1296 DWPR Radyo Pilipino Dagupan

1296 DWPR Radyo Pilipino Dagupan This is the Official Page of DWPR Radyo Pilipino Dagupan. We believe that we are an inspiration of po

09/10/2025

POV: MAY TROPA KANG MICROPHONE đŸŽ€đŸ€Ł

Trending ngayon sa Tiktok ang isang grupo ng magkakaibigan kung saan isa sa kanila ay nagmistulang MICROPHONE!

Sa in-upload na video ni Hyna, makikitang hindi sila magkamayaw sa pagtawa nang ipakita ni Jakob ang kanyang hidden talent na magsalita na may echo effect!

Ayon sa uploader, likas na talented si Jakob, ngunit nagulat sila na kaya rin pala nitong maging literal na ‘microphone’!

Ang naturang video, tumabo na ng 6.8 million views at 932K hearts. |

Video Courtesy: Raymond Tabago/Tiktok

BAGYONG QUEDAN UPDATE Ayon sa huling ulat ng DOST-PAGASA noong Oktubre 9, 5:00 ng hapon, ang Tropical Storm   ay nasa la...
09/10/2025

BAGYONG QUEDAN UPDATE

Ayon sa huling ulat ng DOST-PAGASA noong Oktubre 9, 5:00 ng hapon, ang Tropical Storm ay nasa layong 1,370 km silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.

May lakas ng hangin na 75 km/h at bugso na umaabot sa 90 km/h, kumikilos ito pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Malabong direktang makaapekto ang bagyo sa lagay ng panahon sa bansa.

Ayon sa forecast, inaasahang lalabas ang bagyo ngayong gabi o sa madaling araw. |

CRYSTAL CAVE INTEGRATED SCHOOL, EARTHQUAKE READYTINGNAN | Nasubok ang kahandaan ng Crystal Cave Integrated School matapo...
09/10/2025

CRYSTAL CAVE INTEGRATED SCHOOL, EARTHQUAKE READY

TINGNAN | Nasubok ang kahandaan ng Crystal Cave Integrated School matapos maramdaman ang malakas na lindol alas-10:30 ng umaga ngayong Oktubre 9, 2025.

Ipinamalas ng mga g**o at mag-aaral ang kanilang kaalaman sa tamang earthquake response protocol sa pamamagitan ng mabilis na “duck, cover, and hold” at maayos na paglikas patungo sa itinalagang evacuation area.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, patunay ito na epektibo ang mga earthquake drills sa pagpapanatiling ligtas ng komunidad ng CCIS. |

Courtesy: Baguio City Public Information Office/Facebook

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

‘MAGTAYO NALANG NG BAGONG DPWH’ Senador Win Gatchalian, nais na buwagin ang Department of Public Works and Highways (DPW...
09/10/2025

‘MAGTAYO NALANG NG BAGONG DPWH’

Senador Win Gatchalian, nais na buwagin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at magtatag ng bagong ahensya para sa pampublikong imprastruktura.

Dahil sa malalang katiwalian na bumalot sa DPWH, personal na naniniwala si Gatchalian na mas mabuting palitan na ang ahensya ng panibago.

Ito ang kanyang sinabi nang tanungin tungkol sa usapin sa Kapihan sa Senado forum nitong Huwebes.

“If you were to ask me, let’s just establish a new DPWH. Let us hire other people because I believe, and my philosophy in management, is that you’ll come to a point where you can no longer fix something, so there’s a need to create a new one,” saad ni Gatchalian.

“If you’re going to ask me. Because I think it will take years and years for Secretary Vince to clean up. We need to do many things — digitalization, of course, file cases to everyone involved, and we also need to check the others if they are doing what is right,” dagdag pa nito. |

KINGS OF P-POP IN EUROPE  Nakatakdang mag-perform ang P-pop group na   sa Spazio Atlantico sa Rome, Italy sa darating na...
09/10/2025

KINGS OF P-POP IN EUROPE

Nakatakdang mag-perform ang P-pop group na sa Spazio Atlantico sa Rome, Italy sa darating na Oktubre 12, bilang tampok na act sa Sama sa Roma event ngayong taon.

Libre ang admission para sa unang 1,700 na magrerehistro sa event, na bahagi ng selebrasyon para sa Jubilee Year 2025 ng Simbahang Katolika.

Ang pagtatanghal sa Rome ay kasunod ng Dubai stop ng kanilang Simula at Wakas tour, na gaganapin isang araw bago ang event. |

TINGNAN: Bilang tugon sa mga nagdaang kalamidad sa Hilagang Luzon at Cebu, muling pinagtibay ng Department of Education ...
09/10/2025

TINGNAN: Bilang tugon sa mga nagdaang kalamidad sa Hilagang Luzon at Cebu, muling pinagtibay ng Department of Education (DepEd) ang kahandaan nito sa sakuna sa pamamagitan ng pagpupulong kasama ang mga education leader, regional DRRM coordinator, at mga katuwang na organisasyon sa isinagawang National DRRM x CCA Summit 2025.

