Camarines Norte PH

Camarines Norte PH Camarines Norte PH pangkalahatang issue topic usapin sa lipunan

22/10/2024
Heavy Rainfall Warning No. 6   Weather System: Tropical Storm (TS) KristineIssued at 02:00 PM 22 October 2024Red Warning...
22/10/2024

Heavy Rainfall Warning No. 6
Weather System: Tropical Storm (TS) Kristine
Issued at 02:00 PM 22 October 2024
Red Warning: , , , , and
Associated Hazard: Serious FLOODING is expected in flood prone areas. Higher chances of LANDSLIDES over the landslide prone areas
Yellow Warning: and
Associated Hazard: Possible FLOODING in low lying areas and near river channels.
Meanwhile, Moderate to occasionally heavy rains affecting which may persist within 2 to 3 hours and may affect nearby areas.
The public and the Disaster Risk Reduction and Management Offices concerned are advised to MONITOR the weather condition and watch for the next warning to be issued at 05:00 PM Today.

18/10/2024

ILEGAL NA MINAHAN SA PARACALE
MAYOR PRO CHINESE !

Isang Paglilinaw sa mga Hindi Kapani-paniwalang Taktika ng Pagpapakalat ng Fake News! Sa mga panahong ito, hindi na bago...
14/10/2024

Isang Paglilinaw sa mga Hindi Kapani-paniwalang Taktika ng Pagpapakalat ng Fake News!

Sa mga panahong ito, hindi na bago ang mga taong gumagamit ng iba't ibang account o page para magpakalat ng maling impormasyon at mga pekeng balita. Ang nakakagulat, may mga pagkakataon na mismong mga "manipulator" na ito ay nahuhuli sa sarili nilang pagkakamali!

Isang halimbawa na lamang ang nangyari kamakailan, kung saan ang isang tao na nagtatago sa likod ng dalawang magkahiwalay na page ay na-spot-an sa comments section ng post ng isang kilalang media outlet. Hindi sinasadyang hindi nakapag-switch ng account, kaya’t lumabas ang kanyang identity—pahiwatig na iisa lang pala ang nagpapatakbo ng mga page na ito.

Makikita sa screenshot ang orihinal na komento at ang mabilisang pag-delete matapos mapansin ang pagkakamali!

Ipinapakita nito ang kanilang tunay na intensyon: linlangin ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapanggap na may iba’t ibang pinanggagalingan ang kanilang mga opinyon, samantalang isang tao lang pala ang nasa likod nito. Hindi na bago ang ganitong taktika, pero importante pa ring mag-ingat tayo sa mga ganitong uri ng manipulasyon!

Huwag maging biktima ng fake news. Maging mapanuri, magsuri, at alamin ang tunay na pagkukunan ng impormasyon.

Kinumpirma ni RPJ ang kanyang pagtakbo bilang congressman sa ikalawang distrito, na may layuning makuha ang 40% SOP (Sta...
30/09/2024

Kinumpirma ni RPJ ang kanyang pagtakbo bilang congressman sa ikalawang distrito, na may layuning makuha ang 40% SOP (Standard Operating Procedure). Ayon sa ilang mga impormante, si RPJ ay lihim na susuportahan ng kasalukuyang gobernador ng probinsya, si Gov. D**g Padilla, para sa kanyang kandidatura.

THE WHO ?na isang media sa camarines norte ang nag papakalat ng paninira sa dating administration,  na wala namang baseh...
24/09/2024

THE WHO ?
na isang media sa camarines norte ang nag papakalat ng paninira sa dating administration, na wala namang basehan.

CLUE: eto yung mahilig mag sabi ng fake news pag hindi na kaya ipaliwanag or walang maipakita documento sa publiko

HOUSE PROJECT NYA CTTO
24/09/2024

HOUSE PROJECT NYA

CTTO

24/09/2024

Parang walang aksyon sa mga pangako ni Vice Governor Joseph Ascutia sa kanyang sinumpaang tungkulin na protektahan ang kalikasan ng probinsya. Hanggang ngayon, tila tahimik ang kanyang kampo, kahit na kaliwa't kanan ang mga alegasyon ng illegal quarrying na kinasasangkutan ng kanyang mga kaalyado.

Ayon sa mga ulat, maraming malalapit na tauhan ni Vice Governor Ascutia ang sangkot sa mga ilegal na aktibidad, na siyang nagpapabagsak sa likas na yaman ng lalawigan. Para bang nagbubulag-bulagan ang opisyal sa mga kaganapan, habang ang mga kabundukan at ilog ng Camarines Norte ay walang habas na sinisira ng mga walang konsensyang "manggagahasa ng kalikasan."

