2 4 0 0 E M P I R E

2 4 0 0  E M P I R E " Virtus et Honos " 2400 Empire

Kapag napanghihinaan ka ng loob, normal lang yan.Human being ka. May highs. May lows. May araw na buo ka, may araw na pa...
20/09/2026

Kapag napanghihinaan ka ng loob, normal lang yan.

Human being ka. May highs. May lows. May araw na buo ka, may araw na parang gusto mo munang umatras.

Pero alam mo kung ano ang isa sa pinakamabilis na pampabalik ng tapang?

Energy ng mga solid mong brothers.

Pero hindi basta brothers.

Hindi yung pare-parehong reklamo.
Hindi yung konting problema, tiklop agad.
Hindi yung bawat bagsak, naghahanap ng masisisi.

Kailangan mo ng mga lalaking kapag binugbog ng buhay, mas lalong tumitigas.

Yung kapag may problema, nagtataas ng noo.
Kapag natalo, bumabangon.
Kapag pinahirapan, hindi nagpapaawa.

Kasi kapag ang mga kasama mo puro ampaw...

Hindi ka nila aangat. Hihilahin ka rin nila pababa.

Kaya hindi mo kailangan ng isang buong crowd.

Kahit isa o dalawa lang.

Basta siguradong kapag humina ka, may lalaking magsasabing:

“Tumayo ka. Hindi pa tayo tapos.”

Dapat puro LION ang nasa paligid mo.

Kasi mahirap maging mahina kapag ang mga kasama mo mismo, ayaw maging mahina.

At mas madali mong susugurin ang buhay kapag alam mong hindi ka nag-iisa sa laban.

Choose your brothers carefully.

Kasi minsan, hindi naman kulang ang tapang mo.

Maling tao lang ang nasa paligid mo.

Hindi ka naturuan kung paano maging lalaki.Baka wala kang tatay.Baka present nga, pero mahina ang example na pinakita sa...
19/09/2026

Hindi ka naturuan kung paano maging lalaki.

Baka wala kang tatay.
Baka present nga, pero mahina ang example na pinakita sa’yo.

Hindi ka naturuan kung paano gumawa ng mahirap na desisyon.
Hindi ka naturuan kung paano tumayo kapag walang sasalo sa’yo.

Ang itinuro sa’yo:

“Magpakabait ka.”

Kaya lumaki kang obsessed sa approval.

Gusto mong magustuhan ka ng lahat.
Gusto mong walang galit sa’yo.
Gusto mong palaging tama ang tingin ng ibang tao sa’yo.

At dahil pinupuri ka kapag sumusunod ka, akala mo yun na ang formula ng buhay.

Be a good boy.
Help everyone.
Never disappoint anyone.

Ang problema?

Palagi mong inuuna ang ibang tao habang kinakalimutan mong buuin ang sarili mo.

Tinutulungan mo lahat.
Pinapakisamahan mo lahat.
Nakangiti ka palagi.

Pero kapag ikaw na ang nangangailangan?

Wala.

At kapag may taong diretsahang magsalita, tatawagin mong kupal.

“Bad boy.”

Hindi.

Hindi lahat ng hindi mo gusto ay masama.

Minsan, naiirita ka lang dahil may taong hindi naghahanap ng approval na buong buhay mong hinahanap.

Habang ikaw busy maging “good boy,” may ibang taong natututong magdesisyon, kumuha ng risks, gumawa ng pera, mag-set ng boundaries, at mabuhay nang hindi kailangan ng validation ng lahat.

Tapos mapapansin mo:

Bakit parang hindi gumagana yung paraan ko?

Bakit hindi ako nirerespeto?

Bakit ako laging mabait pero parang walang nakikinig?

Simple.

Because being nice is not the same as having character.

At ang pinaka-delikado sa “good boy” mentality?

Hindi yung pagiging mabait.

Yung pagtatago ng tunay mong intensyon sa likod ng kabaitan.

Nakangiti.
Magalang.
Palaging “po” at “opo.”

Pero hindi mo alam kung sincere ba talaga o may hinihintay na kapalit.

