NBN News Channel

NBN News Channel NBN NEWS CHANNEL

10/06/2026
10/06/2026
07/06/2026

Kapag tumataas ang presyo ng pagkain, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan, ang middle class ang isa sa pinakaapektado.

Kaya isinusulong ni Sen. Bam Aquino ang pagbawas ng VAT upang mabawasan ang gastos ng mga Pilipino at mabigyan ng dagdag na puwang ang bawat pamilyang nagsisikap araw-araw.

Panahon nang unahin ang kapakanan ng mga mamamayan.

07/06/2026

Si Sen. Bam Aquino ay muling magpapatuloy sa pagsusulong ng dekalidad, abot-kaya, at inklusibong edukasyon bilang Chairperson ng Senate Committee on Basic Education—para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang Pilipino. 📚🇵🇭

07/06/2026

Gusto kong pag-usapan si Bam Aquino.

Kasi being an Aquino is a double-edged sword.

May bigat ang apelyido. May kasaysayan. May respeto. Pero may kasama ring galit, propaganda, automatic judgment, at mga taong hindi ka na pakikinggan dahil pa lang sa surname mo.

Pero kung aalisin muna natin ang ingay sa apelyido, ano ang matitira?

Kay Bam, ang matitira ay trabaho.

Bata pa lang, hindi siya umasa sa pangalan. Valedictorian siya sa grade school. Valedictorian siya sa high school. Sa college, summa cm laude at class valedictorian sa Management Engineering. Hindi iyon nakukuha sa apelyido. Nakukuha iyon sa disiplina, sipag, utak, at consistency.

At bago pa siya naging senador, hindi naman siya nagsimula sa trapo route. Nagtrabaho siya sa youth programs, social enterprise, at projects para sa abused and neglected children. He helped build Hapinoy, a program that supported sari-sari store nanays and women micro-entrepreneurs.

Ibig sabihin, bago pa siya gumawa ng batas para sa maliliit na negosyo, nakita muna niya ang buhay ng maliliit na negosyante. Hindi theory lang. Hindi drawing lang. May tindahan, puhunan, utang, pagod, at pangarap na pinag-ugatan.

Sa Senado, may resibo rin.

Bam was a key force behind laws that ordinary Filipinos actually feel: Free College Law, Go Negosyo Act, Free Internet Access in Public Places, Innovative Startup Act, Philippine Space Act, Balik Scientist Act, and Magna Carta for Scientists.

Hindi ito pang-grandstanding lang. Trabaho ito na may kinalaman sa estudyante, maliit na negosyo, internet access, science, innovation, trabaho, at kinabukasan.

At nitong 2026 budget fight, nakita ulit natin ang lane ni Bam: edukasyon.

Bilang chair ng Senate Basic Education Committee, naging bahagi siya ng pagtulak sa historic education budget na umabot sa humigit-kumulang ₱1.38 trillion. Kasama sa tinutukan ang dagdag pondo para sa classroom construction, school-based feeding, Free College Law, ARAL Program, at support para sa Related Learning Experience requirements ng allied health students.

At linawin natin: hindi kailangang burahin ang papel ni Sen. Win Gatchalian para kilalanin ang trabaho ni Bam. May papel si Win bilang budget sponsor. Pero may papel din si Bam bilang education chair na nagtulak ng mga amyenda. Ang matinong politika, marunong kumilala ng ambag. Hindi insecure sa credit. Hindi allergic sa facts.

Kaya kapag pinag-uusapan natin si Bam, huwag lang apelyido ang tingnan.

Ang tanong dapat:

May record ba?
May disiplina ba?
May batas bang naipasa?
May puso ba sa edukasyon?
May malasakit ba sa maliliit na negosyo?
May kaya bang pagsamahin ang aral, trabaho, teknolohiya, at kabuhayan sa iisang malinaw na direksyon?

Kay Bam, may argumento.

May utak. May puso. May batas. May resibo.

At sa panahon na ang daming pulitikong puro ingay, puro galit, puro eksena, minsan refreshing makakita ng lider na hindi kailangang sumigaw para mapatunayan na may ginagawa.

Si Bam Aquino, kahit mabigat ang apelyido, may sariling bigat ang trabaho.

📸 Rolling Stone Philippines

Address

Camarines Norte
Daet
4600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NBN News Channel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share