Pangasinan Spotlight

Pangasinan Spotlight welcome everyone

𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗔𝗠𝗕𝗨𝗟𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔 Patay ang mag-asawa sa ...
21/10/2022

𝗡𝗔𝗞𝗔-𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗠𝗔𝗟𝗣𝗢𝗞 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗔𝗠𝗕𝗨𝗟𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔

Patay ang mag-asawa sa San Carlos City, Pangasinan matapos mabundol at masalpok ng ambulansiya ang motorsiklo sa tapat mismo ng isang hospital sa lungsod.

Naganap ang aksidente pasado alas-10 ng gabi nito lamang ika-18 ng Oktubre sa harap ng Pangasinan Provincial Hospital na matatagpuan sa Brgy. Bolingit sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, palabas umano ng hospital papuntang highway ang ambulansiya na minamaneho ni Arturo Magalong habang binabagtas naman ng motor na lulan ang mag-asawang sina Elmer at Anita Salvador ang kahabaan ng nasabing highway.

Dito na bumangga ang motorsiklo sa ambulansiya dahilan upang tumilapon ang mag-asawa sa kalsada at nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na agaran nilang pagkamatay.
Isinugod ang mag-asawa sa hospital ng mismong driver ng ambulansiya subalit idineklarang dead on arrival ang mga ito. Hindi naman nasaktan ang driver kung saan wala umano itong sakay.
Sa ngayon, ang driver ay nakalabas na ayon sa resolution ng city prosecutor for preliminary investigation.

Ayon pa sa awtoridad, naulila ng mag-asawang Salvador ang kanilang apat na anak.
Nagpapatuloy pa ang imbesitigasyon sa naturang insidente.

Captioned by IFnews
Photos: 📸PNP San Carlos City

WAWA BRIDGE, BUMAGSAK SA BRGY. WAWA CARLOS P. ROMULO SA BAYAN NG BAYAMBANG, PANGASINAN.MGA AWTORIDAD, INAALAM PA KUNG MA...
20/10/2022

WAWA BRIDGE, BUMAGSAK SA BRGY. WAWA CARLOS P. ROMULO SA BAYAN NG BAYAMBANG, PANGASINAN.

MGA AWTORIDAD, INAALAM PA KUNG MAY MGA NASAKTAN SA INSIDENTE.

CONGRATULATIONS TO OUR BJV’s 3X3 CHALLENGE WINNERSUNDER 16 DIVISIONCHAMPION: JCM1ST RUNNER UP: PAMMA SEA WARRIORSUNDER 1...
20/10/2022

CONGRATULATIONS TO OUR BJV’s 3X3 CHALLENGE WINNERS

UNDER 16 DIVISION
CHAMPION: JCM
1ST RUNNER UP: PAMMA SEA WARRIORS

UNDER 18 DIVISION
CHAMPION: PAMMA SEA WARRIORS
1ST RUNNER UP: JCM 1

UNDER 21 DIVISION
CHAMPION: PHILCST 1
1ST RUNNER UP: TEAM MACAU (TARLAC)

OPEN DIVISION
CHAMPION: TEAM SIRVIS
1ST RUNNER UP: WCC SKYHAWKS (BINALONAN)

Congratulations to everyone!

Address

Dagupan City
2400

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pangasinan Spotlight posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share