02/12/2025
๐๐๐๐ง๐๐ซ๐จ ๐๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐ญ๐, ๐๐๐ฆ๐ข๐ฆ๐ข๐ ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐,๐๐๐ ๐๐จ๐๐ก๐ ๐๐ฎ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ค๐ฌ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ
Magbabahagi ng kaniyang mga biyaya ngayong Pasko si Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste sa pamamagitan ng pamimigay ng 250,000 Noche Buena packages, na lahat ay pinondohan mula sa kaniyang sariling bulsa at walang anumang gastos mula sa gobyerno.
Ngayong Kapaskuhan, bawat pamilya sa distrito ni Leviste ay makatatanggap ng Noche Buena pack, at magbibigay rin siya ng karagdagang packs para sa mga pamilya sa ibang distrito. Noong nakaraang taon, namigay din si Leviste ng Noche Buena packs para sa bawat pamilya sa kaniyang distrito. Ngayong taon, mamimigay rin siya ng 250,000 payong.
โLumaki akong maswerte na laging may Noche Buena kasama ang aking pamilya tuwing Pasko, at ayokong may bata sa aking distrito na walang Noche Buena ngayong Pasko, kahit ako na mismo ang personal na magpondo,โ sabi ni Leviste. โPinipili kong hindi tumanggap ng kickbacks o kahit ang aking sahod o congressional office budget, pero hindi ko kayang hindi mag-donate ng mga Noche Buena pack matapos kong makita kung gaano ito nakapagpapasaya sa ibang tao.โ
โGayunpaman, hindi dapat dagdagan ng gobyerno ang paggastos para sa ganitong klaseng ayuda. Dapat bawasan ang VAT at iba pang regresibong buwis upang kayanin ng mga ordinaryong pamilya na makabili ng higit pa, at mas kumuha na lang mula sa pinakamayayamang Pilipino sa pamamagitan ng buwis at kawanggawa,โ dagdag pa ni Leviste, na Vice Chairman ng House Committee on Ways and Means.
Itinuon ni Leviste ang kaniyang atensyon sa serbisyo publiko noong 2024 matapos ibenta ang kaniyang controlling stake sa SP New Energy Corporation (SPNEC) sa Meralco sa halagang humigit-kumulang โฑ34 bilyon. Nakapag-donate na si Leviste ng โฑ6 bilyon mula sa kaniyang shares at mga nalikom mula sa pagbebenta ng shares bilang tulong sa mga estudyanteng kapus-palad at mga biktima ng bagyo, at nangakong ibibigay kalaunan ang lahat ng kaniyang kayamanan.
Nakaimbak na sa bodega ni Leviste ang mga Noche Buena pack sa pamamagitan ng Lingkod Legarda Leviste Foundation at ipamamahagi ang mga ito sa mga pamilya sa mga susunod na linggo bago sumapit ang Pasko.