Layon ng summit na isulong ang tuloy-tuloy na pagkatuto at pagbuo ng mga paaralang handa sa epekto ng pagbabago ng klima, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng isang edukasyong handa sa hinaharap at batay sa pagsusuri ng panganib.

Kabilang sa mga hakbang ng ahensya ang pagpapakilos ng rapid assessment teams, paggamit ng mga bagong digital tool, at pag-upgrade ng mga pasilidad sa pagkatuto, lahat ay bahagi ng pagsusumikap na palakasin ang katatagan ng edukasyon sa buong bansa. |

đŸ“·: Contributed

Nagpasalamat ang singer-comedian na si Ate Gay matapos magpakita ng positibong resulta ang kanyang radiation at chemothe...
09/10/2025

Nagpasalamat ang singer-comedian na si Ate Gay matapos magpakita ng positibong resulta ang kanyang radiation at chemotherapy treatment para sa stage 4 cancer na kanyang kinakaharap.

Ayon kay Ate Gay, malaking tulong sa kanyang paggaling ang mga tinatawag niyang mga “anghel” mga taong patuloy na sumusuporta at tumutulong sa kanyang pagpapagamot.

Hiling din niya na sana’y matulungan ang iba pang may sakit na cancer, lalo na ang mga walang sapat na kakayahang pinansyal para sa gamutan. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka like at follow sa Radyo Pilipino.

09/10/2025

HILING NG MAMAMAYAN: DIREKTANG ACCESS SA SALN NG MGA OPISYAL

PANOORIN | Sa programang Pulsong Pinoy, ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst, constitutionalist, at senior research fellow sa Ateneo Policy Center, ang kaniyang panawagang palitan ang dating resolusyon ng Ombudsman na nagbabawal sa publiko na magkaroon ng akses sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Yusingco, ang naturang pagbabawal ay malinaw na paglabag sa Saligang Batas, sapagkat binibigyang karapatan nito ang mamamayan na magkaroon ng kaalaman sa mga pampublikong dokumento bilang bahagi ng transparency at pananagutan ng pamahalaan.

Aniya, ang pagbubukas ng SALN sa publiko ay magiging unang hakbang tungo sa mas malawak na pagtitiwala ng taumbayan sa kanilang mga pinuno at sa mas maayos na pamamalakad ng gobyerno.

Binigyang-diin din niya na ang panukalang ito ay dapat ipatupad nang pantay-pantay—mula sa pinakamababang posisyon sa pamahalaan hanggang sa pinakamataas na opisyal, kabilang ang Pangulo ng Pilipinas. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at naka-follow sa aming opisyal na accounts.

TRILLION PESO MARCH LABAN SA KORAPSIYONMagsasagawa ang Trillion Peso March movement ng lingguhang protesta tuwing Biyern...
09/10/2025

TRILLION PESO MARCH LABAN SA KORAPSIYON

Magsasagawa ang Trillion Peso March movement ng lingguhang protesta tuwing Biyernes simula Oktubre 10 bilang paghahanda sa nationwide rally sa Nobyembre 30.

Tampok ang sabayang aktibidad sa paaralan, opisina, simbahan, at community hubs kabilang ang noise barrage, candle lighting, at protesta, habang gaganapin ang misa sa Edsa Shrine at iba pang city centers.

Hinikayat ng mga organizer ang publiko na magdala ng kandila, plakard, at mga kagamitan sa paggawa ng ingay tulad ng busina habang isinusulong din ang paggamit ng puting ribbon, puting bandila, pagtunog ng kampana, at pagdarasal sa National Day of Prayer and Public Repentance bilang simbolo ng pakikiisa laban sa korupsyon.

Inaasahang dadaluhan ng higit 100 grupo ang Nobyembre 30 rally, na pangungunahan ng Church Leaders Council for National Transformation at sinuportahan ng mahigit 80 civil society groups, samantalang nagpapatuloy din ang diskusyon ng iba pang sektor sa karagdagang malakihang kilos-protesta ngayong Oktubre. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

TULFO, PINUNA ANG P879,000 KADA PIRASO NG BODY-WORN CAMERASPinasisibak sa pwesto ni Sen. Raffy Tulfo kay DOTr Acting Sec...
09/10/2025

TULFO, PINUNA ANG P879,000 KADA PIRASO NG BODY-WORN CAMERAS

Pinasisibak sa pwesto ni Sen. Raffy Tulfo kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez ang limang miyembro ng Philippine Ports Authority Bids and Awards Committee kaugnay ng pagbili ng 191 body-worn cameras sa halagang P879,000 bawat isa.

