31/08/2025
Paglinang sa Wika at Kultura,
Nagtapos sa Kulay at Saya
Isang makulay na pagtatapos
ng selebrasyon ang ginanap sa Judge Jose De Venecia Sr. Technical-Vocational Secondary School (JJDVSTVSS) para sa Buwan ng Wika 2025, kung saan sama-samang ipinakita ng mga g**o, mag-aaral, at panauhing pandangal ang kanilang pagmamahal sa sariling wika at kulturang Pilipino.
Nagbigay ng makabuluhang mensahe sina Dr. Medarlo V. De Leon, Punong G**o IV at Dr. Edgar T. Timbol, Taga-Masid Pampurok. Dumalo rin sa selebrasyon ang "Dancing Konsehal" na si Konsehal Marvin Fabia.
Ipinamalas ang talento ng mga mag-aaral sa mga surpresang bilang mula sa Baitang 12-HUMSS at ni Miyuki Bautista mula Baitang 10, habang nagbigay-aliw naman ang Opisyales ng Kapisanan ng Kabataang Filipino sa kanilang intermisyon.
Ipinagdiwang din ang pagwawagi ng mga itinanghal na Ginoo at Binibining Luzon na sina Sean Philippe C. Fabia at Dhyvie T. Dela Vega ng ikawalong baitang, Ginoo at Binibining Visayas na sina Romel C. Molina at Regine May M. Clores ng ikasiyam na baitang, Ginoo at Binibining Mindanao na sina Alvin P. Bolocon at Angelena A. Pedro ng ikalabing isang baitang , gayundin ang Ginoo at Binibining Wika 2025 na sina Ryan Nel S. Ramos at Trisha Mae A. Sanchez ng ikasampung baitang.
Kasabay nito, pinarangalan din ang mga nagwagi sa ibaโt ibang patimpalak tulad ng Poster-Making, Slogan-Making, Pagsulat ng Tula at Pagsulat ng Sanaysay.
๐๏ธ: Jessey Mae P. Prestoza
๐ธ: Ralph Cendaรฑa