01/09/2025
PANOORIN: Namahagi ng tig-₱11,250 na ayuda si Pangulong Bongbong Marcos sa 1,197 tourism workers sa Baler at iba pang bayan ng Aurora sa ilalim ng “Bayanihan sa Bukas na May Pag-asa Para sa Turismo” (BBMT) program ng DOT at DSWD ngayong araw, September 1, 2025.
Ayon sa Pangulo, ito'y bilang tulong matapos maapektuhan ang turismo sa Aurora ng mga Bagyon Nika, Ofel at Pepito noong 2024.
Kinilala rin ng Pangulo ang 8% ambag ng turismo sa GDP o gross domestic product ng bansa.
"Asahan po ninyo kahit nasaang sektor kayo sa ating lipunan, kahit po 'yung naging trabaho ninyo, kahit ano po ang naging hanapbuhay ninyo, kapag po kayo ay naging biktima ng sakuna, kahit anong klaseng sakuna, asahan ninyo po na nandito po ang inyong pamahalaan upang alalayan kayo na matulungan kayo upang maipatuloy ninyo ang inyong paghahanapbuhay," ayon kay BBM. | via Jonathan Andal/GMA Integrated News