Nangyari ito sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa panukalang 2026 budget ng DOTr at iba pang attached agencies sa Senate Committee on Finance. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

 : Ngayon ang ika-85 na kaarawan ni John Lennon, isa sa mga pinaka-iconic at maimpluwensiyang pangalan sa kasaysayan ng ...
09/10/2025

: Ngayon ang ika-85 na kaarawan ni John Lennon, isa sa mga pinaka-iconic at maimpluwensiyang pangalan sa kasaysayan ng musika.

Ipinanganak siya noong Oktubre 9, 1940 sa Liverpool, England, at sumikat sa buong mundo bilang isa sa mga nagtatag ng The Beatles, ang bandang nagbago sa takbo ng pop music noong 1960s. Bukod sa tagumpay ng grupo, kilala rin si Lennon sa kanyang solo career, kung saan niya nilikha ang mga walang kamatayang awit gaya ng “Imagine,” “Jealous Guy,” at “Instant Karma!”

Hindi lang musikero si Lennon kung 'di aktibo rin siya sa pagsusulong ng kapayapaan, pagmamahal, at katarungang panlipunan. Ginamit niya ang kanyang boses para tutulan ang digmaan at mga isyung panlipunan, dahilan kung bakit naging makabuluhan ang kanyang impluwensiya, hindi lang sa musika kundi pati sa kultura at pulitika.

Trahedyang nawala si Lennon noong Disyembre 8, 1980, matapos siyang pagbabarilin sa harap ng kanyang tirahan sa New York sa edad na 40. |

09/10/2025

'TALAGANG 'PAG KORAPSYON, GAGAWING GHOST PROJECT... BASTA LANG MAKAKUBRA NG PERA'

PANOORIN | Kinumpirma ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin “Win” Gatchalian ang overpriced at ghost projects sa farm-to-market roads.

Ayon sa pagsusuri ng badyet ng Department of Agriculture, malaking bahagi ng pondo ay nakalaan sa mga farm-to-market road na umano’y sobra-sobra ang presyo, umaabot sa P300 milyon kada kilometro.

Giit ni Gatchalian, posibleng manipulahin ang lahat mula sa overpricing hanggang sa ghost projects para makapangulimbat ng pera. |

Courtesy: Senate of the Philippines

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

20/09/2025

With Special Guest:
Col. Clifford Nickanor P. Basco PN(M)(GSC)
Assistant Chief of Marine Staff for Civil-Military Operations (MC7)
Philippine Marine Corps

SAMPUNG DESISYON AT GAWAIN NA DAPAT DAW IWASAN UPANG HINDI MAGSISI MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON – IDINETALYE NG MGA BEHAVIORAL EXPERT.

AND TECHNOLOGY

ANONG HAYOP ANG GAMIT NOON NG CENTRAL INTELLIGENCE AGENCY UPANG MAG-ESPIYA SA KALABAN? GAANO KATALINO ANG MGA OCTOPUS?



NASAAN ANG PINAKAMALALIM AT PINAKAMAHABANG RILES NG TREN SA MUNDO? ANONG MOUTHWASH ANG NAIMBENTO AT GINAGAMIT DATI NA PANLINIS NG SAHIG PERO NGAYON AY IBINEBENTANG PANG-MUMOG?

TO REMEMBER

PAANO MAGKAKAROON NG TAHIMIK AT PAYAPANG BUHAY? ANO ANG MGA PANGUNAHING REQUIREMENTS KUNG NAIS SUMANIB SA PHILIPPINE MARINE CORPS?



SAAN MAY NAGING DESISYON NA LIPULIN ANG LAHAT NG MAYA SA BUONG BANSA KUNG KAYA’T MILYON-MILYON KATAO ANG NAMATAY?

TITSER

GABAY SA CEBUANO NA AYAW NANG MAGSIMBA DAHIL KARAMIHAN DAW NG KAKILALA SA CHURCH AY MAS MAKASALANAN PA SA KANYA.

For more lessons, quotes tips, and trivia tune in to Professor on Air every Saturday 10-11am at Radyo Pilipino! LIKE, FOLLOW, & SHARE

https://www.facebook.com/radyopilipino
and
https://www.facebook.com/ProfessorOnAir1971

19/09/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: 'Baha ng protesta': Ano ang aasahan sa mga kilos-protesta sa September 21

With Special Guest:
Cong. Renee Co
Representative, Kabataan Party List

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


19/09/2025

Sa Likod ng mga Libro: Ang buhay at Panulat ng multi-awarded author na si Teresa Gumap-as Dumadag

With Special Guest:
Ms. Teresa Gumap-as Dumadag
Multi-Awarded Author

Sumabay sa bilis ng balita! Kwentong sports, showbiz, at trending topics, lahat dito!

