Energy FM Dagupan

Energy FM Dagupan Founded in 1991, UBSI owns and operates radio stations on the FM band Energy FM Manila, EnergyFM Dav

“Energy FM” is owned and operated by the Ultrasonic Broadcasting System, Inc (UBSI), a media company that runs the network of popular FM stations in major Philippine cities including Metro Manila, where it is based. It started operations in Davao, Cebu, Naga and Dagupan in the 1990s and then expanded its wings in Metro Manila, debuting in 2003.

LOOK: Lalaki sa Calasiao, nahulian ng mahigit ₱100K halaga ng shabu! Umaabot sa mahigit ₱100K halaga ng shabu ang nakump...
19/10/2025

LOOK: Lalaki sa Calasiao, nahulian ng mahigit ₱100K halaga ng shabu!

Umaabot sa mahigit ₱100K halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang 44-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Calasiao.

Sa nakuhang impormasyon ng Energy FM Dagupan kay Calasiao PNP Chief of Police Lt. Col. Ferdinand Lopez, ikinasa ang nasabing buy-bust operation laban sa suspek na residente ng Urbiztondo pasado alas-onse ng umaga sa Brgy. Nalsian sa nasabing bayan.

Nagresulta ito sa pagkakakumpiska sa suspek ng limang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 16 grams at nagkakahalaga ng ₱108,800.00.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang nasabing suspek na kabilang sa street-level individual sa usapin ng illegal drugs sa bayan.

PANGASINAN LINDOL ALERT ⚠️ Date and Time: 19 October 2025 - 06:03 AMMagnitude = 2.6Depth = 016 kmLocation = 15.98°N, 119...
19/10/2025

PANGASINAN LINDOL ALERT ⚠️

Date and Time: 19 October 2025 - 06:03 AM
Magnitude = 2.6
Depth = 016 km
Location = 15.98°N, 119.56°E - 029 km S 60° W of Agno (Pangasinan)

18/10/2025

UPDATE ON FPRRD

Matapos ma-deny ang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte (FPRRD), nagsumite ang kaniyang defense team sa ICC ng apela kasama ang mga supporting documents na nagpapatunay na wala sa kanya ang mga risk factors na karaniwang dahilan ng pagtanggi sa interim release tulad ng pagiging flight risk o posibilidad ng pagtakas o pagtatago, pagbabanta sa mga testigo, at patuloy na paggawa ng krimen.

Nilinaw naman ni Vice President Sara Duterte na wala ni isa sa mga naturang risk factors ang maaaring iugnay sa dating pangulo.

Pangasinan, nasa Signal No. 2 na! Simula alas-5 ng umaga ngayon, October 18, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal ...
18/10/2025

Pangasinan, nasa Signal No. 2 na!

Simula alas-5 ng umaga ngayon, October 18, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong lalawigan ng Pangasinan dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong , ayon sa DOST-PAGASA.

Pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at patuloy na mag-monitor sa mga abiso ng awtoridad.

TROPICAL CYCLONE ALERT: Itinaas ng PAGASA ang Signal No. 1 sa Pangasinan matapos mag-landfall ang Bagyong   sa Gubat, So...
18/10/2025

TROPICAL CYCLONE ALERT: Itinaas ng PAGASA ang Signal No. 1 sa Pangasinan matapos mag-landfall ang Bagyong sa Gubat, Sorsogon ngayong Oktubre 18.

18/10/2025

VP SARA: 'di na kami nagugulat!

WATCH: Hindi na raw nagugulat ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa isinasagawang imbestigasyon hinggil sa umano’y isyu ng korapsyon sa mga proyekto ng flood control na pilit na idinidikit sa dating Pangulong Rodrigo Duterte at kay Senador B**g Go.

Ayon kay VP Sara, tila may layunin umano ang mga naglalabas ng ganitong isyu, lalo’t papalapit na ang halalan. Aniya, posibleng konektado ito sa mga haka-hakang tatakbo siya sa pagkapangulo. Kung pagtagpi-tagpiin umano ang mga mga pag-atake kila FPRRD at Sen. B**g Go na ibinabato ng kabilang kampo ay malinaw na ang direksiyon nito ay patungo sa kanya, sa paniniwala nilang siya ay posibleng tumakbo bilang Pangulo sa susunod na halalan.

18/10/2025

USAPING SALN

WATCH: Nagtaka si Vice President Sara Duterte kung bakit tila may bagong utos na nagsasabing maaari nang makuha ang SALN ng mga opisyal ng gobyerno, dahil ayon sa kanya, dati pa naman ay bukas ito sa publiko. Ipinaliwanag ni VP Duterte na ang kanyang SALN ay matagal nang available sa mga institusyon gaya ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at sa iba pang media organizations.

Ang SALN o Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ay isang sworn declaration na isinusumite taun-taon ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno. Layunin nitong ipakita ang kabuuang yaman, utang, at kita ng isang opisyal upang mapanatili ang transparency at maiwasan ang katiwalian sa pamahalaan.

18/10/2025

WATCH: VP Sara Duterte on the issue or corruption in the Philippine Government.

LOOK: Vice President Sara Duterte, dumalo sa misa sa Minor Basilica ng Bayan ng Manaoag ngayong Sabado ng umaga.
18/10/2025

LOOK: Vice President Sara Duterte, dumalo sa misa sa Minor Basilica ng Bayan ng Manaoag ngayong Sabado ng umaga.

17/10/2025

𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟴, 𝟮𝟬𝟮𝟱 (𝗦𝗮𝘁𝘂𝗿𝗱𝗮𝘆 𝗘𝗱𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻)
𝗧𝗮𝗿𝘁𝗮𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗕𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮
𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗕𝗮𝗱𝘇 𝗔𝗴𝘁𝗮𝗹𝗮𝗼





Address

4th Flr Duque-Tiongson Bldg AB Fernandez
Dagupan City
2400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Energy FM Dagupan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Energy FM Dagupan:

Share

Category