29/10/2025
πππππππππ ππ ππππππππππ ππ πππππππππ πππππ ππ πππ πππππππππππ ππππππππππ, πππππ ππ ππππ πππππ ππππππππ; ππππππ ππππππππ ππ ππππ, ππππππππππ πππππ ππππ
Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan sa ginanap na 17th Regular Session kahapon, Oktubre 28, 2025, ang panukalang ordinansa na nagbabawal sa pagsusuot ng maiiksing palda ng mga kababaihang estudyante sa mga paaralan sa buong lalawigan.
Ang naturang ordinansa ay isinusulong ni Board Member Arthur Michael Canlas, na layuning itaguyod ang disiplina, kahinhinan, at wastong asal ng mga kabataang kababaihan sa loob at labas ng paaralan.
Ayon kay Bokal Canlas, hindi layunin ng ordinansa na limitahan ang kalayaan ng kababaihan, kundi upang itaguyod ang moral na pamantayan at disiplina sa pananamit ng mga estudyante sa pampubliko at pribadong paaralan.
Bagamaβt may mga sumusuporta sa naturang ordinansa, umani rin ito ng pagtutol mula sa ilang sektor, kabilang na si dating Municipal Councilor Eliza Llovit na nagpahayag ng kanyang paninindigan bilang mambabatas at tagapagtanggol ng karapatan ng kababaihan.
Ayon kay Llovit, ang nasabing ordinansa ay sumasalungat sa diwa ng Republic Act No. 11313 o ang Safe Spaces Act, isang pambansang batas na naglalayong protektahan ang lahat laban sa anumang uri ng gender-based harassment sa mga pampublikong lugar, paaralan, opisina, at online spaces.
βAng Safe Spaces Act ay umiikot sa respeto, proteksyon, at pagkakapantay-pantay β hindi sa pagkontrol kung paano dapat manamit ang mga kababaihan,β ani Llovit.
βMas makabubuti kung ilokalisa natin ang RA 11313 β ibig sabihin, palaganapin ang mga ligtas na espasyo na walang harassment o diskriminasyon, imbes na pagbawalan ang mga estudyante sa kanilang pananamit.β
Dagdag pa niya, ang pagpapataw ng limitasyon sa haba ng palda ay hindi solusyon sa isyu ng moralidad o disiplina, kundi maaaring magbunsod ng victim-blaming at maling pag-unawa sa tunay na diwa ng respeto at kahinhinan.
βImbes na pagbawalan ang kababaihan sa kanilang pananamit, mas dapat nating pagtuunan ng pansin ang gender sensitivity education, respeto, at consent β iyan ang tunay na diwa ng ligtas at inklusibong komunidad,β pagtatapos ni Llovit.
Inaasahang tuluyang maaaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang nasabing ordinansa sa susunod na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan.