID SA PUBLIKO ⚠️
Mag-ingat sa pekeng page na “DSWD TELEVESION” na ginagamit ang pangalan at logo ng DSWD kahit pa ito ay may blue badge.
Ang naturang page ay hindi konektado o awtorisado ng ahensya at naglalaman ng maling impormasyon.
Hinihikayat namin ang publiko na i-report ang mga kahina-hinalang page na inyong makikita sa iba’t ibang social media platforms. Iwasan ding makipag-ugnayan o magbigay ng inyong personal na impormasyon sa mga account na kagaya nito.
Para sa tamang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng DSWD, bisitahin lamang ang aming mga opisyal na social media accounts:
📘 Facebook:
🐦 Twitter/X:
▶️ YouTube:
📸 Instagram:
🌐 Website: www.dswd.gov.ph
Sama-sama tayong labanan ang maling impormasyon — dahil sa DSWD, bawal ang fake news!
❤️