Bombo Radyo Dagupan

Bombo Radyo Dagupan Bombo Radyo Dagupan is a Radio Station in Dagupan City and the Province Pangasinan.

15/09/2026

PANOORIN: Mahigit 50 gramo ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Buy-Bust Operation sa bayan ng Santa Barbara; Suspek, 4–5 taon nang sangkot sa droga

Reporter: Oliver Dacumos




Tingnan: Dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque , handa na umano noon pang Hunyo 2025 matapos na sabihin ni ...
15/09/2026

Tingnan: Dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque , handa na umano noon pang Hunyo 2025 matapos na sabihin ni DILG Sec. Jonvic Remulla na na-denied ang kaniyang asylum / via Bombo Jovino Galang



Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa humigit-kumulang 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P340,000 sa isan...
15/09/2026

Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa humigit-kumulang 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P340,000 sa isang matagumpay na buy-bust operation na nangyari sa Phase 2 Gate, Barangay Minien West, sa bayan ng Santa Barbara, Pangasinan.
BASAHIN:
https://dagupan.bomboradyo.com/mahigit-50-gramo-ng-hinihinalang-shabu-nakumpiska-suspek-4-5-taon-nang-sangkot-sa-droga/



Nakumpiska ng mga otoridad ang nasa humigit-kumulang 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P340,000 sa isang matagumpay na buy-bust operation na nangyari sa Phase 2 Gate, Barangay Minien West, sa bayan ng Santa Barbara. Pinangunahan ng Pangasinan Drug Enforcement Group-Special Operation...

15/09/2026

“NET WORTH NI VP SARA ‘GLARING’ DAHIL SA BIGLANG PAGLAKI NG YAMAN“
PANOORIN: Para kay Prosecution spokesperson at Impeachment adviser Robert Ace Barbers na “glaring” ang net worth ni VP Sara mula P7.2-M, umabot sa P98-M.
Gayunman, iginiit ni Barbers na wala pa silang konklusyon kung may paglabag o pagkakamali sa deklarasyon ng yaman ni Duterte.
Aniya, parang “puzzle” ang mga ebidensyang binubuo ng prosekusyon at kailangang makita muna ang kabuuang larawan matapos maiharap ang lahat ng documentary at testimonial evidence.
Mahalaga umano ang baseline noong bago pa pumasok sa gobyerno at ang kasalukuyang halaga ng net worth upang masuri kung makatarungan at maipapaliwanag ang malaking pagtaas ng yaman.// Via Bombo Anne Soberano



15/09/2026

“EBIDENSIYANG INIHARAP NG PROSECUTION BAHAGI NG PUZZLE RE SALN NI VP SARA”
PANOORIN: Ayon kay prosecution spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., walang masama sa pagtaas ng yaman, basta maipaliwanag at mapatunayan ang pinagmulan nito.
Ayon kay Atty.Tolosa, bahagi pa lamang ng “puzzle” ang mga ebidensyang iniharap ngayong araw at kailangang ihambing ang mga deklarasyon sa SALN sa kanyang kita, tax filings, bank records at iba pang financial interests.
Sinabi rin ni Tolosa na kailangang linawin kung bakit bago ang 2019 ay hiwalay na idinedeklara ang cash on hand at cash in bank sa mga SALN, ngunit nawala ang hiwalay na deklarasyon sa mga sumunod na taon.
Mahalaga rin umano ang mga financial interest ni Duterte sa mga korporasyon, lalo na’t kailangang suriin kung pasok ang mga ito sa mga limitasyon sa pagmamay-ari at business interests ng isang bise presidente.// Via Bombo Anne Soberano



15/09/2026

“PROSECUTION PINAG-AARALAN ANG POSIBILIDAD NG PAGTESTIGO NI MANS CARPIO”
PANOORIN: Nasa talakayan pa rin ng prosecution panel ang posibilidad na ipatawag bilang testigo si Atty. Manases “Mans” Carpio, ayon kay House impeachment prosecutor Rep. Terry Ridon.
Ayon kay Ridon, mahalaga ang testimonya ni Carpio dahil nakalista sa SALN ni Vice President Sara Duterte ang mga business interest na konektado sa kanya.
Hindi pa rin aniya pinal ang desisyon kung ipapatawag si Carpio. Iaanunsyo ng prosecution sa impeachment court at sa publiko kapag napagdesisyunan na ito.
Samantala, sinabi ni Ridon na kabilang sa mga pinag-aaralan din ang mga foreign travels ni VP Sara, ngunit maaaring karagdagang ebidensya na lamang ang mga ito sa kanilang kaso.// Via Bombo Anne Soberano



15/09/2026

“PASOK SA BANGA, SHOOT SA BANGA, THREE POINTS ANG SALN NI VP SARA - RIDON”
PANOORIN: Pasok sa banga ang ebidensyang iniharap ng prosecution sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang inihayag ni Rep. Terry Ridon, matapos ilatag nng prosecution ang mga rekord mula sa Office of the Ombudsman kabilang ang mga SALN ni VP SARA at ng kaniyang asawa na si Atty. Manases Carpio. // Via Bombo Anne Soberano


15/09/2026

SEN. ERWIN TULFO KINUWESTYON ANG TESDA SKILLS PASSPORT, IGINIIT NA BAKA DAGDAG GASTOS LANG’
PANOORIN: Kinuwestiyon ni Sen. Erwin Tulfo ang pangangailangan para sa hiwalay na TESDA Skills Passport, dahil mayroon nang eGov app at iba pang government platforms na maaaring paglagyan ng impormasyon tungkol sa training, certification at job opportunities.
Ipinaliwanag naman ni TESDA Director General Jose Francisco “Kiko” Benitez na layunin nitong magkaroon ang mga learner ng digital resume na magpapakita ng kanilang TESDA certifications, tumulong sa paghahanap ng registered training institutions at assessment centers, magbigay ng access sa TESDA Online Program, at mag-link sa mga job openings.
Ngunit kinuwestiyon ito ni Tulfo dahil mayroon nang eGov app na maaaring magsilbing platform para sa naturang impormasyon.
Para sa senador, dapat pag-aralan kung kailangan pa ang hiwalay na sistema o kung nagreresulta lamang ito sa karagdagang gastusin ng gobyerno.
Iminungkahi rin ni Tulfo na busisiin ng Commission on Audit (COA) ang Skills Passport upang matukoy kung sulit ang gastos para rito.
“COA, look into this. Hindi kaya dagdag gastos lang ito?” tanong niya.
Samantala, binanggit din ni Tulfo ang epekto ng artificial intelligence sa technical-vocational education. Aniya, dapat tingnan ang AI bilang parehong oportunidad at hamon sa pag-upskill ng mga estudyante, ngunit hindi dapat umasa rito ang learners sa paraang mawawala ang aktuwal na pagkatuto at pagsasanay. | via Angelo Aganan, Bombo Radyo Philippines
🎥: Senate of the Philippines



Address

MARAMBA BANKER'S VILLAGE BONUAN CATACDANG, DAGUPAN CITY
Dagupan City
2400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bombo Radyo Dagupan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bombo Radyo Dagupan:

Shortcuts

Share