Camarines Norte Provincial Information Office

Camarines Norte Provincial Information Office ๐€๐‹๐€๐˜ ๐’๐€ ๐ƒ๐ˆ๐˜๐Ž๐’, ๐€๐‹๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐˜๐€๐
(2)

๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐๐€๐˜ ๐“๐”๐๐†๐Š๐Ž๐‹ ๐’๐€ ๐๐€๐’๐ˆ๐‚ ๐‹๐ˆ๐…๐„ ๐’๐”๐๐๐Ž๐‘๐“, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐ŽMaituturing na makahulugan at isang pangangailangan ang pag...
05/09/2025

๐๐€๐†๐’๐€๐’๐€๐๐€๐˜ ๐“๐”๐๐†๐Š๐Ž๐‹ ๐’๐€ ๐๐€๐’๐ˆ๐‚ ๐‹๐ˆ๐…๐„ ๐’๐”๐๐๐Ž๐‘๐“, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐† ๐๐ƒ๐‘๐‘๐Œ๐Ž

Maituturing na makahulugan at isang pangangailangan ang pagsasanay tungkol sa Basic Life Support na pinangunahan ng Provincial Government of Camarines Norte sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang Provincial Health Office (PHO).

Isinagawa ang unang batch ng pagsasanay nitong ika-4 ng Setyembre, 2025 sa Hiraya Hotel and Events Place Daet, Camarines Norte. Dumalo sa pagsasanay ang mga kinatawan ng labing-limang (15) tanggapan ng kapitolyo at ngayong araw ng Biyernes ang iskedyul naman ng natitira pang mga opisina sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ang mga katulad na gawain ay patuloy na isinusulong ng Provincial Government of Camarines Norte sa layuning bigyan ng sapat na kakayahan at kaalaman ang mga kawani nito pagdating sa mga emerhensiya at pangunahing pangangailangan kakayahan sa kalusugan at pagresponde.


๐Œ๐€๐‘๐Š๐„๐“ ๐๐‘๐ˆ๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„September 5, 2025 | Fridayโ€‹
05/09/2025

๐Œ๐€๐‘๐Š๐„๐“ ๐๐‘๐ˆ๐‚๐„ ๐”๐๐ƒ๐€๐“๐„
September 5, 2025 | Friday
โ€‹

๐Œ๐€๐๐ˆ๐๐†๐๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐†๐€๐๐ˆ ๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹ ๐€๐“ ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐Š๐€๐”๐†๐๐€๐˜ ๐๐† ๐‹๐๐Š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan (LNK...
05/09/2025

๐Œ๐€๐๐ˆ๐๐†๐๐ˆ๐๐† ๐๐€ ๐†๐€๐๐ˆ ๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐‹ ๐€๐“ ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐Š๐€๐”๐†๐๐€๐˜ ๐๐† ๐‹๐๐Š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2025 nitong Agosto, pinangunahan ng Provincial Youth and Sports Development Office (PYSDO) sa pamumuno ni Ms. Diday Abaรฑo ang pagsasagawa ng iba't ibang mga aktibidad at paligsahan na ibinibida ang angking talento, galing at natatanging katangian ng mga kabataang Camnorteรฑo, ang gawain ay pormal na nagsimula nitong August 20 hanggang August 29 at nitong ika-2 ng Setyembre, 2025 ay ginanap ang Gawad Bintao: Gabi ng Parangal at Pasasalamat sa Hiraya Hotel, Daet, Camarines Norte upang kilalanin ang mga nagwagi at nagpakita ng natatanging kontribusyon at galing sa mga dumaang kompetisyon.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan partikular na sina Acting Governor Joseph V. Ascutia, Board Member Renee Herrera, Board Member Winnie Balce Oco, mga Local Youth and Development Officers ng iba't ibang bayan, kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG), mga Youth Organizations at ang mismong mga kabataan na nakiisa at nakabahagi sa selebrasyong ito.

Ang gabi ay hindi lamang pagbibigay-pugay sa mga nanalo, kundi isa ring daan upang pagtibayin ang kanilang koneksiyon at kolaborasyon sa kani-kanilang adbokasiya na mas payayabungin pa ang sektor ng kabataan. Patunay nga sa kataga ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal na kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan.

