18/02/2024
'NANAY KAMI, HINDI NANAY LANG'.
PPD
Dahil nag viral, gusto ko lang din ishare.
Hindi talaga biro maging nanay. Simula pa lang sa pagbubuntis, hanggang sa pagbubuwis ng buhay mo panganganak, hanggang sa pag aalaga sa baby pagkatapos manganak. Imagine, hindi pa nakakabawi yung katawan mo mula sa panganganak pero kelangan mo agad magpuyat para alagaan si baby. Tatayo ka at isasayaw sayaw ang baby mo kapag hindi makatulog kahit na masakit pa ang tahi mo. Titiisin mo magsugat sugat ang dede mo, wala kang magagawa kase pag hindi ka nagpadede anong kakainin ng anak mo?At hindi lang sya panandalian, minsan umaabot ng 1 bwan bago mawala ang sakit ng pagpapasuso.
Nandyan pa na hindi ka makakakain ng tama, at tama sa oras. Minsan susubo ka pa lang magigising na agad anak mo.
Nandyan din na hindi ka makakaligo.
Pag naging ina kana, napakarami mo ng kelangan isakripisyo. Pahinga, tulog, kain, social life, at sarili mong kalusugan.
Minsan gusto natin magpahinga pero hindi pwede.
Tapos makakarinig pa tayo ng..
"Yan lang naman ginagawa mo, dimo pa magawa ng tama."
"Ang losyang mo na e, mag ayos ka nga."
"Ni hindi mo na ko maipagtimpla man lang kahit kape."
"May kagat nnman ng lamok, di mo kase tinitingnan tingnan ng maige anak mo."
Minsan masakit pa kase sa mismong mga mahal sa buhay at sa asawa mo maririnig yang mga ganyang salita. Feeling mo wala ka ng silbi na pati pag aalaga sa anak mo dimo magawa ng tama.
Meron ding asawa na parang allergic na allergic mag alaga ng anak. Yung tipong ihinabilin mo saglit kse kakain o liligo ka lang tas wala pang 5 mins ka nakain o naliligo pinagmamadali kana at antagal mo daw.
Madalas natitrigger ang PPD sa mga kababaihan dahil sa kawalan ng kooperasyon, konsiderasyon at apresiyasyon ng mga taong nakapaligid sayo na dapat sila ang mas nakakaunawa at nakaalalay sayo.
Maaari kang magka PPD pero bawal kang sumuko.
Kase nanay ka na. May umaasa sayo.
"NANAY" kami, hindi "NANAY LANG"
"Tao din kmi, hindi robot."
ctto.