25/07/2025
: 8 GATES NG AMBUKLAO AT 6 GATES NG BINGA DAM, NAKABUKAS AT NAGPAKAWALA NG TUBIG; SAN ROQUE DAM NANANATILING 'NO GATES OPEN.'
Walong (8) gates ng Ambuklao Dam at anim (6) na gates ng Binga Dam ang nagpakawala ng tubig ayon sa ulat ng DOST-PAGASA ngayong Biyernes, July 25 @8 AM. Nananatiling 'No Gates Open' naman ang San Roque Dam:
◾️AMBUKLAO DAM: 749.91 meters (Current Level); 752 meters (Alert Level)
◾️BINGA DAM: 572.99 meters (Current Level); 575 meters (Alert Level)
◾️SAN ROQUE DAM: 252.88 meters (Current Level); 280.0 meters (Alert Level)
SINOCALAN RIVER MONITORING
AS OF TODAY, Friday, 25 July 2025 @12 PM
Current level- 7.50 MASL (Above Critical Level)
Alert level - 6.20 MASL
Normal Level - 6.00 MASL
🌊TIDE ALERT:
FOR TOMORROW, Saturday, 26 July 2025
HIGH TIDE: 1.32 m at 10:50 A.M.
LOW TIDE: 0.04 m at 7:43 P.M.
RAINFALL WARNING:
Red Alert Level (>200mm)
Source: DOST PAGASA via PARMC, CDRRMO
Mahalagang unawain din po nating lahat na "catch basin" po ang ating siyudad—sinasalo natin ang tubig baha mula sa mga matataas na lugar, bago po ito mag-exit sa Lingayen Gulf.
Inaabisuhan po ang bawat nakatira sa mga tabi ng ilog, dagat at maging sa mga mababang lugar na agad ay lumikas at magtungo sa inyong pinakamalapit na evacuation center. Ihanda ang mga emergency kits at huwag kakalimutan na mag-charge ng inyong mga gadgets.
Manatiling mapagmatyag at alerto sa ating sitwasyon. Tumawag sa ating hotline kung kinakailangan.
Ang inyong mga frontline services sa inyong lokal na pamahalaan, maging sa inyong mga barangays, ay parating bukas upang magbigay tulong sa ating mga kabaleyan.
💪