Maligayang Linggo ng Kabataan 2025. Mabuhay ang mga kabataang Camnorteรฑo!


05/09/2025

๐Ÿฎ๐Ÿฑ๐—ง๐—› ๐—•๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—š-๐—ข๐—ก ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ:๐—ง๐—ข๐——๐—” ๐——๐—”๐—ฌ

Labo Sports Complex, Labo, Camarines Norte
September 5, 2025โ€‹
โ€‹

05/09/2025

๐‹๐๐Š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐ˆ๐๐ˆ๐๐ˆ๐ƒ๐€ ๐€๐๐† ๐†๐€๐‹๐ˆ๐๐† ๐€๐“ ๐“๐€๐‹๐„๐๐“๐Ž ๐๐† ๐๐€๐–๐€๐“ ๐Š๐€๐๐€๐“๐€๐€๐๐† ๐‚๐€๐Œ๐๐Ž๐‘๐“๐„๐ฬƒ๐Ž

Sa katatapos lamang na selebrasyon ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2025 sa probinsya, na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan at Provincial Youth & Sports Development Office (PYSDO), bumida at nagpakitang-gilas ang mga kabataang CamNorteรฑo sa pamamagitan ng paglahok sa ibaโ€™t ibang aktibidad. Layunin ng gawaing ito na paunlarin ang kakayahan, talento, at pagpapahalaga sa sportsmanship. Kabilang sa mga gawaing hatid ng LNK 2025 ay ang Gawad Bintao, Cultural Competitions, Singing and Dance Competition, Fun Run, Laro ng Lahi, Empowerment Seminar Workshop, Bida Kabataang Mamamahayag at iba pa.

Sa pamamagitan ng programa, higit na naipamamalas ang kahalagahan ng kabataan sa paniniwalang sila ang pag-asa ng bayan at bilang mahalagang bahagi sa pagpapaunlad ng lipunan.

Nawa'y mas mapaigting pa ng komunidad ang pagsuporta at pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan upang maging aktibong kabahagi ng pagbabago at kaunlaran sa lalawigan ng Camarines Norte ang mga kabataan.


05/09/2025

๐Ÿฎ๐Ÿฑ๐—ง๐—› ๐—•๐—จ๐—ฆ๐—œ๐—š-๐—ข๐—ก ๐—™๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ
TODA DAY: TODA PARADE

Labo, Camarines Norte
September 5, 2025โ€‹
โ€‹

Verse of the Day Friday morning | September 5, 2025Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa ma...
04/09/2025

Verse of the Day

Friday morning | September 5, 2025

Nalalaman ko, na anomang ginagawa ng Dios, magiging magpakailan pa man: walang bagay na maidadagdag, o anomang bagay na maaalis: at ginawa ng Dios, upang ang tao ay matakot sa harap niya.

Ecclesiastes 3:14 TABโ€‹
โ€‹


04/09/2025
๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข!Nanawagan po kami sa mga sumusunod na may-ari ng sasakyan: โœ… Tricycle na gumagamit pa ng lumang dilaw...
04/09/2025

๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—ข!

Nanawagan po kami sa mga sumusunod na may-ari ng sasakyan:
โœ… Tricycle na gumagamit pa ng lumang dilaw na plaka
โœ… Motorsiklo na may lumang berdeng plaka
โœ… Motorsiklo (2017 model pababa) na gumagamit pa ng temporary plate
โœ… Tricycle na gumagamit pa ng temporary plate

Maari na po kayong pumunta sa SM Daet, 2nd Floor upang mag-avail ng inyong bagong plaka sa isinasagawang LTO Daet Plate Distribution. (Sept 3 to 5, 2025)

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang maisaayos ang inyong plaka at makasunod sa ating mga alituntunin sa kalsada.

Salamat po sa inyong pakikiisa!