Ang mga pangakong pagbabantay sa kapaligiran ay naging hungkag na salita, habang tuloy-tuloy ang pagwawasak sa kabundukan, ilog, at kagubatan. Walang hiya ang mga nasa likod nito, na tila wala nang kinakatakutan dahil sa tahimik na pagtugon ng mga nasa kapangyarihan.

Ilang beses nang nasasangkot ang mga malalapit kay Ascutia sa mga proyekto ng quarrying na walang sapat na permit, pero mukhang dedma pa rin ang Vice Governor. Sa kabila ng mga hinaing ng mga mamamayan at environmental groups, nananatiling kalmado at tila walang pakialam ang kanyang administrasyon.

Patuloy ang kalbaryo ng kalikasan sa Camarines Norte, at ang tanong ng marami ay, kailan pa kikilos ang mga nasa kapangyarihan? O kailangan bang tuluyan nang wasakin ang buong probinsya bago man lang sila magising?

17/09/2024

Marami ang umaasa ng tulong sa Congresswoman sa segundo distrito ngunit tila nauubos lang sa pag-aantay at nauuwi sa wala ang kanilang pagpila dahil hindi rin naman naabutan at nahahagilap ito sa kanyang opisina. Sana ay hindi na pinapaasa ang mga tao dahil ang kaialangan naman ay agarang tugon at aksyon.

Senador Robin Padilla, Kinumpirma ang Suporta sa Pagtakbo ng Kapatid na si RPJ bilang Congressman sa Camarines NorteKinu...
17/09/2024

Senador Robin Padilla, Kinumpirma ang Suporta sa Pagtakbo ng Kapatid na si RPJ bilang Congressman sa Camarines Norte

Kinumpirma ni Senador Robin Padilla ang kanyang buong suporta sa kapatid na si RPJ, na tumatakbo bilang Congressman sa ikalawang distrito ng Camarines Norte. Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng senador na mas maraming proyekto at mga inisyatiba para sa kaunlaran ang darating sa ilalim ng pamamahala ni RPJ. Ayon din sa mga ulat, tahimik na susuportahan ng kasalukuyang gobernador ng Camarines Norte ang kandidatura ni RPJ, na lalong magpapalakas sa kanyang kampanya para sa pagka-congressman.

ILLEGAL NA PAGKU-QUARRY SA LABO, CAMARINES NORTE, NAIMBESTIGAHAN; " CEASE-AND-DESIST ORDERS INILABAS"Labo, Camarines Nor...
17/09/2024

ILLEGAL NA PAGKU-QUARRY SA LABO, CAMARINES NORTE, NAIMBESTIGAHAN; " CEASE-AND-DESIST ORDERS INILABAS"

Labo, Camarines Norte – Isang reklamo mula sa 8888 Citizens Complaint Hotline ang nagresulta sa imbestigasyon sa umano'y ilegal na quarrying activities sa Matogdon River Channel, na sumasaklaw sa mga barangay ng San Antonio, Mabilo, at Bautista. Ayon sa imbestigasyon ng Mines and Geosciences Bureau Region V, natuklasan na si Mr. Jhobert Angeles, na may hawak ng Quarry Permit No. QP-002-2023, ay iligal na kumukuha ng buhangin at graba mula sa ilog, na nagdulot ng paglabo ng tubig at sedimentasyon sa mga apektadong lugar.

Nakita rin na may mga stockpile ng mga nakuhang materyales sa Barangay Bikal, na pinamahalaan ni Mr. Angeles kasama si Mr. LUKAD DE LIMA at Mr. Jomel de Lima.

Bilang resulta ng mga natuklasan, naglabas ang ahensya ng Cease-and-Desist Orders (CDO) noong Mayo 22, 2023 laban kina Mr. Jhobert Angeles, Mr. LUKAD DE LIMA, at Mr. Jomel de Lima dahil sa kanilang ilegal na pagmimina.

Ang mga aksyon ng ahensya ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na maprotektahan ang kalikasan at maiwasan ang mga illegal na aktibidad sa pagmimina sa rehiyon

Isang kilalang kontratista sa Camarines Norte ang umanong nagbayad sa mga bayarang media upang itago ang naganap na aksi...
15/09/2024

Isang kilalang kontratista sa Camarines Norte ang umanong nagbayad sa mga bayarang media upang itago ang naganap na aksidente sa ilalim ng ginagawang pag-aayos ng kalsada sa Maharlika Highway, Diversion Road, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte. Ayon sa mga ulat, ito'y bahagi ng pagtatakip sa kakulangan sa mga safety procedure at sa mga warning device sa nasabing proyekto. Maraming nagsasabi na ang nasabing kontratista, na kilalang financer at handler ng isang politiko sa Camarines Norte, ang siyang nasa likod ng panunuhol sa mga bayarang media.

Address

D
Daet

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camarines Norte PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share