17/10/2025
Throwback! 🥰
8yrs ago sa first ever therapy center ni Carl ang pic na eto. Licensed ang OT niya and nanggagaling pa talaga siya sa Manila. Bumibiyahe papuntang subic para sa mga kids. Maganda at malawak ang center at mahigpit talaga sila dito. Medyo may kamahalan nga lang 🥹 pero super thankful ako sa OT ni Carl dito kasi malaki ang naitulong niya sa development ni Carl. Ang daming milestones ni Carl sa center na eto.
Nag-start kami dito na naghihilahan tuwing papasok. Nagwawala si Carl at need ko buhatin kahit sobrang bigat maipasok ko lang sa gate ng center. Safe na kasi once makapasok sa loob dahil may gate at naila-lock namin eto para di makalabas ang bata kahit magwala at maglupasay sa sahig. Nung naka-ilang session na kami, isang tawag lang ni teacher kay Carl, behave na siya 😍 kaya naging goal ko na maging ganun din si Carl sakin nun eh 🥰.
Malapit nga din pala sa mcdo ang center na eto kaya isa din eto sa nagiging reason sa hilahan namin ni Carl. Kabisado niya ang papunta sa mcdo kahit pa iniiwas ko siya ng daan 😅 di pwedeng walang mcdo kapag may therapy kaya dapat may extra budget palagi 🤦
Pero dito din nag-start mag-salita si Carl at nirecommend na for speech. Naalala ko pa maiyak-iyak ako nung first time niya akong tinawag na mommy 🥹
Its been 8yrs and hanggang ngayon nag-OT parin si Carl. Kumbaga sa college student, may doctor or lawyer na siguro kami sa laki ng expenses namin sa therapies niya.🥹
But its okay. ❤️
Dahil din naman diyan, malayo na ang narating namin. Malaki na improvements ni Carl. 🥰
Malayo pa ang tatahakin naming journey. At sana matupad ang pangarap namin na maka-graduate siya ng college at makapag-work sa field na gusto niya. ❤️🙏❤️
Isang simpleng pangarap na pangarap din naman ng lahat ng magulang para sa anak nila. Yun nga lang, mas masalimuot ang daan na tinatahak naming mga ausome families 🥹