Dateline Camarines Norte

Dateline Camarines Norte We Inform. You Analyze. Find the latest news about Camarines Norte — politics, infrastructure, transportation, local economy, people and so much more.

07/10/2025
Isinulong ng Camarines Norte Water District Board of Directors ang pag papa walang bisa ng Joint Venture Agreement sa Pr...
30/09/2025

Isinulong ng Camarines Norte Water District Board of Directors ang pag papa walang bisa ng Joint Venture Agreement sa PrimeWater sa pamamagitan ng isang Resolution No 005 series of 2025 na pinag tibay noong January 21,2025.

Ang naturang resolusyon ay may titulong " A resolution signifying Camarines Norte Water Districts intent to pre-terminate the Joint Venture Agreement with PrimeWater Infrastructure Corp. ".

Giit ng Board na hindi nasunod ng PrimeWater ang mga naka paloob sa JVA katulad ng maayos na supply ng tubig , operation ng septage management system, pag sunod sa CAPEX o Capital Expenditure at regular na pag hain ng performance bond.

Binasehan rin ng CNWD Boardna ang Resolution No.005-2025 ng Sangguniang Bayan ng Daet na may petsang January 6,2025, na nanawagan sa CNWD management na taposin na ang JVA sa pagitan ng PrimeWater.

Look👇Padagos Lang Sa pangunguna ni COS Voltaire Conejos, at mga staff ng tanggapan ni 2nd District Representative Rosema...
25/09/2025

Look👇

Padagos Lang

Sa pangunguna ni COS Voltaire Conejos, at mga staff ng tanggapan ni 2nd District Representative Rosemarie Panotes ,@ naghatid ng mainit na lugaw para sa mga evacuees sa Vinzons bilang tugon sa pansamantalang pangangailangan habang nanunuluyan sa mga evacuation centers dahil sa banta ng Bagyong Opong.

Ang simpleng hakbang na ito ay bahagi ng tuloy-tuloy na pagtugon ng tanggapan ni Congw. Panotes at upang matiyak ang kaginhawaan ng mga residenteng naapektuhan ng masamang panahon.

25/09/2025

Panayam Kay Chief Of Staff Voltaire kaugnay ng pag hahanda ng tanggapan ni 2nd District Congw. Rosemarie Panotes sa bagyong OPONG.

MOTION FOR RECONSIDERATION SA ANIM NA BUWANG SUSPENSYON KAY GOVERNOR D**G PADILLA, HINDI PINAGBIGYAN NG OMBUDSMANHindi p...
24/09/2025

MOTION FOR RECONSIDERATION SA ANIM NA BUWANG SUSPENSYON KAY GOVERNOR D**G PADILLA, HINDI PINAGBIGYAN NG OMBUDSMAN

Hindi pinag bigyan ng Office of the Ombudsman ang Motion for Reconsideration na inihain ni Camarines Norte Governor Ricarte "D**g" Padilla kaugnay ng nauna nang desisyon nito noong Disyembre 26, 2024 na nagpapataw sa kanya ng anim (6) na buwang suspensyon nang walang sahod dahil sa kasong Conduct Unbecoming of a Public Official.

Sa 14 na pahinang desisyon na pirmado ni Acting Ombudsman/Special Prosecutor Mariflor P. Punzalan Castillo, pinandigan nito na walang bagong ebidensiya o mabigat na dahilan na naipakita ng gobernador para baguhin ang kanilang naunang desisyon.

Sa mosyon ni Padilla, iginiit nito na "in good faith" ang kanyang naging desisyon at walang intensyong lumabag sa mga umiiral na alituntunin.

ang pagpapahintulot umano kay Dayaon na mag-volunteer bilang station manager ay hindi dapat ikonsiderang mali dahil walang pondo o posisyon ng gobyerno ang nalustay o naabuso.

Ayon naman sa Ombudsman, hindi sapat ang mga paliwanag at wala ring naipakitang bagong ebidensiya ang gobernador na maaaring magpabago sa naunang desisyon.

Nag-ugat ang kaso sa pag-appoint ng gobernador kay Jorge Dayaon na kumandidato bilang konsehal noong 2022 elections, ilang linggo matapos ang halalan.

Ginawa ang appointment sa kabila ng umiiral na 1-year ban na ipinagbabawal ang pagtatalaga ng mga natalong kandidato sa anumang posisyon sa gobyerno sa loob ng isang taon matapos ang eleksyon.

Dahil dito, nananatiling epektibo ang anim na buwang suspensyon laban kay Gov. Padilla maliban pa sa isang taong suspension para naman sa isa pang hiwalay na kaso.

Ang naturang kaso ay isinamoa ni Jestoni Rafer under OMab-L-A -SEP-23-0150 for conduct prejudicial to the best interst of the service, Conduct undeciminng of a public official and grave misconduct.

Isang daang at Limang  (105) mga Kababayan mula sa Brgy.Magang at Bibirao na biktima ng manalasa at buhawi  o ipo-ipo an...
16/09/2025

Isang daang at Limang (105) mga Kababayan mula sa Brgy.Magang at Bibirao na biktima ng manalasa at buhawi o ipo-ipo ang nabigyan kahapon ng food pack, hygiene kit , sleeping kit, at kitchen Kit mula sa DSWD sa pamamagitan ng LGU Daet MSWDO.

Isinagawa rin ang interview at assessment sa mga naapektuhan upang malaman ang tulong na maari pang ibigay sa mga ito ng LGU Daet, DSWD at iba pang mga organisasyong nais tumulong.

Hindi maiwasan ang lungkot nang ibahagi ng ilan sa mga nasalanta ang kanilang karanasan sa hagupit ng buhawi.

Nag pasalamat naman ang mga ito sa tulong na ipinag kaloob ng DSWD at sa paunang tulong at agarang aksyon ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Ronie Valencia.

Mag-tiyahin, patay matapos madag-anan ng natumbang puno ng manalasa ang buhaei sa Brgy.  Magang, Daet, Camarines Norte n...
14/09/2025

Mag-tiyahin, patay matapos madag-anan ng natumbang puno ng manalasa ang buhaei sa Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte ngayong umaga ng Linggo, Setyembre 14,2025 bandang 5:40-6:00 am

Address

Daet

Opening Hours

Monday 7am - 7pm
Tuesday 7am - 7pm
Wednesday 7am - 7pm
Thursday 7am - 7pm
Friday 7am - 7pm
Saturday 7am - 7pm

Telephone

+63548756260

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dateline Camarines Norte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

ABOUT DATELINE CAMARINES NORTE

Dateline Camarines Norte is the pioneer news program on cable television in Camarines Norte since 2002. It has covered leading personalities from different fields —politics, economy, religion, education, environment and public utilities — and events happening in and around the province that affect the life of the Camarines Norteños.

In 2014, Dateline Camarines Norte has turned to another medium of communication — to FM radio — to better reach the people in far-flung barangays in the province to inform them about the programs and projects of the local government units that can help improve their quality of life.

Recently, Dateline CamarinesNorte has ventured into the social media, facebook live, so that Camarines Norteños in other parts of the world can keep abreast with the issues and events in their home province.

And now this new venture, Dateline Camarines Norte on the web, still adhering to its tagline, “We Inform, You Analyze”.