15/10/2025
๐ฃ๐ฅ๐ข๐ฌ๐๐๐ง๐ข๐ก๐ ๐๐๐ข๐ข๐ ๐๐ข๐ก๐ง๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ณ๐ด๐ต ๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐ ๐๐ง๐๐ก๐๐๐ก๐, ๐๐ง๐๐ก๐๐ฌ๐ข ๐ฆ๐ ๐๐จ๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐ข๐ฃ๐จ๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก, ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐-๐๐ฅ๐๐๐ก ๐๐ง ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ง๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก
DWCN-FM, Radyo Pilipinas, Camarines Norte (October 14, 2025) | Walang makikinabang na mamamayan at walang populasyon, ari-arian at sakahan na mabibigyan ng proteksyon sa itinayong Flood Control Structure na aabot sa mahigit P789 Milyong Piso na kabuuang halaga (789,029,777.28) sa Barangay Matanlang, Labo, Camarines Norte ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st Engineering District.
Batay sa mga dokumentong nakalap, ang mga kontratista na nagpatupad ng flood control projects sa Brgy Matanlang ay ang mga sumusunod:
1. Centerways Construction and Development Inc., na may tatlong proyektong flood control na nagkakahalagang P434,249,681.34;
2. Waycon Builders & Construction Supply Corporation na may dalawang flood control projects na nagkakahalagang P280,780,581.06;
3. Brentmin Roofing Enterprise na may isang proyektong flood control na nagkakahalagang P49,499,743.80; at
4. EUS Construction na may isang proyektong flood control na nagkakahalagang P24,499,771.08.
Samantalang, makikita naman sa isinagawang pagdokumento ng binuong Fact-Finding Team na pinamumunuan ni Bokal Winnie Balce Oco, ay ipinakikita ng documentation video na ang itinayong flood control sa Barangay Matanlang ay nasa ibaba ng kalsada o ang kalsada ay mas mataas ng aabot sa 3 hanggang 5 metro, na nagpapakita na sakali mang bumaha ay walang maaapektuhang komunidad at ari-arian.
Makikita rin sa mga video na ang bahagi ng ilog Busigon sa nasabing lugar ay mababaw at walang magiging banta ng pagbaha sakaling mang dumating ang panahon ng tag-ulan at sakali din na may dumaan na sama ng panahon.
Sa kasalukuyan, ay patuloy pa rin na nagsasagawa ng karagdagang pagsasaliksik ang Fact-Finding Team hinggil sa nasabing proyekto at sa iba pang flood control projects sa lalawigan ng Camarines Norte. | Ulat ni Rommel Fenix / Rommel Fenix
News Source: Radyo Pilipinas Daet