05/09/2025
One Breakfast at a time Day 19
Layunin ng programang "one breakfast at a time" na brainchild project ni Janice Hidalgo na makatulong kahit papaano na maibsan ang tahimik na araw araw ay nilalabanan ng bawat pamilya ......ang gutom at isa sa mga ito ang pag liban sa almusal.
Ang simpleng programang ito ay unti unting pinag tutulungan ng ibat ibang organisasyon at, ahensya at personalidad na malapit sa puso ng Pangasinan Today Online na lahat ay may layunin na makatulong sa kapwa .
Sa paniniwalang charity begins at home sinimulan ang initial 20 days breakfast sa barangay Lasip Chico Dagupan City noong July 14 at hanggang ngayon ay nagpapatuloy , bawat araw bawat participants ay may personal touch mula sa preparasyon at mismong pag serve ng breakfast kaya makikita sa mga bata ang tunay na pasasalamat nila kahit hindi nasasabi , patunay ito na ang maliit at magandang hangarin sa kapwa ay magbubunga ng magandang epekto sa kumunidad.