Ako?

Mas madali akong basahin.

Hindi ko kailangang magpanggap na ibang tao para magustuhan mo ako.

Kung ayaw mo sa ugali ko, fine.

At least alam mo kung sino ang kaharap mo.

Mas gugustuhin ko ang taong openly disagree sa’kin kaysa sa taong sobrang bait sa harapan pero ibang tao kapag nakatalikod na ako.

Kaya wag mong isipin na masama ako dahil hindi ako katulad mo.

Baka ang totoo...

Hindi lang ako madaling lokohin.

At hindi kita pinagkakatiwalaan dahil hindi ko pa nakikita kung sino ka kapag wala nang audience.

Crocodile?

Alam mong kakagat.

Kriminal?

Alam mong may kayang gawin.

Pero yung taong sobrang bait habang tinatago ang tunay na intensyon?

Mas mahirap basahin.

At minsan, mas nakakatakot yun.

Kaya bago mo husgahan ang taong tinatawag mong “bad boy,” tanungin mo muna sarili mo:

Mabait ka ba talaga... O takot ka lang maging totoong ikaw?

Halos lahat ng bagay na worth it, mukhang madali kapag spectator ka.Nung una kang nag-boxing, akala mo ilang buwan lang,...
19/09/2026

Halos lahat ng bagay na worth it, mukhang madali kapag spectator ka.

Nung una kang nag-boxing, akala mo ilang buwan lang, magiging halimaw ka na.

Nag-business ka, akala mo isang magandang idea lang, pera na agad.

Sa dating at relationships, akala mo ilang techniques lang, solved ka na.

Pero pag ikaw na mismo ang nasa field, doon ka gigising.

Kulang pala yung effort na nasa isip mo.

Mas maraming reps.
Mas maraming talo.
Mas maraming rejection.
Mas maraming oras.
Mas maraming sacrifice.
Mas maraming araw na gusto mo nang sumuko pero kailangan mo pa ring bumangon.

Sa boxing, sa isip mo kaya mong lumaban.

Pero pag ikaw na mismo ang nasa ring, 30 seconds pa lang hinihingal ka na.

Doon mo marerealize na iba ang confidence kapag nasa labas ka ng ring, at iba ang competence kapag nasa loob ka na.

Ganun halos lahat ng bagay sa buhay.

Madali maging spectator.
Madali mag-comment.
Madali magsabi ng “kaya ko yan.”

Pero kapag ikaw na ang nasa field, wala nang theory.

Ex*****on na.

At doon mo malalaman kung sino talaga ang may alam at sino lang ang maraming sinasabi.

The game looks easy until you actually play it.

Kung high-status male ka, hindi naman talaga ikaw ang gusto nilang pantayan.Minsan, gusto lang nilang makuha kung ano an...
16/09/2026

Kung high-status male ka, hindi naman talaga ikaw ang gusto nilang pantayan.

Minsan, gusto lang nilang makuha kung ano ang dating nasa’yo.

Hindi dahil espesyal para sa kanila.

Kundi dahil galing sa’yo.

Kapag nakuha nila, feeling nila may napatunayan sila.

Feeling nila natalo ka nila.

Feeling nila kahit saglit, napantayan ka nila.

Kahit hindi naman talaga. Kasi kung ikaw ay high status na lalake, para sayo.. lahat ng hindi na sayo ay para na sa lahat.

Parang mayamang tao na iniwan nalang ang kotse nya sa daanan..

na para bang “inyo na yan”

Ma-heartbreak ka habang bata ka pa.At hindi ko ibig sabihin yung simpleng nag-break kayo ng girlfriend mo tapos malungko...
13/09/2026

Ma-heartbreak ka habang bata ka pa.

At hindi ko ibig sabihin yung simpleng nag-break kayo ng girlfriend mo tapos malungkot ka ng ilang araw.

Ang ibig kong sabihin, yung totoong basag.

Yung wasak ka emotionally. Yung nawawala gana mong kumain, matulog, mag-focus, at kahit ikaw hindi mo na alam kung paano mo ibabalik yung dating ikaw.

