IFM Dagupan

IFM Dagupan The News & Music Station of RMN in Pangasinan, Philippines.
(1)

GALE WARNING ITINAAS SA PANGASINANItinaas ang Gale Warning sa lalawigan ng Pangasinan ngayong araw, ayon sa pinakahuling...
18/10/2025

GALE WARNING ITINAAS SA PANGASINAN

Itinaas ang Gale Warning sa lalawigan ng Pangasinan ngayong araw, ayon sa pinakahuling abiso ng awtoridad.

Pinapayuhan ang mga bangkang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil sa inaasahang malalakas na hangin na may bilis na 45 hanggang 68 kilometro bawat oras.

Inaalerto rin ang mas malalaking sasakyang pandagat laban sa malalaking alon na maaaring umabot sa taas na 2.8 hanggang 4.5 metro. Inaasahan ang maalon hanggang napaka-along kondisyon ng dagat sa nasabing rehiyon.

Patuloy na pinaalalahanan ang publiko na sumubaybay sa mga susunod na ulat ng panahon.

Source: Pangasinan PDRRMO

 : Pangasinan, Isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2Isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang...
18/10/2025

: Pangasinan, Isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2

Isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong lalawigan ng Pangasinan simula alas-5 ng umaga ngayong araw, ayon sa ulat ng DOST-PAGASA.

Nagbabala ang mga awtoridad sa posibleng malalakas na hangin at pag-ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang lugar.

Hinihikayat ang lahat na manatiling alerto at patuloy na mag-monitor ng mga opisyal na anunsyo.

Source: DOST-PAGASA

 : EASTERN PANGASINAN, NASA ILALIM NA NG SIGNAL NO. 2As of 11:00 PM ngayong Sabado, Oktubre 18, 2025, isinailalim na sa ...
18/10/2025

: EASTERN PANGASINAN, NASA ILALIM NA NG SIGNAL NO. 2

As of 11:00 PM ngayong Sabado, Oktubre 18, 2025, isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang silangang bahagi ng Pangasinan dahil sa papalapit na bagyo.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang San Nicolas, Natividad, San Quintin, Umingan, Balungao, Santa Maria, Tayug, San Manuel, Asingan, Sison, Pozorrubio, Binalonan, San Fabian, San Jacinto, Laoac, Manaoag, Urdaneta City, Rosales, at Villasis.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng malalakas na hangin at pag-ulan, at manatiling nakatutok sa mga abiso ng PAGASA at mga lokal na awtoridad.

Source: DOST PAGASA

MULA SA ISANG PINAY QUEEN HANGGANG SA ISA PA! πŸ‘‘πŸ‡΅πŸ‡­Isinulat muli ang kasaysayan ng Pilipinas matapos tanghalin si Miss Gra...
18/10/2025

MULA SA ISANG PINAY QUEEN HANGGANG SA ISA PA! πŸ‘‘πŸ‡΅πŸ‡­

Isinulat muli ang kasaysayan ng Pilipinas matapos tanghalin si Miss Grand International Philippines- Emma Tiglao bilang Miss Grand International 2025, na nagbigay sa bansa ng back-to-back golden crown kasunod ng pagkapanalo ni CJ Opiaza noong 2024.

πŸ“Έ: GrandTV/YouTube

18/10/2025

FILIPINO PRIDE SOARS HIGH! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‘‘

Emma Mary Tiglao has brought home the 2nd Miss Grand International crown β€” a triumph that shines for every Filipino! Your victory is our pride, Emma. πŸ’›βœ¨

πŸŽ₯: Grand TV / Youtube

πŸ‘‘βœ¨ Congratulations to Emma Mary Tiglao, our Miss Grand International 2025!Ipinamalas mo ang ganda, talino, at pusong Pil...
18/10/2025

πŸ‘‘βœ¨ Congratulations to Emma Mary Tiglao, our Miss Grand International 2025!

Ipinamalas mo ang ganda, talino, at pusong Pilipina sa buong mundo. Tunay kang karangalan ng bayan! Mabuhay ka, Idol! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ’›

Best of Luck, Philippines - Emma Mary Tiglao! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‘‘βœ¨Wishing you all the confidence, grace, and strength as you represent t...
18/10/2025

Best of Luck, Philippines - Emma Mary Tiglao! πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‘‘βœ¨

Wishing you all the confidence, grace, and strength as you represent the Philippines at Miss Grand International 2025! Your beauty, brilliance, and heart make us proud.

