AMCS BICOL News

AMCS BICOL News Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AMCS BICOL News, Media/News Company, AMCS BICOL NEWS Barcelona building J. Lukban Street Brgy 3 Daet Camarines Norte, Daet.

20/08/2026
20/08/2026
20/08/2026
20/08/2026
AMCS BICOL NEWSLABO, CAMARINES NORTE – Pinasigla ng makukulay na pagdiriwang ang 26th Busig-on Festival ngayong taon na ...
20/08/2026

AMCS BICOL NEWS
LABO, CAMARINES NORTE – Pinasigla ng makukulay na pagdiriwang ang 26th Busig-on Festival ngayong taon na magsisimula sa August 30at magtatapos sa September 8, 2026 na may temang "Lahi ni Busig-on: Bayaning Buhay, Kulturang Makulay"

Ang selebrasyon ay naglalayong gunitain ang kabayanihan at kasaysayan ni Busig-on habang binibigyang-pugay ang buhay na kultura at tradisyon ng mga CamNorteño.

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Labo kasama ang iba’t ibang sektor at ahensya, tampok sa festival ang sunod-sunod na aktibidad para sa lahat ng edad:

MGA TAMPOK NA AKTIBIDAD
Street Dancing at Grand Parade pinangunahan ng mga estudyante at grupo mula sa iba’t ibang barangay
Binibining Busig-on 2026 – patimpalak ng ganda, talino at kultura
Festival Costume Competition- tampok ang makukulay at makasaysayang kasuotan
Folk Dance at Chorale Singing Competition
Pickleball Food Bazar at Trade Fair
Pasyal Turismo– pagtatampok ng mga tourist spots sa Labo
Barangay Night at Salo-salo Sayawan
Cultural Presentations at Exhibits na sumasalamin sa yaman ng lahi at sining ng mga CamNorteño

Mula sa makukulay na kasuotan hanggang sa mga makasaysayang reenactment, ramdam na ramdam ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalaki sa sariling lahi.

Ayon sa mga organizer, ang tema ngayong taon ay paalala na ang kabayanihan ni Busig-on ay buhay pa rin sa bawat mamamayang patuloy na nagsusulong ng kultura, sining, at paglilingkod sa bayan.

19/08/2026
19/08/2026

𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐈𝐁𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐑𝐈𝐃𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐒𝐈𝐊𝐋𝐎, 𝐈𝐍𝐈𝐒𝐘𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐂𝐎 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆𝐊𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐑𝐀𝐆𝐄 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐎, 𝐑𝐈𝐙𝐀𝐋; 𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐒𝐈𝐍𝐔𝐒𝐏𝐈𝐍𝐃𝐄 𝐀𝐓 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐘𝐀𝐍 𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐑𝐌𝐀

Sa direktiba ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, inisyuhan ng Show Cause Order (SCO) ang drayber ng isang pribadong sasakyan at rider ng motorsiklo matapos masangkot sa isang insidente ng road rage sa San Mateo, Rizal.

Batay sa video na ibinahagi sa page ng “My Ride PH,” makikita ang isang babaeng back rider na nasa harapan ng pribadong sasakyan habang nakikipagtalo sa drayber nito. Makikita rin ang rider ng motorsiklo na nakapuwesto ng pahiga sa inner lane at naririnig na bumibigkas ng mga salitang nakasasakit laban sa nasabing drayber. Kapwa lumilitaw na nasangkot ang mga ito sa isang vehicular accident na nauna sa naturang pagtatalo.

Dahil dito, agad na isinailalim ng LTO sa administratibong imbestigasyon ang mga sangkot upang matukoy ang mga pangyayari at posibleng pananagutan kaugnay ng insidente.

Pinahaharap ng LTO ang drayber ng pribadong sasakyan sa Intelligence and Investigation Division (IID) upang magbigay ng sinumpaang paliwanag kaugnay ng posibleng paglabag sa Reckless Driving at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Samantala, pinahaharap din ang rider ng motorsiklo sa IID kaugnay ng posibleng paglabag sa Reckless Driving, Compulsory Registration of Motor Vehicles, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Bilang bahagi ng imbestigasyon, isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ang driver’s license ng dalawang sangkot at inatasan silang isuko ang kanilang mga lisensya sa IID. Inilagay rin sa alarm status ang mga sangkot na sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“Hindi natin dapat hinahayaan na ang anumang away o pagtatalo sa kalsada ay mauwi sa sitwasyong maaaring maglagay sa panganib sa ibang motorista at road users. Kailangang pairalin ang disiplina at pananagutan sa bawat insidente. Kung may paglabag, pananagutin natin ang mapatutunayang sangkot alinsunod sa batas,” pahayag ni Asec. Lacanilao.

Patuloy na pinaaalalahanan ng LTO ang lahat ng motorista na pairalin ang disiplina, pag-iingat, at pagpipigil sa sarili sa kalsada. Anumang pagtatalo o insidente sa daan ay dapat resolbahin sa maayos at legal na paraan at hindi sa pamamagitan ng mga kilos na maaaring magdulot ng panganib sa ibang motorista at road users.

Tiniyak ng LTO na patuloy nitong aaksyunan ang mga insidenteng maaaring magbanta sa road safety at pananagutin ang sinumang mapatutunayang lumabag sa mga umiiral na batas at regulasyon.

19/08/2026
19/08/2026
REP. MAGSAYSAY, ITINUTULAK ANG HOUSE BILL 2511 PARA SA UNIVERSAL SOCIAL PENSION _AMCS BICOL NEWS_PILIPINAS — Patuloy na ...
19/08/2026

REP. MAGSAYSAY, ITINUTULAK ANG HOUSE BILL 2511 PARA SA UNIVERSAL SOCIAL PENSION
_AMCS BICOL NEWS_

PILIPINAS — Patuloy na isinusulong ni Rep. Milagros "Mila" Aquino-Magsaysay ng United Senior Citizens Partylist ang House Bill No. 2511 o ang Universal Social Pension Act para sa lahat ng Pilipinong senior citizen.

Ayon sa opisina ni Rep. Magsaysay, nagsimula ang panawagan mula sa mga kilos-protesta at umabot na sa mahigit 5 milyong lagda ng mga nakatatandang Pilipino na nananawagan sa pamahalaan na maipasa ang naturang batas.

Layunin ng HB 2511 na tiyaking lahat ng Pilipinong edad 60 pataas, may pension man o wala, ay makakatanggap ng karampatang suporta mula sa gobyerno.

Ang panukalang ito ay hindi lamang simpleng tulong-pampinansyal, kundi isang tunay na pagkilala sa dignidad, sakripisyo, at ambag* ng ating mga senior citizen sa bansa, pahayag ni Rep. Magsaysay.

Kasabay nito, patuloy ang mga grupo ng senior citizens sa pagkilos at pagtitipon upang ipanawagan ang agarang pagpasa ng Universal Social Pension.

Para sa dignidad, buhay, karapatan, at kinabukasan ng bawat nakatatandang Pilipino

Ariel Idaloy ( AMCS BICOL NEWS)

Address

AMCS BICOL NEWS Barcelona Building J. Lukban Street Brgy 3 Daet Camarines Norte
Daet
4600

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AMCS BICOL News posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share