Fastrack Friday, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo Todo!



19/09/2025

Balita Arangkada w/ Glen Ordinario - Sept.19,2025 - 9am / 11am

18/09/2025

Kasama mo ako sa 1296 w/ Sammy Llusala - Sept.19,2025 - 7am / 8am

18/09/2025

Balita Isyu at Komentaryo w/ Lina Cervantes - Sept.19,2025 - 6am / 7am

18/09/2025

Matuwan Managlinkor PM edition w/ Minnie A.Caburnay - Sept.18,2025 - 4pm / 5pm

18/09/2025

PULSUHAN NATIN 'YAN: Martin Romualdez, nagbitiw na sa pwesto bilang House Speaker

With Special Guest:
Dean Ederson Tapia
President, Philippine Society for Public Administration

Pulsong Pinoy, Ben Paypon. Kabahagi ng bawat Pilipino, ang programang magbibigay linaw sa mga katanungan tungkol sa pulitika at iba pang mga usapin.

Pulsuhan natin yan!


JESSICA SANCHEZ, PASOK SA FINALS NG AGT SEASON 20Pasok na sa grand finals ng America’s Got Talent (AGT) Season 20 ang Fi...
18/09/2025

JESSICA SANCHEZ, PASOK SA FINALS NG AGT SEASON 20

Pasok na sa grand finals ng America’s Got Talent (AGT) Season 20 ang Filipino-American singer na si matapos ianunsyo ng show noong Huwebes, Setyembre 18 (PH time) ang official list ng mga finalists.

Makakasama ni Jessica sa huling laban sina Chris Turner, LightWire, Sirca Marea, Jourdan Blue, at Leo High School Choir.

Gaganapin ang final performances sa Setyembre 23 (US time) at iaanunsyo ang grand winner kinabukasan matapos ang public voting.

Sa semifinals, kinanta ni Jessica ang “Golden Hour” na nagbigay sa kanya ng standing ovation at papuri mula kina Sofia Vergara at Simon Cowell.

Bukod sa kanyang AGT journey, hinahangaan din si Jessica dahil sa tapang niyang pagsabayin ang kompetisyon at ang kanyang pagbubuntis na ngayon ay nasa ika-siyam na buwan na. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

18/09/2025

PRESYO NG MANOK: Bakit pabago-bago at ano ang dapat asahan ng mamimili?

With Special Guests:
Atty. B**g Inciong
Chairman, United Broiler Raisers' Association (UBRA)

Problema mo, bibigyang pansin!
Mga isyu sa komunidad, isinasapubliko!

Huwebes Serbisyo, 11:00am–12:00nn, kasama si Mhet Miñon sa Serbisyo Todo-Todo!



BIRTH, MARRIAGE, AT DEATH CERTIFICATE, AVAILABLE NA ONLINE Mas pinadali na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ...
18/09/2025

BIRTH, MARRIAGE, AT DEATH CERTIFICATE, AVAILABLE NA ONLINE

Mas pinadali na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pag-access sa mga civil documents tulad ng birth, marriage at death certificates matapos ilunsad ang Serbilis Website kung saan maaaring makita online ang mga ito sa loob ng 60 araw gamit ang access code.

Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Dennis Mapa, ang serbisyong ito ay may bayad na P130 para sa birth, marriage at death certificates at P185 para sa Cenomar at Cenodeath, na maaaring bayaran sa alinmang PSA Civil Registry System outlet nang walang appointment.

Maaaring i-print ang dokumento sa pamamagitan ng DocPrint service sa halagang P80 kada kopya, kalakip ng access code.

Nilinaw ng PSA na tanging ang may-ari ng dokumento o pinakamalapit na kaanak ng yumao ang maaaring magbayad at kumuha ng sertipiko, bilang bahagi ng proyektong Civil Registry System–IT Project Phase II upang mapabilis ang serbisyo sa publiko. |

Para sa iba pang balita, siguraduhing naka-like at follow sa official accounts ng Radyo Pilipino.

Address

Tambak Road
Dagupan City
2400

Opening Hours

Monday 5am - 6:30pm
Tuesday 5am - 6:30pm
Wednesday 5am - 6:30pm
Thursday 5am - 6:30pm
Friday 5am - 6:30pm
Saturday 5am - 6:30pm
Sunday 5am - 6pm

Telephone

+639988559745

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 1296 DWPR Radyo Pilipino Dagupan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 1296 DWPR Radyo Pilipino Dagupan:

Share

Category