Kung mararanasan mo rin lang ang ganung klase ng heartbreak, mas mabuting maaga.

Kasi habang bata ka pa, mura pa ang tuition.

Wala ka pang malaking business na kailangang patakbuhin. Wala ka pang employees na umaasa sa decisions mo. Wala ka pang pamilya na kailangang alagaan. Wala ka pang malaking responsibilidad na pwedeng bumagsak dahil sa emotional state mo.

Ikaw lang muna ang kailangang buuin ulit.

Pero isipin mo, 30–40 ka na.

May business ka na. May pera kang minamanage. May employees. May pamilya. May mga taong umaasa sa'yo.

Tapos doon ka pa unang tinamaan ng heartbreak na kayang ubusin ang focus mo.

Hindi ka na pwedeng mawala nang ilang buwan para lang pulutin ang sarili mo.

Kasi hindi na lang ikaw ang nakasalalay.

Pwedeng maapektuhan ang business. Ang pamilya. Ang mga taong nagtitiwala sa'yo. Pati yung empire na ilang taon mong binuo.

Kaya minsan, kailangan mong maranasan ang pagkabasag habang bata ka pa.

Hindi para masaktan ka.

Para matutunan mong hindi ka mamamatay kapag may nawala.

Para matutunan mong bumangon kahit ayaw mo.

Para kapag dumating ang mas mabibigat na laban sa buhay, hindi na bago sa'yo ang mag-rebuild.

Mas mabuting mabasag ka habang wala ka pang hawak na empire, kaysa mabasag ka kapag marami nang buhay ang nakasalalay sa'yo.

Minsan hindi mo alam na nakakulong ka, kasi hindi mo pa sinusubukang umalis.Hindi mo alam na kontrolado ka ng opinion ng...
12/09/2026

Minsan hindi mo alam na nakakulong ka, kasi hindi mo pa sinusubukang umalis.

Hindi mo alam na kontrolado ka ng opinion ng iba, hanggang gumawa ka ng bagay na hindi nila approved.

Hindi mo alam kung gaano kaliit ang mundo mo, hanggang lumabas ka, mag-travel, makakilala ng ibang tao, at makita kung paano sila namumuhay.

Kapag ginagawa mo lang kung ano ang nakasanayan at kung ano ang expected sa'yo, tahimik ang buhay.

Walang kumokontra.

Walang gulo.

Walang pressure.

Pero hindi ibig sabihin malaya ka.

Baka hindi ka lang umaalis dahil hindi mo pa sinusubukang hilahin ang kadena.

Doon mo malalaman kung ano talaga ang kumokontrol sa'yo kapag sinubukan mong gumalaw.

At minsan, yung discomfort habang binabago mo ang buhay mo, hindi ibig sabihin mali ang direction mo.

Baka ngayon mo lang naramdaman ang kadena dahil ngayon mo lang sinubukang lumayo.

Bago ka maging businessman.Bago ka yumaman.Bago ka magkaroon ng status, power, o pangalan.Bago mo maging kahit ano pa an...
10/09/2026

Bago ka maging businessman.

Bago ka yumaman.

Bago ka magkaroon ng status, power, o pangalan.

Bago mo maging kahit ano pa ang gusto mong maging...

KAILANGAN MO MUNANG BUMUO NG SARILI MONG PAGKATAO.

Build the man first.

Kasi kapag nilaktawan mo ang foundation, darating ang araw na sisingilin ka rin nito.

Pwedeng makuha mo ang pera.
Pwedeng makuha mo ang status.
Pwedeng makuha mo ang power.
Pwedeng makilala ka ng buong mundo.

Pero kung mahina ang pundasyon mo bilang lalaki, hindi sapat ang mga bagay na meron ka para maging matatag.

Hindi mo kailangang unahin ang pagiging successful.
Unahin mong maging taong karapat-dapat humawak ng success.

Build the man first.

Everything else goes on top of that. 💎

Address

Dagupan City
2400

Telephone

+639074102356

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 2 4 0 0 E M P I R E posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 2 4 0 0 E M P I R E:

Shortcuts

Share