27/10/2025
NASA MABUTING KALAGAYAN ANG OMBUDSMAN
Nilinaw ng Office of the Ombudsman ang tunay na estado ng kalusugan ni Ombudsman Boying Remulla.
Sa isang opisyal na pahayag na inilabas noong Oktubre 26, sinabi ng ahensya na “ang Ombudsman ay malaya sa kanser.”
Pinabulaanan din nito ang mga kumalat na usap-usapan hinggil sa kanyang kalusugan.
Giit pa ng ahensya, “ang kanyang pahayag tungkol sa kanyang kalusugan ay nasa past tense dahil tumutukoy ito sa karanasang bago siya maupo bilang Ombudsman.”