31/05/2025
"Walang kapayapaan sa tahanan kung ang babae ay pagod na — sa emosyon, isipan, at bulsa."
Men settle where there is peace. Pero madalas nakakalimutan ng iba: peace doesn’t magically exist. Ang totoo? Babae ang nagtatayo ng katahimikan sa loob ng bahay — pero paano niya magagawa 'yon kung siya'y pagod na, sugatan ang puso, at hindi na naririnig ang tinig niya?
Hindi mo pwedeng asahan na gagawa ng tahanan ang isang babae kapag siya mismo ay parang walang tahanan sa puso ng asawa niya.
Peace begins with how you treat the woman who holds it all together.
Kapag minahal, iginalang, at inalagaan mo siya — lalambot ang mundo. Tatatag ang pamilya. Liliwanag ang buong bahay.
Naalala mo ba si Jolina Magdangal? Sa isang panayam, sinabi niyang malaking bagay sa isang relasyon na nararamdaman mong mahalaga ka — hindi lang bilang ina o asawa, kundi bilang tao.
Ganun din si Dimples Romana, sinabi niya sa interview na ang sikreto ng matatag na pamilya ay “yung may oras makinig at umintindi sa damdamin ng babae — kasi sa totoo lang, kapag okay si misis, buong bahay, ramdam ang saya.”
At si Iya Villania naman, consistent sa pagbabahagi kung paanong si Drew (Arellano) ay talagang partner niya sa lahat — emotionally, mentally, at financially. Hindi lang siya breadwinner o taga-desisyon — kasama siya sa pag-aalaga, pagbuo, at pag-unawa.
So mga lalake — kung gusto niyo ng tahimik, masayang, matatag na tahanan… hindi yan nasusukat sa pera lang o authority. It starts with how you treat your wife.
Because when a woman feels loved, safe, and seen — she brings peace into every corner of your life.
📸 & content CTTO