
07/08/2025
𝐏𝐀𝐋𝐀𝐘 𝐁𝐈𝐃𝐀, 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐈𝐋𝐁𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀.
Nagsilbing mahalagang plataporma ang PalayBida, isang programa ng Radyo Pilipinas Dagupan at PhilRice Batac, upang maipaliwanag sa mas maraming magsasaka sa Rehiyon Uno ang konsepto ng Integrated Pest Management o IPM at mga benepisyo nito sa kalusugan, ani, at kapaligiran.
Ipinaliwanag ni Nonilon I. Martin, Science Research Specialist II mua sa PhilRice Batac sa programa na ang IPM ay tumutulong upang makaiwas sa labis na pagdepende sa pestisidyo, na maaaring magdulot ng pinsala hindi lamang sa tanim kundi pati sa kalusugan ng tao.
Sa halip, itinuturo ng IPM ang tamang desisyon sa tamang oras: kailan kailangang kumilos laban sa peste, at anong klaseng aksyon ang dapat gawin upang maging epektibo ngunit ligtas.
Patuloy ang panawagan ng PhilRice at Radyo Pilipinas Dagupan na tumutok ang mga magsasaka sa PalayBida kung saan ibabahagi pa ang mga makabuluhang impormasyon na makakapagpalakas ng industriya ng agrikultura. | Ulat ni Ricky Casipit, RP1 Dagupan City.