Go, Emma β€” bring home the crown once again for the Philippines! πŸ’›πŸ’

PANGASINAN PPO, NAGLABAS NG PAHAYAG UKOL SA BANGKAY NG MENOR DE EDAD NA NATAGPUAN KAMAKAILAN SA LINGAYEN BEACHMatatandaa...
18/10/2025

PANGASINAN PPO, NAGLABAS NG PAHAYAG UKOL SA BANGKAY NG MENOR DE EDAD NA NATAGPUAN KAMAKAILAN SA LINGAYEN BEACH

Matatandaan na isang 16-anyos na lalaki ang natagpuang wala nang buhay sa baybayin ng Barangay Maniboc, Lingayen, Pangasinan, bandang 6:50 ng umaga noong Oktubre 16, 2025.

Ayon sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Lingayen Police Station matapos makatanggap ng ulat tungkol sa insidente. Kinilala ang biktima bilang isang Senior High School student na residente ng Brgy. Libsong West, Lingayen.

Batay sa isinagawang pagsusuri ng forensic doctor mula sa Urdaneta City Forensic Satellite Office noong Oktubre 17, 2025, ang mga tinamong sugat ng biktima ay hindi tumutugma sa karaniwang sanhi ng aksidenteng kinasasangkutan ng sasakyan o pambubugbog.

Lumalabas sa pagsusuri na posibleng nahulog ang biktima mula sa mataas na lugar.

Napag-alaman ding parehong nadislocate ang mga tuhod ng biktima at may pinsalang nagpapakita ng malakas na impact, gayundin ang malubhang head injury na posibleng dulot ng pagkakabangga sa matigas na bagay gaya ng semento.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng Lingayen Police upang matukoy ang mga pangyayari sa insidente at kung may posibilidad ng foul play.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Pangasinan Police Provincial Office, na ginagawa raw ng awtoridad ang lahat ng kinakailangang hakbang upang matuklasan ang katotohanan at maihatid ang hustisya nang may integridad at transparency.

πŸ“· Pangasinan Police Provincial Office

 : Bagyong Ramil tumama sa Sorsogon; Pangasinan, nanatiling nasa ilalim ng Signal No. 1Tumama sa bayan ng Gubat, Sorsogo...
18/10/2025

: Bagyong Ramil tumama sa Sorsogon; Pangasinan, nanatiling nasa ilalim ng Signal No. 1

Tumama sa bayan ng Gubat, Sorsogon ang sentro ng Bagyong Ramil (Fengshen) ngayong hapon, Oktubre 18, ayon sa PAGASA.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 km/h at bugso na hanggang 90 km/h habang kumikilos pa-kanluran nang mabagal.

Itinaas ang Signal No. 2 sa ilang bahagi ng Bicol Region, Aurora, at Northern Samar, habang nasa Signal No. 1 naman ang malaking bahagi ng Luzon at Eastern Visayas. Inaasahan ang malalakas na ulan, matitinding hangin, at hanggang dalawang metrong storm surge sa mga baybaying lugar.

 : Bagyong Ramil, nag-landfall na sa Gubat, Sorsogan kaninang 4:10 PM, ayon sa PAGASA.
18/10/2025

: Bagyong Ramil, nag-landfall na sa Gubat, Sorsogan kaninang 4:10 PM, ayon sa PAGASA.

π—”π—Ÿπ—”π—¦ π—žπ—ͺπ—˜π—‘π—§π—’, π— π—˜π—₯π—¬π—˜π—‘π——π—” 𝗑𝗔!Ready na ang 𝘱𝘒𝘯𝘀𝘒𝘬𝘦 mga momsh!☺️
18/10/2025

π—”π—Ÿπ—”π—¦ π—žπ—ͺπ—˜π—‘π—§π—’, π— π—˜π—₯π—¬π—˜π—‘π——π—” 𝗑𝗔!

Ready na ang 𝘱𝘒𝘯𝘀𝘒𝘬𝘦 mga momsh!☺️

Address

M. H. Del Pilar
Dagupan City
2400

Telephone

+63756323390

Website

http://sg-icecast.eradioportal.com:8000/ifm_dagupan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IFM Dagupan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to IFM Dagupan:

Share

Category