โ€‹

Sama-sama nating ipakita ang ating pagmamahal, suporta, at pagmamalaking Pilipino para kay Miss Teen Universe - Philippi...
04/09/2025

Sama-sama nating ipakita ang ating pagmamahal, suporta, at pagmamalaking Pilipino para kay Miss Teen Universe - Philippines, Ms. Chiarra Mae Vizcaya Gottschalk sa kanyang pagdala ng ating watawat at puso nang may dangal at kumpiyansa.

I-like at i-follow ang kanyang Facebook and Instagram: Chiarra Mae Vizcaya Gottschalk

Tayo ay magkaisa sa pagpapakita ng pagmamahal at suporta kay Ms. Chiarra Mae Gottschalk sa pagrepresenta ng bansang Pilipinas sa Oktubre 11-19, 2025 sa Jaipur, India.

๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘โ€™๐’ ๐‡๐Ž๐”๐‘ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐ˆ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‰๐Ž๐‰๐Ž ๐…๐‘๐€๐๐‚๐ˆ๐’๐‚๐Ž ๐€๐“ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐“๐”๐“๐”๐๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐๐ˆ๐ƒ๐„, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ Isinagawa ang isang makabuluhang ...
04/09/2025

๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘โ€™๐’ ๐‡๐Ž๐”๐‘ ๐’๐€ ๐๐€๐†๐ˆ๐“๐€๐ ๐๐ˆ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‰๐Ž๐‰๐Ž ๐…๐‘๐€๐๐‚๐ˆ๐’๐‚๐Ž ๐€๐“ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐€๐“๐”๐“๐”๐๐Ž๐๐† ๐Œ๐€๐๐ˆ๐ƒ๐„, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€

Isinagawa ang isang makabuluhang โ€œMayorโ€™s Hourโ€ sa pangunguna ni Mayor Jojo Francisco katuwang ang mga katutubong Manide, kasabay ng pagdiriwang ng Manide Day na ginanap sa Labo Sports Complex nitong ika-3 ng Setyembere, 2025. Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga katutubong komunidad, lalo na sa mga Manide na matagal nang bahagi ng kasaysayan at kultura ng Labo. Sa pagtitipon, nagkaroon ng bukas na talakayan kung saan malayang nailahad ng mga Pinuno ng Manide mula sa mga barangay ng Guisican, Exciban, Dumagmang, Anameam, Bagong Silang I, Mabilo I, Calabasa, Malaya, Matanlang at Daguit ang kanilang mga suliranin, pangangailangan, at mungkahi para sa ikauunlad ng kanilang pamayanan.

Nagpahayag ng buong suporta si Mayor Francisco sa mga kapatid nating katutubo at tiniyak na patuloy silang isasama sa mga programa at proyekto ng pamahalaang bayan, partikular sa larangan ng edukasyon, kalusugan, kabuhayan, at pagkilala sa kanilang karapatang pantao. "Ang ating mga kapatid na Manide ay hindi lamang bahagi ng ating kasaysayan kundi ng ating kinabukasan. Nararapat lamang na silaโ€™y ating pakinggan, kilalanin, at bigyan ng sapat na representasyon at serbisyo,โ€ pahayag ni Mayor Francisco.

Bukod sa Mayorโ€™s Hour, isinagawa rin ang ibaโ€™t ibang aktibidad tulad ng kultural na pagtatanghal, pagbibigay ng serbisyong medikal, at distribusyon ng mga pangunahing pangangailangan sa mga miyembro ng komunidad. Ang selebrasyon ng Manide Day ay bahagi ng patuloy na kampanya ng lokal na pamahalaan upang itaguyod ang inklusibong pag-unlad at pagpapaunlad ng katutubong kultura sa bayan ng Labo.



Verse of the Day Thursday evening | September 4, 2025He hath made every thing beautiful in his time: also he hath set th...
04/09/2025

Verse of the Day

Thursday evening | September 4, 2025

He hath made every thing beautiful in his time: also he hath set the world in their heart, so that no man can find out the work that God maketh from the beginning to the end.

Ecclesiastes 3:11 KJVโ€‹
โ€‹


Address

4X63+WX4, F. Pimentel Avenue, Camarines Norte
Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camarines Norte Provincial Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Camarines Norte Provincial Information Office:

Share